DOSE

0 0 0
                                    

" Girl, halos dalawang araw kana naming hindi nakikita ah. Kamusta ang training with papa Brauleu? " Sabi ni Maximo.




Oo nga naman ilang araw ko na silang hindi nakikita ,miss ko na sila. Andito kami ngayon sa cafeteria sabay kaming kumain dahil sinundo nila ako sa dorm ko kanina. Pag kasama ko ang mga to parang makakalimutan ko ang problema o yung mga bagay bagay na gusto kong alamin.




" Okay lang medyo masakit sa utak at sa katawan. Nakakainis kasi yung monster na yun" sabi ko sabay subo ng pagkain.




" O hephephep! Anong monster? Ikaw ha close na  ba kayo?" Ani niya ulit.





Bigla naman pumasok sa eksena si Annege
  " Hindi lang close , close na close  pinag aagawan pa nga yan nina Leo eh."




Pinandidilatan ko ng mata si Annege ,napaka spoiler naman nito parang hindi kilala itong si Maximo masyadong ma issue. .




" Kaya pala hindi na nagpapakita satin parehas kayo nitong si Shin bigla biglang nawawala ,may lahi ba kayong engkanto?" 




Ngayon ko lang din napansin na ang tahimik ni Shin, noon kasi silang dalawa ni Maximo ang mausisa satsat ng satsat tapos ngayon biglang pa silent mode and effect.
Bigla kong naalala ang nakita ko noon gusto kong itanong sa kaniya kung bakit siya nandun sa mga oras na yun?




" Ahh shin can I ask you something?" Paninimula ko.




Nag angat siya ng tingin sakin saka ngumiti
" ano yon? About parin ba sa libro?" 





" Ahmm hindi, ano kasi noong mga nagdaang gabi lumabas kaba ng dorm? " Puna ko.





Nakita ko namang bahagya siyang nagulat sa sinabi ko " h-ha?.... Hi-hindi naman bakit?"





Stuttering ha? Baka naman may tinatago ba siya sa amin?





" Para kasing ikaw yung nakita ko nun naka red dress ka pa nga eh. "




Mas lalo akong nag hinala ng nanlaki muli ang mga mata niya napatingin naman ako sa dalawang kasama ko at nakipag titiga  din sila sa akin alam ko na kung ano ang iniisip ng dalawang ito.



" Aaaah! Ano Vein sa pagkakaalam ko kasi hindi yan lumalabas pag gabi " basag ni Maximo sa katahimikan at kumindat sa akin.      




Nagkibit balikat nalang ako at ganun na rin si Annege. Wala nang nangahas pang magsalita sa aming apat kumain nalang kami ng kumain , hindi ko naman maiwasan na hindi iisipin ang ikinilos ni Shin o baka naman na offend ko siya? Minsan bobo rin kasi ako.



" Uhmm guys alis na muna ako ha? M-may gagawin pa pala ko " Shin suddenly broke the silence at walang anumang umalis matapos niya sabihin iyon. 




Hmm suspicious....



" May problema bayang si Shin? " Tanong ko sa kanila.



Annege just raised her eyebrows " ewan ko dun di naman ganyan yan" simpleng saad niya at isinubsob ang mukha sa lamesa. 




" Hayaan mo na lang yun , umaarte lang siguro" ani ni Maximo.




Hindi ko nalang din pinansin at sumobsub narin sa lamesa nakakaantok rin pala itong busog ka  no? Parang gusto kong humilata sa dorm ko. Agad akong nagpaalam sa kanila na matutulog muna hindi naman sila nag abalang pigilan ako wala rin sila sa mood kailangan mag palakas may training din sila mamaya maya.



Turn into Thorn (The Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon