Kabanata 4

12 0 0
                                    

4

I still somehow remember everything about Mico. Sa apat ko kasing ex-boyfriend, siya lang 'yong nag-iisang matino at sa kanya lang din nagkaroon ng maayos na break-up. We're a couple for almost a year. Hindi ko na maaalala ang eksaktong buwan kung gaano kami katagal. We were just 16 and 17 at sigurado naman akong hindi kami nasaktan masyado sa nangyari kahit pa biglaan 'yon.

It was because of his mother. Noong nalaman niyang may girlfriend si Mico, agad niya kaming pinaghiwalay. Kaya naman napilitan siyang tapusin kami kahit pa wala naman daw siyang balak.

"Hindi na!" sabi ko kay Marchel.

Tumango siya. "E, bakit miss ka raw?" tumawa siya.

Kumunot ang noo ko at in-off ang cellphone. "Hayaan mo at baka bored lang." Umirap ako sa hangin. "Sino ba naman kasi ang makaka-move on kung ako ang ex-girlfriend?" pumeke ako ng tawa dahil kabado na.

Natawa ang dalawang babae sa sinabi ko. Samantalang ako ay may halo pa ng kaba ang pagtawa. Hindi ko maintindihan kung para saan ang kabang nararamdaman ko habang naiisip si Mico. Samantalang noon naman ay wala akong pakialam kahit ilang beses pa nilang banggitin ang pangalang 'yon.

Ang mga teacher na pumasok sa amin ay ipinakita lang ang mga grade at record namin. Palapit na ang graduation namin at kabang-kaba ako sa halos lahat ng subject dahil baka mamaya ay lumalagapak ang mga 'yon.

"Mukhang okay naman ang grades ko, panigurado namang makahahabol ako." ngumisi ako kina Ranzell at Marchel.

"Feeling ko ako rin," si Marchel.

"Tapos feelingera lang pala tayo, 'no?" humagalpak ako ng tawa at ganoon din sina Ranzell.

"Si Ranzell nga chill lang buong school year, pero tingnan mo, automatic niyan na kasama siya." dagdag ni Marchel.

Ngumiwi si Ranzell. "Hindi naman, inspired and in love lang." simpleng sabi ni Ranzell.

Nagkatinginan kami ni Marchel bago umarte na para bang nasusuka. Mahinang hampas ang binigay sa amin ni Ranzell habang tumatawa. Nakakatulong ba ang pagiging in love sa pag-aaral? Kung tunay 'yan, kailan ko mararanasan?

Habang kumakain ng lunch, bigla na lang sumagi sa isip ko si Vanjo. 'Yong tingin niya sa akin kanina na madilim at hindi katanggap-tanggap. Nasa tapat ko siya ngayon dahil halos palagi na kaming nagsasabay simula noong naging magkasintahan si Ranzell at Kob.

"Hanggang sa pagkain, nakabusangot?" si Marchel.

Umiling ako at tinuloy lang ang pagkain. Nagkibit-balikat ako kay Marchel at pinanood lang silang kumain.

"Jorin, bukas tayo magpicture. Handa mo na lang mga susuotin mo." biglang sabi ni Vanjo.

Umirap ako at binitawan ang kutsara at tinidor. "Akala ko huwag magmadali? Hindi pa kumpleto ang gamit ko."

"Kasalanan ko? Asikasuhin mo mamaya 'yan. Matatapos naman din siguro natin 'yon bukas." aniya nang hindi ako tinitingnan.

Ngumiwi ako at nilingon ang mga kaibigan namin. Nakatanaw lang sila sa amin at walang sinasabi. Hindi ako umimik at napalunok na lang bago pa uminom ng tubig. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanila dahil ayokong tingnan ang mga reaction nilang alam kong may pinararating.

"May alam ba kayong magandang pwesto para magpicture?" tanong ni Vanjo sa mga kaibigan.

"Sa likod ng bahay niyo. 'Di ba maganda 'yung ayos ng mga paso na may halaman do'n?" sagot ni Jan.

Nilingon ko si Jan at tinitigan lang. Sunod kong tiningnan ay si Vanjo na nahuli kong nakatanaw sa akin. Nag-iwas siya bago ngumisi at nagkibit-balikat.

Stranger I Know Everything AboutWhere stories live. Discover now