Blaze's POV
"Ma'am ok lang po ba kayo?" Agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, matapos marinig ang tanong sa akin ni Chloie–ang baklang umaayos sa akin ngayon. Isang oras na lang at ikakasal na ako kay King, ngunit hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
Pinahid ko ang aking mga luha bago siya sinagot. "Ewan ko ba Chloie, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko."
"Naku, talagang ganyan Ma'am, hindi mo talaga maintindihan ang nararamdaman mo kapag ikakasal ka na. Naghalo-halo na kasi ang kaba, excitement at lungkot dahil sa wakas tatalian ka na ng mapapangasawa mo. Sandali, i-on ko na lang ang TV, para maibaling mo ang atensyon mo sa panonood. Masyado lang po siguro kayong excited." Panunukso pa nito sa akin, habang ini-on ang TV.
Ilang rooms ang kinuha namin ni King, upang dito na magbihis ang buong entourage. Yung iba kanina pa nauna sa simbahan dahil doon na lang ang pictorials. Kahit ang aking anak ay kanina pa, dinala ni mommy at daddy sa simbahan kasama ni King. Agad akong umangat ng mukha ng marinig mula sa TV Screen, ang isang flash report galing sa Subic Bay.
"ZNN NEWS, FLASH REPORT: Malaking karangalan ang iginawad ng presidente sa grupo ng TAB o kilala sa tawag na The Ashford Blood, at ng AFP dahil napagtagumpayan nilang talunin ang mga terorista at ang mga kasabwat nitong Russian Mafia. Samantala, ikinalulungkot ng presidente dahil naputol ang isang paa ng pinuno ng TAB na si Zed sa pakikipaglaban diumano sa underboss ng Russian Mafia. At ito nga po, sa aking likuran kung makikita ninyo, ang katawan ng pinuno ng TAB habang kinakarga ng kanyang mga tauhan sa ambulansya upang madala kaagad sa hospital. Nakakalungkot po ang nangyari sa kanya, dahil mayroon siyang malalim na saksak sa kanyang tiyan, at naputol din po ang kanyang paa."
Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagbagsak ng aking mga luha, habang tinitingnan ang katawan ni Zed na kinakarga sa loob ng ambulansya. Pakiramdam ko bumalik lahat sa alaala ko ang mga sinumpaan namin sa isa't-isa. Yung pakiramdam na, akala ko, nakalimutan ko na siya, at kaya ko ng mawala siya sa buhay ko, ngunit hindi ko pala kaya.
"Ma'am, teka, ano po ang nangyari sa inyo?" natataranta na kinuha ni Chloie ang tissue at pinahid yun sa mga luha ko, ngunit kahit anong pahid niya, hindi maubos-ubos ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata.
Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon lamang ang aking mga mata sa kwintas na suot ni Zed sa leeg niya. Hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang kwintas na binigay ko sa kanya noon, at tinupad niya ang kanyang pangako na ibabalik lamang niya 'yun sa akin, kung kusa ko na itong babawiin sa kanya. Nahawakan ko ang aking dibdib, pakiramdam ko, nahihirapan akong huminga, parang inutusan ako ng aking puso na puntahan siya. Gusto ko siyang puntahan, gusto kong nariyan ako sa tabi niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit wala ako sa tabi niya, kasama pa rin niya akong lumalaban.
"Ahhhhh! ZZeeed!" ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman sa loob ng dibdib ko sa pamamagitan ng pagsigaw ng pangalan ni Zed, Ngunit walang nangyari, dahil nandito pa rin ang sakit.
"Ma'am, naku po, ano ba ang nangyayari sa inyo, Tama na pong iyak yan, maam, 30 minutes na lang po ang natitira, kailangan na nating e-retouch yang make up mo, nasira na po, dahil sa mga luha nyo, oh,"
Sa kabila ng mga sinabi ni Chloie, parang wala pa rin akong naririnig, mabilis kong hinubad ang aking wedding gown kaya isang strapless na inner white dress, na abot hanggang tuhod, ang natira na lang na suot ko sa katawan.
"Ma'am, teka, bakit nyo hinubad ang gown nyo?" Dinampot ni Chloie ang wedding gown ko at hinabol ako palabas ng pintuan.
Ngunit hindi na ako lumingon pa sa kanya. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan ng makalabas na ako ng Elevator. Wala na akong pakialam sa mga taong nakasalubong ko, na puno ng pagtataka ang mga mukha. Wala ng natira na entourage sa hotel, dahil lahat sila ay nasa simbahan na.
Akmang bubuksan ko na ang driver seat ng aking kotse ng agad akong pinigilan ni Tracy. Siya ang ginawa kong Maid of Honor dahil naging kaibigan ko na rin siya for 3 years sa Italy. At ngayong araw lang siya dumating. Mabilis akong nagpahid ng luha bago ko siya binalingan at ang cascaded bouquet na hawak niya.
"My God, Blaze, what happened to you? Nasaan na yung wedding gown mo? Ano, pupunta ka nalang ba sa simbahan na ganyan ang ayos mo?" natarantang wika sa aking ni Tracy habang binibigay sa akin ang cascaded bouquet ko, na siya pa ang nagpagawa.
Mapait ko siyang tiningnan habang panay sa pag-agos ang aking mga luha. I'm sorry Tracy, pakisabi kay King, I'm sorry, ngunit kailangan ako ngayon ni Zed."
"Wh..What!? Te..teka Blaze!" gulat na wika sa akin ni Tracy, habang pinipigilan akong huwag pumasok sa kotse. Ngunit hindi ko na hinayaan pang pigilan niya ako. Mabilis kong sinara ang kotse, at pinasibad ito. Kahit anong tawag sa akin ni Tracy hindi ko siya pinansin, patuloy pa rin ako sa pag-iyak, at mas lalong pinabilisan ang pag drive, nang makita kong pumasok din siya sa kotse niya upang habulin ako.
"Zed, mahal na mahal pa rin kita, Hindi ko rin kayang mawala ka sa akin Jelly bean," panay ang usal ko sa pangalan ni Zed. Alam kong naging malupit ako sa kanya, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon, upang muli niyang itama ang pagkakamali niya noon. Ngunit ngayon gustong iparamdam sa kanya, na hindi siya dapat mawalan ng pag-asa dahil kasama niya kami ng anak niya, sa laban niya.
Saglit kong tiningnan ang kotse ni Tracy sa aking likuran, at patuloy pa rin siyang sumusunod sa akin. Ilang beses na rin siyang tumatawag sa phone ko ngunit hindi ko iyon sinasagot. Hanggang sa isang hindi kilalang numero ang tumawag sa akin. Agad kong pinindot yun at ni-loud speak habang hindi inaalis ang cellphone sa katabi kong upuan.
"Hello?" narinig kong sinabi ng kabilang linya. Familiar sa akin ang boses niya, Boses iyon ni Leon, na Right hand ni Zed. Saglit akong lumingon sa cellphone ko upang kunin ito, ngunit hindi ko inaasahan ang bilis ng pangyayari.
Beeeep! Beeeeeeeeeep!
Nakita ko ang malaking truck na mababangga ko dahil inagaw ko na ang linya niya. Huli na ang lahat para umiwas ako dahil nabangga na ng bumper ng Truck ang unahan ng kotse ko. Pakiramdam ko, mamatay na ako sa mga oras na ito, ng tumama ang lahat ng basag na salamin ng sasakyan ko sa mukha ko. Gusto kong imulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko magawa.
"Blaze! Blaze! Someone Help!" Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga naririnig ko na kalabog ni Tracy sa glass window ng aking kotse, habang sinisigaw ang pangalan ko. Pakiramdam ko nabibingi na ako, dahil hindi na malinaw sa akin ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na rin kasi kayang imulat ang aking mga mata, hanggang sa unti-unti na akong iginupo ng aking antok, at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/319874121-288-k182990.jpg)
BINABASA MO ANG
NABALIW AKO SA ISANG BALIW
Lãng mạnIsa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford? Hindi ko naman kasi akalain na ang isang tinaguriang Bad Girl ng University na tulad ko ay sangkot...