Unang araw ko sa Academyang ito and I can feel that there's something wrong with this School. The students are weird and unpredictable. Nandito ako ngayon sa labad nang dorm at papuntang cafeteria para sa breakfast , nakita ko si Annege na papalabas nang dorm kaya agad ko siyang tinawag.
" Cafeteria ka?" Tumango ako
"sabay na tayo."
Nagsimula kaming maglakad at pagkadating umorder narin kami nang makakain. Di nagtagal dumating narin sina Maximo at Shin. Nag ke-kwentuhan pa sila sa hapag habang ako ay nakafocus sa pagkain. Lumipas ang ilang minuto natahimik bigla ang cafeteria at kasabay nun ay ang pagpasok nang mga studyante na sabay sabay. Dalawang lalaki at isang babae , Halatang mga matataas na uri ang mga ito dahil sa pag alalay nang ibang mga studyante sa daraanan nila. ' VIP yan?' biglang nanlaki ang mata ko nang napagtanto kong ang pamilyar ang dalawang kasama niya na nag kukurutan. Teka nga lang, parang sila yung.. the hell!
" Oo nga !"
Nabigla ako sa nasabi ko napalakas yata iyon at halos lahat sila tumingin sa gawi namin pati ang mga bagong dating. Agad akong yumuko at ginawang pantakip ang aking bag. Nako namaaaan.
" Ginagawa mo girl?" Tanong ni maximo kumunot ang noo niya dahil hindi ko siya pinansin. " Anong role mo ngayon Day at nagkaganyan ka?" Shin reacted.
" Sino ang mga yan? Lalo na yung singkit at yung blonde?" I asked.
" aaah sila yung mga The Archer sila ang namumuno bilang Council dito. Yung singkit yan si Hendrex Reyes medyo makulit , iyong blonde na tinutukoy mo siya si Simon Fidel , siya kung mukang kulang kulang. Iyang babae yan si Ivy Puebla siya yung pinaka ayaw ko sa grupong yan maliban kay Annege " paturo niyang benilatan si Annege na agad namang pinatulan ng kaibigan.
" Sus echos lang , eto na nga, higad din kasi yang isang yan. Kung makakapit kay Amo kala mo sa kanya. At ang panghuli ang pinakamataas sa kanilang lahat ay si Rylen Brauleu Levin pero Amo ang bansag sa kaniya ng lahat kasi siya ang nasa number 1 sa ranking. " Mahabang eksplinasyon ni maximo. Dumapo ang tingin ko sa lalaking tinatawag nilang Amo.
There is something in him. It feels like we've meet before? O sadyang feeling lang talaga ako. Pero seryoso parang may pumipigil sa paghinga ko. At isa pa, kasama pa niya ang dalawang ugok na yun. Pahamak talaga , agad akong napapitlag ng lumingon sa gawi ko ang lalaki siguro ay napansin niyang pinagmamasdan ko siya. Nagtagpo ang mga mata namin bago ako umiwas , para akong malulunod sa kaba iba ang dating nang mga mata niya, parang nagsasabing walang makakapantay doon. Ggrrrr. Creepy.
Pagkatapos naming kumain kay agad na rin kaming pumasok sa klase. Kaklase ko pala si Shin parehas kaming 2nd year at sina Annege at Maximo naman ay nasa ikaapat na taon.
"Shin , bakit parang wala pang prof natin?" Panimula ko
" Ganun talaga dito, minsan strikto sa pagtuturo minsan naman vacant nalang. Ang AOS kasi ang mas pinagkakaabalahan dito. Hindi kasi to isang ordinaryong skwelahan lang Vein , dito mo mapagtanto na mas kailangan ang lakas loob kaysa sa awa. Mas importante ang sarili kaysa sa iba. " Aniya . Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong pa, ano naman kaya ang mga kalokohang nandito? Sayang naman at hilig ko pa naman ang gumawa nang acads.
" Class A please proceed to the Gymnasium for the P.E" sabi nang isang bagong dating na naka P.E uniform baka ito na yung prof namin. Maya maya pa ay nagpunta na kami sa gym at nakapag palit narin nang damit. Naabotan ko ang ibang kaklase namin na tumatakbo paikot sa kabuoan nang Gym. The heck? Agad agad?
" Vein, magsimula na tayo. Sanay kaba sa ganito?" Shin ask
" Hindi ,pero kaya ko namang tumakbo nasanay nadin kaso ako training ko noon sa Lumina" sagot ko sabay ngiti.
" Tara na"
Sabay kaming tumakbo at wala pang halos isang oras nanghihina na ang nga tuhod ko ngunit pinipilit ko parin para maka abot kay shin na ngayoy gumagawa na ng Push ups.
" Ayos ka lang ba?" Tanong ni shin nang makalapit ako sa kanya. " O-okay pa naman medyo hinihingal lang saka masakit kaunti ang mga binti ko. " Yun lang at nagsimulang mag push up.
1...2...3...4...5- napaigtad ako sa sakit ng nadapa ako at nakipaghalikan sa sahig halos hindi ko na mabawi ang pwersa sa mga balikat ko. Napansin naman iyon ni Shin at agad akong inalalayan. ' ang hina ko naman.'
" Ms. Revilla what's going on? Bakit ka tumigil!" Hasik nang Prof namin.
" Baka naman po pwedeng mag excuse si vein hindi po kasi siya sanay" pagbabasakali niya.
" Ms. Revilla, ang isang mahina pag pinagbigyan hindi matututo. Kung gusto niyang mag aral dito dapat niyang matutunan ang pagiging malakas. Pabayan mo siya diyan hanggat hindi niya matatapos ang bilang hindi siya makakapag pahinga." Grabe naman to. Torture ba to o parte pa ng klase? Hindi naman ako nag enroll para magpakamatay ah. Nagpatuloy nalang kami sa ginagawa namin.
Pito....walo... Siyam.. samp- haaays ano bayan isa na nga lang e ngayon pa sumuko nakakaimbyerna.
Tapos na ang iba kong mga kaklase at ako nalang saka si Shin ang natitira pinababantayan ako ng prof kung matatapos ko ba ang gawain. Nakahiga ako sa sahig ng may tumamang bola sa paa ko. Hindi parin ako kumikibo kasi namamanhid ang buong katawan ko, basang basa narin amg damit ko. Narinig ko ang mga yapak papunta sakin at saka huminto.
" Are you dreaming to be a mop? You're over qualified" tinig ng isang lalaki. Hindi ko siya pinansin bagama't sinipa ko ang bola papalayo.
" What the heck! Are you crazy? " Galit na asik niya.
" Hindi ako si Crazy at lalong diko alam ang heck." Sagot ko saka tumayo. Kumaway ako kay Shin para sabihin na hindi ko na kaya. Humakbang ako papalapit sa kanya nang mag biglang nagsalita ang lalaki.
" Get it or you'll suffer" napatigil ako at nanlalamig sa boses niya. That was scary pero kailangan kong manatiling kalmado.
" Choose" pag uulit niya.
Agad akong humarap sa kanya at inayos ang pagtayo. Nagulat ako nang napagtanto ko kung sino ang asa harapan ko.
It's him...
BINABASA MO ANG
Turn into Thorn (The Untold)
DiversosHow can you make a better choice if there's no other choice? Is there anything good in goodbyes? Life is full of surprises. Would you choose love over self? Would you sacrifice for the better? Together let's get in touch to Louis Vein and Rylem Br...