Simula

23 0 0
                                    

Simula

"Naku, Kuya! Kailan ka ba magkaka-girlfriend?" tanong sa akin ni Mama.

Natatawa akong umiling. Sumubo ako ng pagkain bago sumagot. "Hindi ko pa po alam, wala pa akong makitang bagay sa akin."

Tinawanan niya ako. "Sus! Bakit sabi sa akin nina Jan ay may natitipuhan ka raw sa classroom niyo?" tinaasan niya ako ng kulay.

Napakunot naman ang noo ko roon. Wala akong nagugustuhan sa classroom! Wala nga akong makitang p'wede kong pagka-interesan, e.

"Gawa-gawa lang nila 'yan ni Kob, 'Ma!" Umiling ako. "Huwag po kayong maniwala agad sa mga 'yon."

Ngumiti siya at umiling na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Natapos ang araw na 'yon nang iniisip ko pa rin kung sino ang tinutukoy nina Jan. Masyado akong naging interesado sa babaeng sinasabi nila kaya naman hindi ako maayos na nakatulog. Dahil kung tutuosin, wala pa akong balak na manligaw sa kahit sinong babaeng nakikita ko dahil wala pa naman talaga akong nagugustuhan.

"Gago kayo! Anong sinabi niyo sa Mama ko?" bungad ko sa dalawa nang makarating ako sa classroom.

Nagtataka silang tumingin sa akin. 'Yung isa, seryoso lang ang mukha, habang ang isa, nagpipigil na ng ngiti.

"Anong sinasabi mo? Hindi pa nga namin nakakausap si Tita Loisa." si Jan.

Binatukan ko siya. "Sinabi niyo raw na may natitipuhan na ako rito sa classroom! Sino naman 'yon sa tingin niyo? E, wala nga!" halos mainis na ako dahil wala talaga akong maisip na p'wede nila akong asarin.

Nakita ko ang pag-ikot ng tingin ni Zejhan sa classroom kaya naman sinundan ko 'yon. Tumigil 'yon sa grupo ng tatlong babae, sa grupo ng girlfriend niyang si Ranzell.

Nginuso iyon ni Zejhan. "Ayun!"

Kunot-noo kong tiningnan ang tinuturo niya. Hindi ko naman alam kung sino kay Marchel at kay Jorin ang tinutukoy niya. S'yempre, excluded na roon si Ranzell dahil iyon ang girlfriend niya.

"Si Jorin," sabi ni Jan. "kunwari ka pa, e. Ayaw mo na lang umamin sa amin, akala mo ay hindi mo kami kaibigan." naiiling niyang sabi.

Napamura ako nang ilang beses sa utak ko dahil sa sagot ni Jan sa akin. Mahina kong sinuntok 'yong braso niya. "Gago! Ayusin mo! Wala na bang ibang p'wedeng ituro dito? Bakit si Jorin pa?"

Nang ibalik ko ang tingin sa tatlong babae, naabutan kong nakatanaw sa amin si Jorin habang inaayos at sinusuklay ang maikli niyang buhok. Nag-iwas ako agad ng tingin dahil may kung anong kaba akong naramdaman sa dibdib.

"Alam niyong kaaway ko 'yan hanggang mamatay. Ang daming p'wedeng ipakilala kay Mama, bakit si Jorin pa?" iritado ko nang sabi bago nag-iwas ng tingin sa kanila.

Naupo ako nang maayos sa upuan ko. Sandali akong natahimik nang nakitang nakatanaw pa rin sa akin si Jorin. Pakiramdam ko ngayon, nagbabara 'yong lalamunan ko dahil sa nararamdaman kong tingin niya. Sa hindi malamang dahilan, napatuwid ako ng upo saka pumeke ng pag-ubo. Wala naman akong sakit pero para akong lalagnatin ngayon.

"Dami ko kayang manliligaw, naguguluhan na nga ako kung sino ang sasagutin ko." dinig kong halos pasigaw na sabi ni Jorin.

"E, bigyan mo naman ako! Napag-iiwanan niyo na ako ni Ranzell." si Marchel.

Napayuko na lang ako dahil sa init ng taingang nararamdaman. Ano naman kung may nanliligaw sa kanya at kung marami 'yon? Bakit kailangang ipagsigawan niya pa 'yon? Sino ba ang may pakialam kung marami siyang lalaki? Nakakairita! Wala naman din dapat akong paki!

Sa muli kong pagtanaw sa pwesto nila, kita ko ang malawak na ngiti ni Jorin at kung paano siya magpigil ng ngiti dahil sa mga kuwentong baon niya para sa dalawang kaibigan. Napailing ako't agad na tumayo.

Stranger I Know Everything AboutWhere stories live. Discover now