Kabanata 6

13 0 0
                                    

6

Nasa sala lang ako nina Vanjo habang siya ay naglilinis sa kusina nila. Nagsimula na rin akong magpahid ng make-up para magbibihis na lang ako kapag natapos na siya sa ginagawa niya.

"Hi," dinig kong sabi ng bata.

Tinigil ko ang paglalagay ng eyeliner at nilingon saglit 'yong kapatid ni Vanjo.

"Hello," nginitian ko siya.

"I want that, too." inginuso niya ang nakakalat kong make-up sa mesa.

Tumawa ako at umiling. "Baby ka pa, e. Bawal pa ang ganiyan sa 'yo."

"Bakit po?"

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Kapag malaki ka na at p'wede na, lalagyan kita at ako ang mag-aayos sa 'yo."

Hindi siya sumagot at tinanaw lang ako. Bumalik ako sa paglalagay ng eyeliner. Sa gilid ng mga mata ko, tanaw ko kung gaano katitig sa akin ang batang babae.

Nang matapos, muli ko siyang binalingan. "Ano ang pangalan mo?"

"My name is Evangeline Jane Mendino. Walong taong gulang na po ako."

Natawa ako roon dahil buong-buo ang pangalang sinabi niya sa akin. Sandali ko siyang tinitigan at parehong-pareho sila ng hitsura ni Vanjo. Brown din ang mga mata niya, morena, singkit din ang mga mata ngunit mas singkit ang mga mata ni Vanjo sa kanya. At katulad ni Vanjo, maganda at mapula rin ang labi ng bata.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, Evangeline." inabot ko ang pisngi niya at mahinang kinurot 'yon.

"Sabi ni Mama, si Kuya raw ang nagpangalan sa akin. Kaya maganda po ang pangalan ko." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Wow!" Tumango ako bago tanawin si Vanjo na naghuhugas ng mga pinggan. Tahimik lang siya at hindi rin lumilingon sa banda namin. "Ang ganda naman ng pangalan mo."

"Ikaw? Ano ang pangalan mo?"

"Jorin,"

Tumango siya. "Maganda rin po ang pangalan mo, Jorin. Si kuya ay gwapo ang pangalan. Alam mo ang pangalan niya?"

Tumawa ako roon. "Oo naman. Alam ko ang pangalan no'n."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Bakit mo po alam?"

"Kasi kaklase ko siya. At alam mo, hindi niya ako girlfriend." ibinulong ko lang sa kanya ang huling pangungusap na sinabi ko.

"Bakit hindi?" Ngumuso siya. "Kuya! Itinatanggi niyang girlfriend mo siya!" sigaw niyang sabi sa kuya niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bata. Nagsalubong ang kilay ko bago lingunin si Vanjo. Pinanlakihan ko siya nang mga mata dahil malawak ang ngisi niya nang lumingon sa amin.

Nakita ko siyang nagpunas na ng kamay dahil katatapos lang niyang maghugas ng pinggan. Hawak pa rin niya ang pamunas ng kamay habang naglalakad papunta sa amin.

"Huwag mo ngang guluhin 'yan. Nangangain ng tao 'yan, Eva." sabi niya sa kapatid niya bago kurutin ang pisngi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Evangeline. "Monster ka ba?"

Tumayo si Evangeline sa sofa at agad na nagpabuhat sa kuya Vanjo niya. Nagtago siya sa leeg no'n at nakayakap lang.

"Joke lang 'yon." Natatawang sabi ni Vanjo. "Mabait minsan 'yan. At tawagin mo siyang ate... kahit na hindi ko siya girlfriend." nakatitig sa akin si Vanjo habang sinasabi 'yon.

Agad akong umirap sa kanya.

Nakanguso si Evangeline nang harapin niya ako matapos siyang ilapag ni Vanjo sa sofa. "Bakit hindi mo siya girlfriend?"

Stranger I Know Everything AboutWhere stories live. Discover now