WCDV 4
Wala akong kasiguraduhan kung nasaan ako ngayon pero hindi pa naman siguro ako naliligaw dahil sa laki ng bahay na 'to? Sa pagkakatanda ko kase hindi naman ganito kalaki ang bahay nila Libog noong nakaraan. Ang alam ko lang nakakatakot yun pero hindi ganito. Nagpatuloy ako sa paglakad sa bawat madadaanan ko may malalaking estatwa na hindi ko makita ang itsura dahil sa kadiliman , yung iba naman nababalutan na ng makakapal na alikabok kaya lalong hindi ko makita kung ano ang mga yun. Isa lang ang nakita ko ng maayos isang nakapakagandang estatwa na nakatayo sa puno ng hagdan. May nakasulat sa hawak niyang scroll pero hindi ko naman maintindihan ang nakasulat kaya hindi ko na binasa. Babae ang estatwa at ni katiting na alikabok ay wala kang makikita.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at narating ko ang dulo ng pasilyo . May pinto na granite duon at nakasiwang ng konti ang pinto kaya hindi ko napigilang hindi sumilip . Duon nakatayo ang isang lalaking nakaitim . Para siyang umiiyak ...dahil kase may naririnig akong pag ingit. Bakit kaya siya umiiyak? Hindi ko na inintindi ang pag iyak niya , tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng silid. Ni hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa loob.
My jaw dropped ng makita ko ang isang kahong gawa sa ginto. Ginto rin ang mga maliliit na disenyo na hindi ko maintindihan , katulad iyon ng nasa scroll na nakita ko sa baba parehas na hindi ko maintindihan ang nakasulat.
" Anong ginagawa mo rito?" napalingon ako at nakita ko ang galit na itsura ni Papa' este ng Papa ni Pulsates . Feel ko talagang tawagin siyang Papa' dahil asawa naman ako ng anak niya kaya walang masama.
" Ah .....eh....ano ho....kase...."
" I said call me Papa' " napangiti naman ako sa sinabi niya atleast nawala ang intense atmosphere diba.
" Ah kasi Papa' nag iiko—" hindi na niya ko pinatapos sa sinasabi ko .
" Hindi ba nasabi sayo ng tinatawag mong Libog na bawal ang umikot-ikot ng gaya mo rito sa bahay ko? Nobody are allowed to went here you better get out." walang sali-salita ay umalis na ako. Kahit na ang bastos man ng ginawa kong pag alis ko ng walang paalam. Kapag nagsalita ako ay paniguradong hindi rin naman niya ko patatapusin. What's with the effort pa diba? Masasayang lang ang laway ko.
Naglakad ako palayo roon pero hinihila pa rin akong paa ko papunta roon. Ano bang meron sa kwarto na yun? Bakit parang masyado naman niyang pinoprotektahan yun? Baka may ginto roon? O kaya mga kayamanan? Ay ewan. Sa susunod ko na lang papasukin yun. Kapag wala na si Papa' .
***
" Uuwi na tayo."
" Ay multo." napasigaw ako sa gulat ko dahil sa biglang pagsulpot ng lalaking malevogue na ito. Bakit ba ang hilig nilang sumulpot para silang kabuteng hindi matae. Srsly? Bakit ba sa kabute ko siya ihinalintulad? Pwede namang sa ....vampira sa Twilight dahil may hawig siya kay Edward Cullen o kaya kay Jacob Black. Ang galing no? Pwede pa lang maging kamukha ng tao ang vampira at isang lobo?
" Halika na." hinatak na niya ko palabas ng bahay at saka kami huminto sa sasakyan niya. Pumasok agad siya sa loob ni hindi man lang ako ipinagbukas ng pinto. Tss wala na bang gentleman sa mundo hayst.
YOU ARE READING
When Cinderella deals with aVampire
VampireWhen Cinderella deals with a Vampire A Contract with a Vampire book 2 . Love isn't the reason after all. They are just the aftermath of what had done on the last one. Ang babaeng gipit sa malibog kumakapit.