Bonding With ANB!
Casel's pov.
"Ito Casel nakuha ko oh!" proud na sabi ni Tyre habang nakayakap sa teddy bear na nabingwit nya sa claw machine
"Cam ano gusto mo makuha dito sa claw machine? Ako na kukuha para sayo." ani Lawrence habang nakangiti
"Ayon oh,tsaka ayon at...hmm...ayon!" turo ko sa tatlong we bare bears na teddy bear
Tinanguan nya naman ako. Sa tatlong subok nya.. Nakuha nya na agad yung tatlong we bare bears na tinuro ko
"Galing!" sabi ko at pumalakpak pa
"Here." sabi nya habang nakangiting inabot sakin ang teddy bear
"Tsk." rinig kong sabi ni Jairo na nasa kabilang claw machine hindi ko na ito pinansin at pumunta na lng sa tabi ni Tyre na naglalaro ng basketball
Nakatayo lng sya at di naglalaro sa claw machine. Hindi kasi sya mahilig sa claw machine kaya hindi sya naglalaro.
"Kain tayo Casel! Nagugutom nako eh!" masiglang sabi nito kaya tumango ako
Inutusan ko din syang puntahan na yung apat at yayain sa McDonald's. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko sa kanilang lima dito sa may pinto ng arcade dahil lumabas naman agad sila. Sabay sabay kaming pumunta sa Mcdo. Nakatingin ang lahat samin ngunit hindi namin iyon pinansin at patuloy lng kami sa paglalakad.
Pinag gigitnaan ako ni Lawrence at Jairo. Sa likod namin ay si Leo at Bloodymir. Sa harap naman si Tyre na excited na kumain. Nang makapasok na kami sa Mcdo nag presinta na sina Leo, Bloodymir at Jairo na sila na ang mag oorder. Treat din daw ni Jairo to kaya madami ang inorder namin. Pagka dating nila naghintay naman kami sa pagdating ng inorder namin. Ilang minuto lng ang paghihintay namin dahil dumating na agad iyon.
Si Tyre ay takam na takam na ngunit pinigilan ni Mr. Selfie First na si.... Leo. Pinicturan nya ang pagkain atsaka na kami pinakain. Sanay na kami dahil ganyan talaga sya. Dinaig pa nga babae eh. Minsan napapaisip kami, bakla ba si Leo? Pero hindi dahil Cassanova yan ng school namin.. noon. Oo noon, cassanova yan ng ajmsu. Tama ang pagkakabasa mo/nyo... Nag aaral din sila noon sa ajmsu.. Section Violet din sila.
Si Tyre ay ang pinakamatakaw at pinaka childish saming anim. Si Bloodymir naman ay mapang asar. Si Leo si Mr. Selfie First and si Mr. Cassanova. Si Lawrence naman ang Mr. Seryoso while si Jairo naman ang Mr. Masungit, Mr. Cold and Mr. Snobber. Nagkakilala kaming anim sa rpw and nalaman nila na ako si Melissa(rp name nya noon) kaya nagpakilala sila sakin at sinabi na sila yung mga kaibigan ko sa rpw. Nung una di ako naniwala pero nung pinakita nila yung convo namin ay dun na ako naniwala. Chinat ko pa nga para malaman ko kung sila nga ba talaga at ayun sila nga. Solid rp'ier ako since 2016. 2017 naman kami nagkakilala. Naging kami ni Jairo noong 2018 at nagkahiwalay kami nung January 2, 2019. Nagkahiwa hiwalay naman kaming anim nung June 2019 dahil sa aksidenteng nangyari sakin.
YOU ARE READING
My RPW Boyfriends(RPW series #1)
RandomMy own written story All of the above are the work of my naughty brain Start of Writing: May 18, 2022 End of Writing:October 8,2022