Kabanata 8

18 0 0
                                    

8

I can't explain what I'm feeling. Pakiramdam ko, bigla akong naging conscious sa hitsura ko sa araw na 'to. Kinuha ko 'yung mga clips kong iba't iba ang kulay, pero syempre, ang gamit ko ay 'yung green dahil iyon ang paborito kong kulay. Kinuha ko rin ang bracelet ko at sinuot 'yon. Hindi ko alam kung para saan ba ang mga 'to!

"Nandiyan na siya! Nandiyan na siya!" dinig kong sigaw ni Jan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sinalubong naman niya ako ng malawak na ngiti saka mabilis na umakbay sa balikat ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Ayoko sa walang isang salita, ha? Alam mo na." Pumeke siya ng pag-ubo at ilang beses ehem nang ehem. "'Yong libre mo sa akin, beke nemen."

Umirap ako sa kanya. "Alam ko! Maghintay ka at kapapasok ko nga lang!"

Nakaakbay pa sa akin si Jan nang makalapit kami sa upuan kung saan nandoon sina Ranzell kasama si Vanjo. Maganda ang ngiti ng tatlo at tanging si Marchel ang parang wala sa mood nang tanawin ako. Agad kong naisip si Jan. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko para mawala ang pagkaka-akbay sa akin ni Jan. Sinubukan kong makisabay sa tawanan nila Ranzell kahit pa hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.

"Kumusta ang shoot? Hindi ka nag-message sa amin kagabi." si Ranzell.

Ngumuso ako at naupo sa libreng upuan sa tabi ni Ranzell. "Okay lang naman. Pagod lang ako kaya inabot ako hanggang alas diyes sa pagtulog." nagkibit-balikat ako.

"Napagod saan? Ang bilis nga lang ng shoot niyo saka hindi ka naman naglakad pauwi?" singit ni Jan.

"Ewan ko."

"Ginutom mo yata, e." si Zejhan Kob bago sikuhin si Vanjo.

Kunot ang noo ni Vanjo nang sulyapan ako. "Anong ginutom? Sinubuan ko pa nga 'yan!"

Agad na naramdaman ko ang pag-init ng mukha sa sinabi niyang iyon. Para yata akong lalagnatin dahil sa iniisip na kahihiyang iyon! Napayuko na lang ako agad nang maramdaman ang pagtingin ng mga kaklase naming nakarinig ng sinabi ni Vanjo. Nakakahiya at kailangan pa niyang i-broadcast 'yon!

"What? OMG!" Gulat na sabi mo Marchel. "Baka kung wala roon si Jan, hmm, baka may aminan nang nangyari."

Narinig ko rin ang paagtawa ni Ranzell. "Akala ko ba hate niyo ang isa't isa? Care to explain?" aniya saka ako niyugyog.

Nang umayos ako sa pagkaka-upo, hindi ko magawang tumingin sa banda ni Ranzell dahil doon din naka-pwesto si Vanjo sa tabi ni Zejhan Kob. Inayos ko ang buhok ko gamit ang green kong clam. Nang maayos at masikop ko ang aking buhok, hindi pa rin ako kumikibo kahit pa nalilingon ko na sila.

"Ano 'to? Jorin in love era?" panunukso ni Ranzell.

Mabilis akong umiling. "P'wede...pero hindi sa inaakala niyo,"

Matapang akong humarap sa kanila nang sabihin iyon kahit pa may kurot ng kabang nararamdaman. Nilingon ko si Vanjo na seryoso lang na nakatanaw sa akin habang hawak ang kulay green na folder. Masyadong seryoso ang tingin niya kaya naman nag-iwas ako dahil hindi ko iyon magtatapatan. Kung nakakapaso 'yong mga tingin niya, tiyak na puro sugat na ako.

Nagtakip ng bibig si Jan at Zejhan habang nakatanaw sa kaibigan nilang si Vanjo. Umirap lang ako habang nangingisi sa dalawa. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang biglaang pagtayo ni Vanjo. Huminto siya sa harap ko kaya naman napa-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso pa rin ang mga tingin niya sa akin kaya naman agad din akong nag-iwas.

"Ikaw na magpasa," tanging sabi niya nang mailapag sa harap ko ang folder.

May ilang teacher na pumapasok sa room namin para balitaan kami sa grades namin. So far, ang mga natatanggap kong grades ay pasado. Ang tanging inaabangan ko na lang ngayon ay 'yung sa adviser namin na si sir Marvin.

Stranger I Know Everything AboutWhere stories live. Discover now