WCDV 10
" Maawa ka sakin lumayo ka."
" Layoooooooo....."
Habol ko ang hininga ko ng magising ako. Mabigat ang katawan ko at wala akong ganang tumayo. Napanaginipan ko na naman ang dalawang babaeng yun. Yung dalawang babaeng yun na lumalapit sa akin hawakang kutsilyo nila. Magkamukha sila pero magkaiba ang hilatsa ng mukha nung isa. Mukha siyang mabait at yung isa naman ay mukhang masama. Kapwa sila nakatingin sa akin pero walang kumikilos sa kanila.Nakakatakot sila.
Teka? Bakit ang tahimik ata? Nasaan kaya si Manang Saksak? Bakit walang naghahakungkat ng kung anu-ano sa bahay na 'to?
" Manang S? " sigaw ko pero walang sumasagot. Kung narinig niya ako panigurado ay nabato na niya ako ng kung ano dahil sa tinawag ko siyang Manang . Ayaw niya kase na tinatawag ko siyang manang dahil bata pa raw siya. Bata? Bata isip? Naku ewan ko ba sa matandang iyon.
" Manang S?" sigaw ko pa pero wala pa ring sumagot kaya napagpasyahan ko na lang na pumasok sa banyo . Marahan kong isinaraang pinto ng.....
" Dugo?"
" Huwaaaaah Dugo......." gusto ko pa sanang sumigaw pero may malamig na tumakip sa bibig ko. Uwaaaah. End of my life na ba? Diba gan'to yun yung may hahawak sayo na malamig kase end na ng buhay mo? Naku po. Anak ng tokwa ayoko pang mamatay.
" Psh. Ako to . " nawala ang kaba ko ng sabihin niya yun. Agad naman niya akong binitawan at saka nagpatuloy siya sa ginagawa niya . Ano nga ba ang ginagawa niya? Makahulugan akong tumingin sa kanya ng makita kong may hawak siyang blood bag? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaatttttt?
Napaatras ako pero huli na. Huli na kase nilalapa na niya yung dugo. Halos masuka ako sa nakikita ko. Sarap na sarap pa siya sa ginagawa niya. Anu ba...
" Huwag ka ngang magmalinis ang asawa mo ganito rin." sabi ni Manang S bago dinilaan amg gilid ng labi niya na may naiwang marka ng dugo. Wala na akong nagawa. Lumabas na ang mainit ang masangsang na likido sa bibig ko. Ang sama ng lasa kahit tubig lang ang isinusuka ko. Anong ibig niyang sabihin?
" Sa una lang yan Maria Cinderella. " makahulugan niyang sabi sa akin bago umalis. Bago siya umalis ay pinisil pa niya ang kamay ko. Ang malamig niyang kamay ngayon ay mainit na. Nahihilo ako. Nakawawala ng ulirat ang pangyayare. Bakit ganito. May dugo. May umiinom ng dugo. Blood bag? Dugooooooooo...
Isang .....
" Vampira....." bago ko pa masabi ang sasabihin ko ay nawalan ako ng malay at nanlamig ang buong katawan ko.
***
" Master gising na ho ang kabiyak niyo." idinilat ko ang mata ko at nasa madilim na lugar ako. Isang babaeng makaluma ang suot nang ngayon ay nasa harap ko. Nakangiti siya sa akin pero hindi ko mawari kung bakit.
" Welcome to the club." sabi naman ng isang babaeng moderno na nasa likod ng babaeng nasa harap ko. Nakangisi rin siya sa akin pero iba yung kanya. Parang may ibig siyang sabihin.
" Akantha, Callidora get out." natameme ang dalawa at saka nakatungong lumabas ng kwarto. Isang moderno at isang makalumang babae? Sino naman kaya ang mga yun. Pag-alis nila ay siya namang lapit sa akin ni Pulsates.Walang ni anumang emosyon sa mga mata niya. Teka? Bakit nandito ako? Anong nangyare?
" Kyaaaaaaaaaaah. I miss you hubby." sigaw ko sabay yakap sa kanyang mahigpit. Hindi naman ako napahiya dahil niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang buhok ko. Ano kayang problema nito? Hindi ko na inisip kung bakit ako nandito dahil kasama ko naman si Pulsates. Sapat na yun sakin.
YOU ARE READING
When Cinderella deals with aVampire
VampireWhen Cinderella deals with a Vampire A Contract with a Vampire book 2 . Love isn't the reason after all. They are just the aftermath of what had done on the last one. Ang babaeng gipit sa malibog kumakapit.