Kabanata 1 - JL

17 0 0
                                    

1 - Juana Lorin

Hindi ko halos mapigilan ang tawa ko nang lampasan ko si Vanjo pagkatapos siyang tuksuin at asarin sa harap ng mga kaklase namin. Panigurado, mas lalong mag-iinit ang ulo no'n sa akin. At wala akong pakialam kung ganoon ang maramdaman niya sa akin. It makes me alive. Siguro, kapag hindi ko na naramdaman 'yong galit niya, baka mamatay na ako at malagutan ng hininga.

"Inaasar mo pa kasi, malalagot ka riyan. Alam mong mainit na ang ulo no'n sa 'yo noon pa." sabi ni Ranzell nang makalapit ako sa kanila.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hayaan mo siya. The feeling is just mutual!" tumawa ako at tinanaw si Vanjo na mukhang kawawa sa inuupuan niya.

Ngumisi ako nang makita ang salubong niyang mga kilay habang may kung anong pinagtatawanan ang mga kaibigan niyang si Kob at Jan.

"Ang lakas mo talaga." si Marchel bago ako paluin nang mahina sa braso.

"Ako pa ba?" pagyayabang ko.

Inilingan ako ng dalawang kaibigan. Nakaupo lang ako habang pinapanood si Vanjo na nakabusangot. I suddenly just can't take my eyes off of him! I don't know why pero may hitsura siya. May hitsura din pala, lalo na kapag galit.

"Pero bakit nga ba kayo parehas ng pants?" Tumawa si Ranzell. "Mukhang iisang brand nga lang din, e."

"Sa palengke lang 'tong akin, e. Saka, matagal na sa akin 'to." Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi. "Siya kaya ang tanungin niyo kung ano ang naisip niya at ganito ang sinuot niyang pants!"

Ngumuso si Ranzell at Marchel. Tahimik naming pinanood ang kalalakihang magtawanan habang ang isa sa kanila ay salubong ang kilay at galit ang hitsura.

Moreno si Vanjo at payat, pero sakto lang naman ang pagkapayat niya. Siya ang pinaka-matangkad sa kanilang tatlo nina Kob at Jan. Hindi ko alam kung paano ko siya ilalarawan, e. Hindi naman siya sobrang guwapo, pero aaminin ko, kahit mainit ang dugo namin sa isa't isa, attractive siya. Maganda ang labi niya kasi makapal 'yon at palaging mapula dahil pinaglalaruan niya. 'Yong mga mata niya, kulay brown lalo na kapag nasisinagan ng araw. May ilan din siyang pimple at pimple marks na sigurado akong hindi naging kabawasan ng pagiging pogi niya.

Napabuntong-hininga ako habang pinapanood ang badtrip niyang mukha. Dati, gusto kong maging ka-close ang grupo nila. Pero noong nalaman kong badtrip sa akin si Vanjo, si Jan at Kob na lang ang kinakausap at pinapansin ko. Wala na akong pakialam sa kanya at hindi na siya mag-e-exsist para maging kaibigan ko.

"Punta na raw po sa may stage sabi ni sir Fredie!" sigaw ng isa naming kaklase.

Kinuha ko 'yong green kong clip at tinalian sandali ang buhok ko.

"Tara na, Jorin!" tawag sa akin ni Ranzell.

"Mauna na kayo. Susunod din ako."

Tumango naman sila at sabay nang lumabas kasama sina Kob.

Sandali akong nag-stretch dahil parang biglang sumasakit 'yong batok ko. "Bwisit! Kung kailan ang P.E, saka pa sumakit ang batok. Bwisit talaga!" reklamo ko sa sarili.

Ang mga kaklase ko ay unti-unti nang lumalabas dala ang mga gamit nila. Kinuha ko rin 'yong panyo kong berde at inilagay ko agad 'yon sa likod ko.

Pahakbang na sana ako para lumabas nang pigilan ako ni Vanjo. Ang matangkad na lalaki, bigla akong sinigawan kaya agad din akong napabaling sa kanya.

"Hoy!" sigaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at sinigawan din. "Ano?"

"'Yong sintas mo. Ayusin mo kung ayaw mong magdapa." pabulyaw niyang sabi bago tuluyang lumabas ng classroom.

Stranger I Know Everything AboutWhere stories live. Discover now