Blaze Pov
"Hahaha. Heather Blaze Rombinez, wala ka nang ligtas ngayon. Sa direksyon mo nakatuon ang dulo ng bote kaya it's your time to shine girl."
Narinig kong sabi sa akin ni Claire habang kinikilig pa. Isa siya sa matalik kong kaibigan na walang ginawa kundi ang magbunganga sa buong araw na magkasama kami. Nakasimangot ako na tumingin sa kanila. Hindi ko pa alam kung anong klase ng laro itong nilalaro namin, ngunit kinakabahan na ako. Parang gusto ko nang magsisi dahil sumali pa ako sa kanilang bilog kanina.
"Ano bang klase'ng laro ito?" litong tanong ko sa kanilang apat.
"My gush, Heather Blaze, hindi ka ba nakikinig kanina sa Rules ng game natin? Masyado naman yatang malalim ang iniisip mo. Sige, ganito na lang, ipaliwanag ko ulit sayo. Ang larong ito ay tinatawag na Find your Love, It's a Deal or No Deal. Kung sino sa ating lima, na nandito sa bilog ngayon ang ituturo ng bote siya ang magiging taya. As you can see, pinaikot ko ang bote sa gitna ng bilog natin, at nang tumigil ito sa pag-ikot, ikaw ang tinuro niya. So here's the game, lalabas ka ng gate nitong University at kung sino ang unang lalaki na makasalubong mo sa labas, sasabihin mo ang word na I Love you sa kanya. At take note, hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi mo siya mapapasagot ng I Love You too. Ito pa pala, para fair na hindi ka pipili ng lalaki na makasalubong mo, kailangan naming takpan ng manipis na tela yang mga mata mo, kaya bulto na lang ng lalaki ang iyong makikita." Mahabang paliwanag ni Janice, isa ko pang matalik na kaibigan, na laging nangunguna sa lahat ng mga ka kalokohan.
Napangiwi ako ng marinig ang klase ng laro na naisipan nila. "Ano? Saang bundok naman nanggaling ang ganyang klase'ng laro? Ay naku! Ayaw ko nang sumali, kayo na lang." Agad kong tutol sa kanila.
"Hindi pwede Blaze, nakapagsimula na tayo. At isa pa, mayroong condition ang larong ito. It's a Deal or No Deal. If you choose Deal, simple lang ang gagawin mo, Find your Love. Ligawan mo at kailangan mapasagot mo siya. If you choose No Deal, isang taon mo kaming lima na ilibre ng lunch at bigyan ng allowance. So now, it's a Deal or No Deal?" tanong ni Janice sa akin habang na nakapamaywang pa.
"Blaze, just want to remind you ha, you are the president of the Alpha Theta Sorority of this University, and according to your rules, the word NO, is forbidden. Huwag mong sabihin sa amin na ikaw mismo ang sisira ng rules mo? Kapag nakasali ka na dapat wala ng atrasan di ba?" wika ni Myrtle ang spoiled brat sa aming lima.
Napakamot ako sa aking noo habang malalim na nag-isip. Nagawa pa talagang rason ng mga ito, ang pagiging sorority president ko. Kung hindi naman ako papayag, _ ano daw? Isang taon ko silang ililibre ng lunch at allowance? May negosyo ang pamilya ko pero hindi naman kami ganun kayaman, bakit ko sila ililibre? Wala akong choice kundi ipakita sa kanila na may isa akong salita. "Okay, Game, basta uulitin nyo ang pagpapaikot ng bote. Malay ko ba kung sinadya niyong ituro and dulo ng bote sa direksyon ko, mabuti na yung nakikita ko mismo." agad kong sagot sa kanila.
"Ano ba yan, Blaze ang unfair mo." Nakasimangot na wika ni Janice, ngunit nakita kong kinuha pa rin niya ang bote atsaka nilagay sa gitna ng bilog namin. "Ito na ha, tingnan mong mabuti paikutin ko ulit." Nakataas pa ang kilay nito halata ang pagkadisgusto sa sinabi ko.
"Yayy! Hahaha! Heather Blaze, sayo talaga nakaturo ang direksyon ng bote girl. Tingnan mo nga naman, pati bote, may sarili na ring pag-iisip. Tadhana na ang lumalapit sayo, kaya bilisan mo, baka dumaan na ang knight in shining armour mo sa labas ng university." Wika ni Claire at nakuha pa nitong tumalon-talon dahil sa sobrang kilig.
"Oh, ayan na ha, baka sabihin mo naman sinadya naming ilagay ang dulo ng bote sa direksyon mo. Ikaw talaga ang gusto ng bote na maging girlfriend ng kung sino mang maswerteng lalaki na una mong makasalubong sa labas. Kaya go na girl, baka nandun na siya." wika ni Myrtle, habang kinukumpas pa ang mga kamay para agad na akong lumabas.
BINABASA MO ANG
NABALIW AKO SA ISANG BALIW
RomanceIsa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford? Hindi ko naman kasi akalain na ang isang tinaguriang Bad Girl ng University na tulad ko ay sangkot...