5
"Sa bahay lang po ng kaklase. Ito po 'yong sinasabi ko sa inyong gagawin namin para sa makapasok sa honor." ngumuso ako habang sinusuklay ni Papa ang buhok ko.
Ngumiti siya sa repleksyon namin sa salamin. "Basta ay i-text mo ako kaagad."
Tumango ako. "Opo. Magte-text po ako sa inyo. Susubukan po naming tapusin agad 'yon."
Tumango rin sa akin si Papa bago haplusin ang ulo ko. Tumayo na ako at kinuha 'yong bag ko na may lamang mga make-up at p'wede kong pamalit.
Sana lang ay p'wede akong magbihis kina Vanjo. Nakakahiya lang din dahil hindi naman kami magkasundo.
Paglabas ko ng bahay, pumara agad ako ng tricycle patungo kina Vanjo. Ilang minutes din akong tulala habang nasa tricycle hanggang sa matanaw ko na 'yong bahay nila.
Tanda ko pa 'yon kahit pa ang tagal ko nang hindi nakababalik dito. Madalas naming nadadaanan 'to noon sa tuwing maglalakad kami papunta kina Ranzell, s'yempre, kaibigan siya ni Zejhan Kob at madalas namin silang nakakasama sa mga group activity kaya naituturo niya 'yan sa amin.
Napabuntong-hininga ako nang magbayad. "Thank you, manong."
Wala akong matanaw na tao sa labas ng bahay nina Vanjo, kaya naman kumatok ako sa gate nilang kahoy.
"Tao po, tao po." paulit-ulit kong sigaw.
Maya-maya pa, bumukas na 'yong pinto nila kaya naman napaayos ako ng tayo. Iniluwal no'n ang morenong lalaki na basang-basa ang buhok, may twalya sa balikat, naka-grey shorts, at walang pang-itaas.
Napalunok ako roon at nag-iwas ng tingin. Doon ako tumingin sa mga bahay na nakapaligid sa bahay nina Vanjo. Ipinipikit ko pa 'yong isa kong mata na para bang nasisilaw.
"Ang aga mo naman. Sabi ko ay 9am or 10am, ah?" aniya bago buksan ang gate na nakapagitan sa aming dalawa.
Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo at salubong ang kilay. "Anong sinasabi mo? Ilang minuto na lang ay alas diyes na!"
Silaw siyang tumingin sa akin at nag-abang lang sa pagtingin ko sa cellphone.
Umirap ako bago kunin ang cellphone sa bulsa ng grey shorts ko. Napamura ako sa isip ko nang ma-realize na parehas na naman kami ng suot na kulay ng shorts! Napalunok ako at nilampasan na siya. Nanatili muna ako sa tapat ng pinto nila dahil malilim doon.
Nang buksan ko ang cellphone ko, gusto ko na lang magpalamon sa lupa at maglaho nang parang bula nang makita ko ang oras. 8:41am pa lang!
Nilingon ko siya sandali bago ako umirap at nag-iwas ng tingin. Biglang uminit ang pisngi ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos.
Nang muli kong ibalik ang tingin sa kaniya, tinaasan niya ako ng isang kilay habang dahan-dahang umaangat ang left side ng labi niya.
"Masyado ka yatang excited na makita ako?" aniya bago ako paningkitan ng mga mata.
Itinaas ko ang dalawa kong kamay at parehas na iniharap sa kanya ang middle finger ko. "Ulol! Napaka-feeling! Nagkamali lang ako ng tingin sa oras!"
"Bakit ba hindi kayo pumasok dito, Bentong?" dinig kong boses ng babae.
Agad kong itinago sa likuran ang mga kamay ko. Lumabas ang babaeng sa tingin ko'y Nanay ni Vanjo. Pumeke ako ng ngiti sa kanya at nag-iwas din agad ng tingin.
"Hi, hija. Ikaw ang kasama ni Bentong na magpi-picture?" tanong niya sa akin gamit ang malawak na ngiti.
Hanggang batok lang ang buhok niya at ang ilan doon ay puti na. Maputi ang Nanay ni Vanjo at hindi halatang matanda na dahil maganda pa rin siya. Siguro ay nasa 40's lang din siya.
YOU ARE READING
Stranger I Know Everything About
Roman d'amourJorin Arcibos just hates Vanjo Mendino so much. Paano ba naman kasi, masyadong mainit din ang ulo no'n sa kanya. Hate na hate nila ang isa't isa. Parang kapag pinagsama sila sa iisang kwarto, walang mangyayari kun'di puro lang gulo. They hate until...