Ang Tatlong EX
Casel's pov.
Kakagising ko lang. Bumangon nako, nagtungo sa cr. It's Tuesday pero walang pasok ewan ko kung bakit basta yung balik sa Friday. Umihi ako, naligo, nag toothbrush, nag ayos ng buhok at nagbihis. Nang mapanatag na ako sa aking sarili lumabas na'ko ng kwarto at pumunta sa dining para kumain ngunit wala sila rito.
"Yaya? Asan sina mommy?"
"Oh Ms. Casel gising kana po pala sa garden po kayo kakain."
"Ahh ganon po ba thank you po una napo ako sa garden."
*Garden*
"Good morning!" bati ko ngunit masamang tingin lang ang binigay ng tatlo the rest ay masayang masaya
Nyari sa mga toh?
"Bakit?" takang tanong ko sa tatlo
Si Mieko binago ang ekspresyon at ngumiti, kilala ko siya ginagawa nya yun pag galit, nagtatampo, nagseselos at may sama ng loob. Si Jerome iniba naman ang tingin. Samantalang si Jino lang ang tumingin sakin sa mata ng masama, tinignan ko naman sya ng masama. Nagkatinginan kami ng masama sa isa't isa. Tahimik ang namayani. Mukhang naghihintay sila sa susunod na mangyayari.
Sige hintay well. Walang nagpatalo o magpapatalo. Problema ba nito? Wala naman akong ginawa ah?
"Ano yung pinost mo sa tiktok?" tanong nya habang nakatingin parin sa mata ko ng masama, masamang seryoso yan ang nararamdaman ko sa tingin nya
Mabilis kasi akong makaramdam, ibang instincts yung meron ako. Iba kina Ate iba din akin. Nagsi sink in sa utak ko ang tanong 'Ano yung pinost mo sa tiktok?'. Ano nga ba? Teka isipin ko.
Powtah! Yung NO FILTER DANCE CHALLENGE!
"Ano ba yun? Shempre sayaw." pilosopong sagot ko
"Ano.yung.kulay.ng.room.mo.nun?"
"Red, may problema ba dun?" slow ako eh ako moba?
"Delete it."
"Luhh ayoko nga, ano ka gold?"
"Delete it or ako ang magdedelete?"
"Wag na, famous na sya eh, magkakaroon sya ng sweldo dyan sa tiktok pagpinatuloy nya yan."
YOU ARE READING
My RPW Boyfriends(RPW series #1)
CasualeMy own written story All of the above are the work of my naughty brain Start of Writing: May 18, 2022 End of Writing:October 8,2022