Tiningnan ko ang mga kamay niya na nakalahad sa aking harapan. Umangat ako ng tingin at umiling-iling sa kanya.
"Sorry. Hindi kasi ako marunong sumayaw." Tipid na sagot ko.
"Ay naku hindi totoo yan. Marunong siyang sumayaw. Cheer dancer pa nga namin yan sa University eh." Singit ni Claire sa aming usapan.
Pinandilatan ko si Claire. Nagbabanta ang aking mga tingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumigil na siya sa ka daldal. Ngunit hindi niya ako pinapansin. Bagkus bigla pa niya akong tinulak kaya hindi ako nakapag handa at napasubsob ang mukha ko sa dibdib ng ka partner kong lalaki.
Bahagya ko pa itong tinulak ng maramdaman na nakayakap na siya sa akin.
"Sige na Blaze, birthday ko ngayon. Nakakahiya naman kung tanggihan mo ang bisita ko. Malay mo kapag kayong dalawa ang mapili na King and Queen ngayong gabi, mapapanalunan niyo ang VIP ticket sa concert ni Zion bukas, ang paborito mong singer. Ayaw mo ba nun?" pang-eengganyo sa akin ni Claire.
Agad na nag-iba ang expression ng mukha ko ng marinig ang pangalan ni Zion. Number one fan kasi ako ni Zion dahil paborito ko lahat ng mga kanta niya. Binalingan ko si Claire.
"Talaga? Hindi mo lang ako pinagtitripan? Swear mamatay ka man?" Kinikilig kong tanong kay Claire.
"Oo nga hindi muna na announce yun ng MC dahil surprise gift ko yun sa mananalo na King and Queen of the night. Kaya kailangan pagbutihin mo ang pagsayaw, yung mapapasaya mo talaga ako, dahil kung hindi kahit kaibigan kita hindi ko talaga ibibigay sayo ang ticket."
Napaismid ako sa tinuran ni Claire. "Ibang klase ka ring kaibigan ano? Mag bibigay ka lang din naman, pinahihirapan mo pa ako. Palibhasa alam na alam mo talaga na laglag ang panty ko pagdating kay Zion."
"Ahem."
Agad akong napatingin sa lalaki ng marinig ang pag ahem niya. Ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Parang nag-eenjoy pa ito ng marinig ang sinabi ko na laglag ang panty ko kay Zion. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Nakalahad pa rin ang mga kamay nito na alam kong nangangawit na mula pa kanina. Hinawakan ko ang kamay niya na nakalahad sa akin at agad din naman niya akong maingat na dinala sa gitna ng dance floor.
"Ayan, kumpleto na ang ating mga pairs sa gitna ng dance floor. Sino kaya ang mag-uuwi ng dalawang VIP ticket para sa concert ng All time favorite singer na si Zion? Yes, tama po ang narinig ninyo, mayroon po tayong ticket na ibibigay bilang reward sa kung sino man ang mapili na maging King and Queen of the Night. So now let's begin."
"Wait."
Napata-as ang kilay ko ng mapansing umakyat si Claire sa entablado at hiniram ang mikropono sa kamay ng host. "Ano kaya ang pina plano ng bruhang ito?" Na puzzled man ay pinakinggan ko pa rin ang gusto niyang sabihin.
"Why not, na gawin nating isang laro ito. Aware naman lahat sa paper dance di ba? Maglalagay kami ng Newspaper sa gitna ng bawat pares. Sasayaw kayo and when the music stop, papatong kayo sa gitna ng Paper. Take note kailangan pagkasyahin ninyo ang mga sarili niyo sa gitna ng papel, kung hindi ma disqualified kayo. As the music changes you have to fold the paper and it becomes smaller. Hanggang sa isang pares na lang ang matitira sa gitna ng dance floor, sila ang pipiliin na King and Queen for the Night. Nahihirapan kasi akong pumili dahil halos magagandang couples ang lahat na nasa gitna ng dance floor kaya para fair, ito na lang ang naisip kong paraan."
"Hahaha, masaya nga ang naisip mong paraan birthday girl. So okay ba sa lahat ng mga couples natin na nasa dance floor na ngayon?" announce ulit ng host. Nakita kong ang ibang babae kinikilig pa na sumagot. Ang iba tuwang-tuwa pa sa naisip na paraan ni Claire. Tinapunan ko ng matalim na tingin si Claire ngunit ngumiti lamang ito.
BINABASA MO ANG
NABALIW AKO SA ISANG BALIW
Roman d'amourIsa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford? Hindi ko naman kasi akalain na ang isang tinaguriang Bad Girl ng University na tulad ko ay sangkot...