CHAPTER 18 - HARD CHOICES

100 1 0
                                    

ZED DAVEN'S POV

Nag-uumapaw ang saya ko ngayon habang bumibyahe kami ni Blaze pabalik ng maynila. Matapos ang isang linggo na bakasyon namin sa Guimaras Island, mas lalo naming minahal ang isa't-isa. Wala akong oras na sinayang upang iparamdam sa kanya na siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, at ganun din siya sa akin. Pakiramdam ko ngayon nakalutang pa rin ako sa ulap, hindi nasayang ang isang linggo, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon upang magpaliwanag at magsabi ng totoo kong pagkatao sa kanya, maliban na lang sa isa, ang pagiging anak ng Mafia. Natakot ako na pag sinabi ko sa kanya, baka hindi niya ako maintindihan, baka maisip niyang iwanan ako.

Binalingan ko siya habang natutulog, napangiti ako dahil nakapulupot pa rin ang dalawang kamay niya sa aking mga braso habang nagmamaneho ako. Dahan-dahan ko munang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada, upang saglit ding magpahinga. Sumandal ako sa headrest ng aking upuan at binalingan muli si Blaze, mas lalo pa niyang isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko ng maramdamang huminto ang sasakyan namin, ngunit patuloy parin sa pagpikit ang kanyang mga mata. Madamdamin kong ginawaran ng halik ang kanyang noo, "I love you peanut, handa akong ipaglaban ka, kahit pa nangangahulugan na maging kalaban ko ang buong mundo dahil sa pagmamahal ko sayo." bulong ko sa kanya, atsaka muling siniil ng halik ang kanyang matamis na labi.

Hindi ko alam na narinig pala niya ang sinabi ko dahilan upang magmulat siya ng mga mata at parang naluluha na tinitigan ako. Hinaplos niya ang aking pisngi at buong suyo na ginawaran din ng halik ang aking labi.

"I love you too Zed, nakahanda rin akong ipaglaban ka, kahit pa na ayaw sa akin ng buong mundo para sayo."

Naluluha kong niyakap si Blaze ng mahigpit. Sa mga oras na to, tila ba, gusto ko ng itigil ang ikot ng mundo. Gusto ko, habambuhay na kaming ganito, malayo sa mga taong gustong sirain ang relasyon namin, isa na dun si daddy. Alam kong ayaw niya kay Blaze, dahil si Lexie ang gusto niya para sa akin. Ngunit nakahanda na akong harapin siya ngayon, bahala na kung magagalit siya, gagawin ko ang lahat, upang ipaglaban ang pagmamahal ko kay Blaze.

"Nakahanda ka na bang harapin si Daddy?" tanong ko sa babaeng nakasandal ngayon sa dibdib ko. Tumingala siya upang tingnan ako, nakikita ko ang agarang pag tango niya.

"Nakahanda na ako mahal, alam kong hindi ako ang babae na gusto niya para sayo, ngunit handa kong gawin ang lahat matanggap niya lang ako."

Buong pagmamahal kong niyakap si Blaze, at ganun din siya sa akin. Ilang minuto pa naming ninanamnam ang mga yakap ng bawat ng isa, ng biglang nag ring ang aking telepono. Si Leon ang tumatawag. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.

"Hello, Son, we need to talk! I'll wait for you here!"

"Fuck!" mahinang mura ko sa sarili, dahil boses ni dad ang aking nakausap at hindi si Leon. Malamang sinadya niyang cellphone ni Leon ang gagamitin upang tawagan ako para agad kong sagutin ang kanyang tawag.

"Mahal, bakit, may problema ba? Tanong ni Blaze sa akin ng mapansin na parang wala ako sa sarili pagkatapos kung patayin ang tawag.

"Si dad, gusto akong makausap, sigurado ka bang nakahanda ka na upang ipakilala kita sa kanya?" muling tanong ko kay Blaze, natatakot kasi ako, baka hindi niya kakayanin ang anumang sasabihin ni dad sa akin.

"Siguro naman kapag nakaharap na ako sa kanya, hindi niya naman ako kakainin ng buhay di ba?" birong sagot niya sa akin, bagamat nahahalata ko parin na kinakabahan siya.

"Don't worry, hindi kita pababayaan, basta't lagi mong tatandaan, kahit ano pang sabihin ni Dad, ikaw lang ang babaeng mamahalin at ihaharap ko sa altar." madamdamin kong wika sa kanya, para mabawasan ang kaba na kanyang nararamdaman. Ngumiti siya akin, muli kong siniil ng halik ang kanyang mga labi bago muling pinaandar ang kotse.

****

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Blaze, at nararamdaman kong kinakabahan siya dahil nanlalamig na at pinapawisan ang mga kamay niya, habang naglalakad kami papasok sa loob ng aming mansyon.

Agad akong sinalubong ni Leon, nakita ko ang biglang paglaki ng bilog ng kanyang dalawang mata ng makita na kasama ko si Blaze. Lumapit siya sa akin at may binulong sa aking tenga.

"Boss, kasama ng daddy mo si Lexie sa loob."

Kunot-noong tiningnan ko si Leon, alam kong gusto niya lang akong warningan dahil sinama ko si Blaze. "Nasaan sila?" I asked him.

"Nasa visitor lounge boss, kanina pa kayo hinihintay."

Tumango lang ako kay Leon, hinawakan ko si Blaze sa kanyang baywang, gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako at handang protektahan siya sa maaring gawin ni Dad. Malayo pa kami, ngunit nakikita ko na ang mga matatalim na tingin ni Dad sa amin ni Blaze. Bahagya kong nararamdaman ang unti-unting paghihigpit ng hawak ng blaze sa aking braso, alam kong sobra na ang kaba niya ng makita ang mga mapanghusgang tingin ni dad sa kanya.

"Relax lang mahal, nandito ako, walang gagawin sayo si dad." mahina kong wika sa kanya.

Di nagtagal, kaharap na namin si Dad, akmang uupo na kaming dalawa ni Blaze sa couch ng marinig naming sumigaw ang aking ama.

"Zed Daven! How dare you bring that woman inside my house! Can't you see your future wife Lexie, is here!?"

Ramdam ko ang biglang panginginig ng tuhod ni Blaze ng marinig ang sigaw ni Dad. Pinisil ko ang kamay niya, at inalalayan siyang maupo, samantalang ako nanatili na nakatayo habang nakipag tagisan ng matalim na tingin kay dad.

"Dad! Wala akong balak na pakasalan si Lexie, si Blaze ang babaeng mahal ko!" ganting sigaw ko din sa aking Ama.

"Hah! Yan ba ang babaeng gusto mong pakasalan? Bakit, ano ba ang ipinagmamalaki niya, ang pipitsugin na kumpanya ng kanyang ama? Pera lang ang habol niya sayo! Zed!"

"No dad! Mahal ako ni Blaze, at hindi mo pwedeng ipakasal sa akin si Lexie dahil hindi mangyayari yun! Bakit, ba pati sa pag-aasawa ko kailangan mo pang pakialaman!?"

"Estupido! Sinasabi ko na sayo pera lang ang habol niyan! Huwag mo akong subukan Zed, alam mo kung ano ang kaya kong gawin! Subukan mong ipaglaban ang babaeng yan, at makikita mo!"

"Mali po kayo sir! Kahit kailan hindi ko minahal ang pera ng anak ninyo! Hindi ko sinasadya na mahalin si Zed noong mga panahon na nagpanggap siyang isang baliw. Ngunit nandito na ako, papatunayan ko sa inyo, na talagang mahal ko siya!"

Nagulat ako ng biglang tumayo si Blaze at sumagot sa aking ama. Madamdamin kong pinisil ang kanyang kamay. Alam kong hindi ganun kadali na kalabanin si daddy, ngunit masaya ako dahil kaya ding ipaglaban ni Blaze ang pagmamahal niya sa akin.

"Hahaha, ang lakas naman ng loob mo na sagutin si tito ng ganyan Blaze, Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay ka niya? Hindi porket, kasama mo si Zed, totoo ng mahal ka niya, sinabi rin niya sa akin yan noon, at ako ang totoong mahal niya, hindi ikaw!"

Bam!

Galit kong hinampas ang center table sa harapan namin, upang tumigil sa Lexie sa pagsisinungaling niya. Kahit kailan, hindi pa ako nagsabi na mahal ko ang isang babae. Hanggang sex lang kami.

"Stop it Lexie, kahit kailan hindi ko sinabi sayo na mahal kita, tangina!"

"Mag Dahan-dahan ka sa mga pananalita mo Zed!, nakita mo na ang impluwensya sayo ng babaeng yan? Dahil sa kanya, nakalimutan mo na kung paano ako respetuhin!"

"Kahit ano pa ang sabihin nyo dad, si Blaze lang ang babaeng papakasalan ko," matapang kong sagot kay dad. Ngunit ang kasunod niyang sinabi ang siyang biglang nagpagunaw ng iisang mundo namin ni Blaze.

"Zed! Kapag, sinuway mo ang kagustuhan ko, wala kang makukuha sa mga mamanahin mo kahit singko! At ikaw naman babae, kapag hindi mo nilayuan ang anak ko, sisiguraduhin ko sayo, hindi lang kumpanya ng ama mo ang magsasara, kundi pati buhay nila idadamay ko para malaman mo ang bangis ko! Pumili ka, ang anak ko o ang pamilya mo!?"

NABALIW AKO SA ISANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon