CHAPTER 38- HE'S DYING

110 1 0
                                    

Nanlulumo na umuwi ako ng mansyon ni King. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit pakiramdam ko iniiwasan na rin ako ni Leon. Malakas ang kutob ko na si Zed ang kumakanta na yun, dahil kasama niya si Leon, ngunit bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Hindi ko na natuloy ang pagsunod sa kanila, dahil hindi ko na makita kung saan dumaan ang kanilang sasakyan.

"Nandito ka na pala. Kamusta naman ang lakad mo ng mga kaibigan mo. Nag-enjoy ka ba?"

Saglit akong natigilan sa paglalakad, ng marinig ang boses ni King. Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nanonood ng TV. Napansin ko ang itim na bonnet na laging suot niya. Nagtataka ako, dahil nitong mga nakaraang araw lang, hindi na nito tinatanggal ang bonnet sa ulo niya. Kahit sa pagtulog suot niya pa rin ito.

"Hindi ka pa natulog?" Lumapit ako at malungkot na umupo sa tabi niya.

"Hindi ako makatulog. Hinihintay kita, sinisigurado ko lang na ligtas kang nakauwi." Nakangiting wika sa akin ni King.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, nasanay na akong ganito, pakiramdam ko mayroon akong kuya na masasandalan sa mga ganitong pagkakataon na may problema ako. Naramdaman kong, hinalikan ni King ang aking noo, at hinahaplos ng kamay niya ang aking buhok.

"Bakit ka malungkot? May problema ka ba?"

Tuluyang bumagsak ang luha ko, matapos marinig ang tanong ni King. Magkasunod akong tumango bago siya sinagot.

"Nakita ko siya, King. Nakita ko siya sa bar kanina. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan niya ako. King ang sakit, gusto ko lang naman na bumalik na siya sa amin ng anak ko." Humihikbi kong wika kay King. Umangat ako ng mukha, upang tingnan siya, at nakita kong mabilis siyang nagpahid ng luha at pilit na ngumiti sa akin.

"Baka, ayaw lang niya na magpakita pa sayo. Di ba ikaw mismo ang nakarinig ng sinabi niya yan, noon?"

"Oo, pero, alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit ayaw na niyang magpakita sa akin. Kaya kailangan ko siyang makausap. Gusto kong malaman, kung bakit mas pinili niyang iwan kami ng anak niya. Alam kong hindi niya gawin yun, kung wala siyang malalim na rason."

"Okay, okay, tahan na. Tutulungan kitang hanapin siya, kung yan ang gusto mo. Ipapahanap ko siya sa mga tauhan ko." Masuyong pinahiran ni King ang aking mga luha at pinasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"King bakit ba ang bait-bait mo sa akin? Bakit patuloy ka paring Nandito sa tabi ko, gayung wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ka."

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni King. Ilang sandali pa'y narinig ko siyang sumagot.

"Sobrang mahal kita Blaze, and my love never says I have done enough. Habang buhay akong magmamahal sayo, at handa kong ibigay ang lahat ng hihilingin mo. Kung darating man ang araw na mawawala ako, masaya pa rin ako, dahil hinayaan mo akong mahalin kita. Hindi mo ako iniwan, hindi mo ako pinagtabuyan, at higit sa lahat, hinayaan mo rin akong maging ama ng anak mo."

"Bakit ba ganyan ka magsalita? Wag mong sabihin iiwan mo rin ako? Nakakainis ka." Nagmamaktol kong wika kay King at hinampas siya ng pillow cushion.

Ngumiti siya at gumanti na rin ng paghampas ng pillow cushion sa akin. Parang bata kaming naghahabulan sa may sala, hanggang sa nahuli niya ako, at kiniliti ang aking tagiliran.

"Hahahaha, King, tama na! Hahaha.. humanda ka sa akin.  King, ano ba! hahaha.."

Hindi maubos-ubos ang tawa ko dahil sa sobrang kiliti sa akin ni King. Pinipilit ko ang aking kamay na i-unat upang makahawak kay King, at gumanti din sa kanya.

"Hahaha, King, stop it!" Nanggigigil na wika ko, at napakapit ako sa bonnet niya dahil sa sobrang kiliti. Ngunit sabay kaming dalawa na, napatigil, nang makita ko ang halos kalahati na lang na natira sa buhok niya. Tiningnan ko ang bonnet, at meron pang mga buhok niya nakasama sa paglagas.

NABALIW AKO SA ISANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon