Cindrelogue

601 13 3
                                    

Cindrelogue

Malayo na ang narating ng mga paa kong kinalyo na dahil sa pagsisilbi sa pamilya kong alila ang turing sa akin . Kahit ata ang pangkikil ng kahoy ay hindi na mababawasan ang mga kalyong pinaghirapan kong magkaroon sa loob ng dalawangpung taong pamumuhay sa mundo. Bukod sa kalyo ay mauling pa ang kamay ko dahil sa paglilinis ng kaldero naming nagtututong ang uling sa tuwing nagluluto ako sa kalan naming de gatong , at kung akala nyo iyon lamang ang duming meron sa katawan ko nagkakamali kayo , puro grasa lagi ang mukha at damit ko dahil sa pagtatrabaho maghapon sa talyer . Naalala ko pa nga kung kelan ako huling nagpalinis ng kuko , noong pinilit akong linisan ng kuko ni Ariel noong unang araw ko sa trabaho sa kakilala nya , akala ko magaan ang trabaho pero contruction worker pala. Take note disyesyete pa lang ako nun at isa akong babae.

Nakakainis na isiping ang paghihirap ko sa loob ng maraming taon ay mawawala ng dahil lang sa isang suliranin . Bakit ganito? Mabait naman ako ,nagdadasal ako bago kumain , bago matulog at pagkagising , nagsisimba ako tuwing araw ng pangilin at hindi ko kinakalimutan ang pangalan nya sa tuwing sasapit ang kasiyahan sa buhay ko ... Bakit ganito. Saan ako nagkulang? Bakit nagkaganito? Bakit kailangan kong gawin ang bagay na labag sa kalooban ko?

" Parang awa mo na Cindi ... Makipagkasundo ka na kay Venedict Pulsates Lovelace" napaawang ang labi ko ng marinig ko ang mga katagang iyon. Nakapagpapanting ng tenga , nakapaninindig balahibo at nakawawala ng ulirat. Bakit sa dami ng tao sa mundo kay Pulsates pa...hindi ba nila kilala si Pulsates? Sya ang Prinsipe ng mga vampira...sya ang pinakamasama sa lahat. Ayoko . Nabuo na ang desisyon ko ayoko talaga. Ngayon lamang ng magkaawa ng ganito si Inang , dahil nga sa paboritong anak nya kaya nya ginagawa to , inoobliga nya ko kumbaga. Tsk.

" Anong gusto mo mamatay ang kapatid mo sa kombulsyon? " sigaw sakin ni Inang na nanggagaliiti pa . Napasinghap ako at tumulo ang butil ng luha sa kanang mata ko. Nakakainis naman eh . Yung wala kang magawa at maiiyak ka na lang sa inis.

" Sinabi ko naman sainyo hahanap ako ng mauutangan-gagawa ako ng paraan. " inis kong sagot bago lumabas ng maliit naming bahay na konting ulan lamang ay nagiiba ang hitsura at naglalabak sa loob ng bahay dahil sa dami ng butas ng bubong na kugon. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap ,mahirap pa kami sa daga at hindi kasya ang 50 pesos na panggastos sa amin katulad ng sa kantang upuan , pangbili pa lang ng pangmake up ni Aurora at Ariel ang perang iyon ,kulang pa nga iyon sa pangkolorete nila hihingi pa sila ng dagdag sa akin kahit na wala na akong pamasahe papasok ng trabaho ko.

Sadyang napaka unfair ng buhay ...hindi nangyare ang pagtutol ko ...hindi nangyare ang desisyon kong pagtanggi . Napilit ako ni Inang na makipagkasundo sa huklubang kilabot sa puwet ng kababaihan . Kung hindi nyo naitatanong hinahabol habol sy ng kababihan dahil sa taglay nyang kagwapuhan hindi ko naman maitatanggi na gwapo nga sya ang kaso lang masama ang ugali nya at piling nya hulog sya ng langit upang pakiligin at patirikin ang mata ng mga kababaihan , seryoso? Sya? Ewwww nakakainis.

Ano na kayang mangyayare?

Ting...

Huminto na ang elevator sa top floor, umibis na ako para puntahan ang huklubang iyon ang sabi kasi ng receptionist ay narito raw ang taong iyon . Ang parteng ito na ang pinakahuling palapag , at ito rin ang rooftop. Seryoso nagtayo sya ng Opisina sa Roof top?

Huming ako ng malalim at naglakad sa isang malapad na bakanteng lugar. Hirap na hirap pa akong maglakad dahil sa taas ng heels ko na ipinasuot sa akin ni Aurora , na habang sya ang nageenjoy sa makamundong gawain ang kakambal nyang si Ariel ay nasa ospital nakaconfine dahil saTypoid Fever sa madaling salita tinitipos sya at wala kaming pera pangpagamot sa kanya kaya narito ako ngayon sa building na tatlungpo ang palapag para lamang mangutang kapalit ng isang deal. Hindi ko pa alam kung ano yun pero sigurado akong hindi ko makakaya ang mga yun.

When Cinderella deals with aVampireWhere stories live. Discover now