" Hi LV! tara dito." Bungad ni Simon ng makarating kami ni Annege sa Backyard.
Mabuti naman at pinuntahan ako ni Annege kanina sa dorm pagkatapos nilang umalis ni Maximo para hindi ako ma late. Masungit pa naman iyong si Rylen , nandito kami ngayonnsa backyard tulad ng sinabi ni Rylen kanina sa cafeteria.
" Umupo muna kayo diyan hihintayin lang natin si Amo , tsaka ito pala ang mga kasama natin. Siya si Hendrex , si Leo Martin , si Ivy , at syempre yang kasama mo si Annege. Yung iba pa nating mga kasama wag mo na pansinin hindi ko rin kasi kilala hahaha." Pagpapakilala niya sa mga ito.
Nginitian ko lang sila at kumaway. " Hello, ako si Louis Vein nice meeting you all "
" Vein...? Diba ikaw yung nakasabay namin sa elevator ni Simon? Hindi pa kami nakakabawi sayo ah!" Sabi nung Hendrex.
Nakooo na alala pa pala niya. Tinatawag ko nga pala sila noon ng mukhang kriminal nakakainis kasi pagbintangan ba naman nila ang taga Lumina. Napatawa nalang ako sa sarili.
" kriminal pala ha! Halika ka nga dito ipapakita ko sayo ang tunay na kriminal" sabi niya sabay takbo papunta sa akin.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at walang alinlangang tumakbo na rin mahirap na kasi baka mas masahol pato kaysa sa Amo nila keme. Nagpaikot ikot kaming tatlo sa backyard na parang mga bata.
" Hoy tigil na ! " Pagmamakaawa ko sa kanilamg dalawa pero ayaw pa rin nilang tumigil.
Naabutan ako ni Hendrex saka hinawakang mahigpit. " Huli ka! Oh ano , kriminal ba?"
Dahil sa gulat nasipa ko ang dalawang dragon balls niya napaigtad naman siya at nabitawan niya ako kaya mabilis akong tumakbo papalayo takbo lang ako ng takbo ng bumangga ako sa kung saan. Akala ko isang pader pero bigla itong nagsalita madilim kasi sa parteng iyon.
Pinitik niya ang noo ko " Stupid"
Si r-rylen? Napaayos ako ng tayo saka tumingin sa kaniya ng matagal. Naka poker face lang siya hanggang sa tinaasan niya ako ng kilay. Napaka arte ng kilay niya ah ano yan bading?
" What the hell are you doing? "
Napakagat labi nalang ako at humingi ng paumanhin. " S-sorry... "
" Imbis na magsimula kayo naisipan niyo pang mag laro? This isn't just a joke, people. " He uttered as he walked away.
Napatingin ako sa kanya ng umalis siya at nagpunta sa kinaroroonan nga grupo. Agad naman akong nilapitan ni simon at inalalayan patungo doon.
" Pasensya kana LV napagalitan kapa tuloy."
Nginitian ko siya at nagpatuloy sa paglalakad." Okay lang masungit lang talaga siya. Che!"
Inilabas ni Rylen ang mga dummy na nasa bodega at inilihira niya iyon sa harapan. Sunod niyang kinuha ang lamesa at inilagay sa malapit sakin , tinatawag niya si Leo at ipina ayos ang mga gagamitin namin doon sa lamesa ,bahagya siyang tumingin sa amin at nagpunta sa gitna.
" Listen everyone tonight we will start to train every single strategy and don't you ever waste your sweats. " Pagsisimula niya
BINABASA MO ANG
Turn into Thorn (The Untold)
RandomHow can you make a better choice if there's no other choice? Is there anything good in goodbyes? Life is full of surprises. Would you choose love over self? Would you sacrifice for the better? Together let's get in touch to Louis Vein and Rylem Br...