CHAPTER 24 - ENGAGEMENT PARTY

113 1 0
                                    


"Good Evening Ladies and Gentlemen, May I have your attention please," narinig kong wika ng lalaki sa mikropono habang nakaakbay pa rin sa balikat ni Blaze. Naalala ko na kung sino ang lalaking kasama nito sa itaas ng stage. Siya si King, ang childhood friends ni Blaze at isa din sa masugid niyang manliligaw, ngunit hindi ko alam kung ano ang apelyido niya.

"Gusto kong ipaalam sa lahat na mga nandito ngayon, na next month magpapakasal na kami ng babaeng mula pa noong mga bata kami ay minahal ko na. Ilang taon din ang panliligaw ko sa kanya at ngayon sobrang saya ko dahil sa wakas pumayag na rin siyang magpakasal sa akin. In one months time magiging ganap na kaming isang pamilya kasama ng anak namin ngayon at sa mga magiging anak pa namin sa mga susunod na taon. I Love you sweetheart."

Narinig ko ang masigabong na palakpakan ng mga tao sa loob ng function hall, matapos marinig ang anunsyo ni King. Samantalang ako, para akong kandila na unti-unting natutunaw sa aking kinatatayuan habang minamasdan ang mga matatamis na ngiti ni Blaze na ibinigay kay King ng hinalikan siya nito sa kanyang noo.

"May gusto ka bang sabihin sweetheart?" nakangiting tanong ni King kay Blaze, at nakita kong kinuha din ni Blaze ang mikropono mula sa mga kamay nito. Pilit kong pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala mula sa aking mga mata. Gusto kong magwala ngayon, gusto kong tumakbo papuntang stage at itakas ang babaeng matagal ko ng gustong yakapin, ngunit paano ko gagawin yun kung masyado malaki ang kasalanan na ginawa ko sa kanya noon?

"Good Evening everyone, nais ko lang sabihin sa lalaking nasa tabi ko ngayon na Thank you. Alam kong ang salitang thank you ay hindi sapat sa lahat ng kabutihan at pagmamahal na binigay mo sa akin. Maraming salamat sa pagpunas ng luha ko noong umiiyak ako, Nilinaw mo ang isip ko sa tuwing naguguluhan ako, Noong nawala ako, inuwi mo ako at kahit paano binigyan mo ako ng dignidad. Noong mga panahon na nawalan na ako ng pag-asa upang mabuhay, binigyan mo ako ng lakas upang muling bumangon mag-isa at harapin ang mundo para sa aking sarili; kaya ngayon, gusto kong malaman mo na kaya ako pumayag na magpapakasal sayo dahil alam ko kailangan mo ako sa buhay mo, at ganun din ako, kailangan na rin kita sa buhay ko, I Love You too sweetheart."

Hindi ko na namalayan ang unti-unting pagbuhos ng aking mga luha habang pinapakinggan ang lahat ng mga sinabi ni Blaze. Hindi ko matanggap na ang babaeng dati ako lang ang sinabihan niyang mahal niya, ngayon ibang lalaki na. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari sa amin to. Ako ang dapat sisihin kung bakit si King ang mas pinili niyang pakasalan at hindi ako.

"Boss, pwede na rin nating e-cancel ang collaboration.."

"No, okay lang ako Leon, titiisin ko, kaya ko pa. Gawan mo ng paraan upang makakuha ng Dna sample sa batang yan. Gusto kong ma siguro kung nagbunga ang ginawa ko kay Blaze, 5 years ago. Malaki ang pagkakahawig namin sa isa't-isa ng anak niya, kaya malakas ang kutob ko na ako ang ama niya." Pigil ko sa gusto pa sanang sabihin ni Leon.

"Yes, Boss, yan din ang naisip ko kanina nang kinakandong mo pa siya. Malaki talaga ang pagkakahawig ninyong dalawa. Ano ang gagawin mo sakaling malaman mo na anak mo nga talaga siya?"

Sandaling nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Ano nga ba ang gagawin ko? Maitatama ko pa kaya ang pagkakamali ko? Ngunit ikakasal na si Blaze, ipaglalaban ko pa kaya ang pagmamahal ko sa kanya gayung may mahal na siyang iba? Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isip.

" Bahala na Leon, ipaglalaban ko ang pamilya ko."

"Paano kung ayaw na niyang ipaglaban mo siya?"

"Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa Leon, ipaglalaban ko pa rin ang anak ko. Nagtiis ako ng ilang taon, mahanap lang si Blaze, ngayong nakita ko na siya, hindi ko sasayangin ang pagkakataon upang humingi ng tawad sa kanya. Lalo na ngayon, may anak na kaming dalawa."

NABALIW AKO SA ISANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon