WCDV 1

377 11 5
                                    

WCDV 1

Bigla akong tumayo sa kinahihigaan kong matigas na papag.Ha? Nasan ako? Inalog ko ang ulo ko para magising pero walang nangyare , bakit hindi ko alam kung nasaan ako?

" Ate....Puta...Tanghali na gutom na ko magsaing ka na .."

Aba sino naman iyon at ginawa akong katulong? Napatayo ako at tinignan ang paligid ko , wala akong maalala kahit na ano sa lugar na to. Nasaan ba ako? Bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko at tumambad ang isang babaeng nakaskinny jeans at fitted shirt.Infairness ang ganda niya. Pero sino naman to at ginawa pa kong katulong? Pinanlakihan niya ko ng mata at tumingin mula ulo hanggang paa ko.

" Ano tatayo ka na lang dyan?" taas kilay niyang tanong sakin. Tinaasan ko lang din siya ng kilay.

" Hindi mo ko katulong. At nasaan ako? Nasaan ang asawa ko." tinaasan niya uli ako ng kilay na parang naguguluhan. Sya pa ang naguluhan gayong hindi ko naman alam kung bakit ako nandito ngayon. Bakit nga ba? Nagpaikot-ikot siya sa harap ko bago hinatak ang buhok ko. Wala akong nagawa dahil malakas siya.

" Aray ko.... Ano.bang kasalanan ko sayo ." inis kong tanong at itinulak siya. Nakakainis lang ako na nga ang nawawala ako pa ang nasabunutan. Pistea! Eh kung isubob ko kaya sya sa pinanggalingan niya?

" Pwede ba tigilan mo ko sa kaartehan mo ate magsaing ka na Cinderella."

" Hoy? Bakit mo ko kilala? "

" Tanga mo pala eh Ate kita." napakamot ako ng ulo ng marinig ko ang sinabi niya. Kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig ko. Ate niya ? Eh bakit tinatanga-tanga niya lang ako? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon , may masakit na parte sa puso ko . Para akong aatakihin sa puso.

" Putang Ina mo tatayo ka na lang dyan? Im fvcking hungry! " sigaw niya at saka binasibas ako ng flat shoes niya. Hindi ko alam ang nangyayare bakit ba ko narito? Anong nangyare?Ang huling alam ko lang ay magkasex kami ng asawa ko tapos wala na. Hindi ko na alam . Anong nangyayare?

" Putang ama mo sino ka ba? Hindi kita kilala? " inis akong lumabas kahit na ang suot ko lang ay ang underwear ko. We had sex kaya ganito lang ang suot ko. Bwisit nasaan na ba ko? Napatanga ang isang babae at isang batang lalaki sa akin na nasa salas na kawayan ang upuan. Hindi ko sila pinansin sa halip ay dire-diretso akong lumabas. May narinig pa kong huling salita bago tuluyang makalayo.

" Ma... Yung putang inang anak mo hindi raw ako kilala."

" Cinderella hayop ka anong kalokohan 'to?"

Pero hindi ko pinansinang mga yun. Kung sino man ang Cinderellang sinasabi nila kaawa-awa siya dahil kung murahin siya ng pamilya nya ay ganun na lang. At parang katulong ang turing sa kanya. I dont know pero naluluha ako sa mga narinig ko.

Ilang beses na akong paikot-ikot pero isang daan lang ang kinahahantungan ko. Isang malaking bahay na luma na parang wala namang tao. Maraming puno sa paligid niya . Kinikilabutan ako sa sa tuwing titingin ako sa bahay pero wala naman akong magawa , naka panty at bra lang ako kaya pinagtitinginan ako ng nasa daan. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang sa bahay na iyon kahit na nakakatakot ang loob.

When Cinderella deals with aVampireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora