"Siguro nga tama ka, kailangan na nating maghiwalay Blaze, hindi ako para sayo, at mas lalong hindi ka nababagay sa akin! Tapos na ang lahat sa atin Blaze, hanggang dito na lang tayo."
Nagpaligsahan sa pagpatak ang aking mga luha habang pinapakinggan ang bawat salita na binibitawan ni Zed sa akin. Bawat bigkas nya ng mga salitang yon, parang saksak ng patalim na direktang tumatagos sa aking puso. Hindi pa man ako nakasagot, nakita ko na siyang agad na tumalikod sa akin. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang agad ko siyang hinabol at niyakap sa kanyang likuran.
"Zed, maawa ka, huwag mo akong iwan, mababaliw ako kapag nawala ka sa akin Zed. Tatanggapin ko lahat ng panloloko mo sa akin, huwag mo lang akong iwan, maawa ka." Umiiyak ako habang nagmamakaawa kay Zed, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sa halip tinanggal niya ang dalawang kamay ko na nakayakap sa kanyang baywang. "Kalimutan mo na ako Blaze." Pagkasabi ay walang lingon-lingon na ipinagpatuloy ni Zed ang kanyang mga hakbang palayo sa akin.
"Zed!...Zed!... Zed!" Ilang ulit kung sigaw, ngunit wala na siyang plano na lingunin ako. Napaluhod ako sa damuhan habang umiiyak na nakatingin sa papalayong sasakyan ni Zed.
"Blaze, iha, gumising ka, bakit ka umiiyak habang natutulog? Jusko ko, bata ka. Sino ba si Zed?"
Agad akong nagising dahil sa malakas na yugyog sa akin ni Yaya Sindang. "Yaya?" Sambit ko habang humihikbi pa rin. Nananaginip lang pala ako ngunit parang totoo. Tuluyan na akong iniwan ni Zed sa panaginip ko.
"Iha, bilisan mo, mahuhuli ka na sa klase, tarantang wika sa akin ni Yaya sendang. "Teka, gaano ba kasama ang panaginip mo na kahit sa paggising mo umiiyak ka pa rin?" Puno ng pag-alala na tanong sa akin ni Yaya.
"Wala po Yaya, sige po maliligo na po ako." Humihikbi ko pa ring sagot at mabilis ng nagtungo sa banyo.
Wala pang tatlong minuto agad na din akong lumabas ng banyo. Mabilis akong nag bihis at dali-daling lumabas ng bahay habang nagsusuklay. Mabuti na lang at pwedeng hindi magsuot ng uniform kapag lunes. Late na naman ako. Ayaw ko pa naman umupo sa tabi ni Zed a.ka. Dr. Zane mamaya pag mapansin niyang late na naman akong pumasok.
"Baby, halika na, ihahatid na kita sa school nyo." Bahagya pa akong nagulat ng biglang bumungad ang katawan ni King sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga nambwebweset ka." Singhal ko kaagad sa kanya. Medyo nagtatampo pa kasi ako dahil sa pamimilit ni dad na ipakasal ako sa kanya.
"Baby, ano bang nangyari sayo? Bakit ang init naman yata ng ulo mo sa akin?"
"Baby mo yang pagmumukha mo. Pag narinig naman ni Dad yan, lalo lang niya akong pipilitin na ipakasal sayo!"
"Kaya pala, ang init ng ulo mo dahil ayaw mong pinipilit ka na magpakasal sa akin. Don't worry ayoko din naman magpakasal sayo kung napipilitan ka lang. Gusto ko mahal mo na ako pag nagpakasal tayo. Sumakay ka na, ihahatid na kita. Hayaan mo sasabihin ko sa dad mo na ako ang masusunod kung gusto kong magpakasal sayo o hindi, nang sa ganun tumigil na siya sa pamimilit sayo."
Agad na lumiwanag ang mukha ko ng marinig ang sinabi niya. "Talaga? Promise?"
"Yes, promise." Sabay bukas ng front seat door ng kanyang kotse upang pumasok na ako. Masaya naman akong umupo sa tabi niya. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko, kahit papaano dahil sa kanyang sinabi. "Asahan ko yang sinabi mo, King, ha. Kapag pinilit pa ako ni dad, hindi na talaga kita kakausapin.
Nakita ko siyang tumango lang at sinimulan ng paandarin ang kanyang kotse.
Alas otso ang first subject ko ngunit 8:30 na kami ni King nakarating sa school. Agad akong lumabas sa kanyang kotse. "Thank you sa paghatid." Mabilis kong sabi sabay kuha ng aking bag at patakbo ng tumungo sa 1st subject ko.
Humihingal na pinihit ko ang pintuan at dahan-dahang pumasok sa loob. Nakita kong nakaharap si Zed sa whiteboard at mayroong sinusulat. Lihim akong nagdiriwang dahil hindi niya napansin na ngayon lang ako dumating. Ngunit kakaupo ko lang sa aking upuan sa likurang bahagi ng marinig ko ang sinabi niya.
" Heather Blaze, I think you forgot what I told you every time you used to be late; you should sit next to me."
"But sir.."
"I don't need your explanation. You still come in late, and I don't tolerate behavior like that."
Napaawang ang labi ko dahil sa pagiging strict niyang magsalita ngayon. Nakita ko siyang nagpipigil sa galit habang matalim na nakatitig sa akin.
"Hi, I'm sorry to interrupt. Is Blaze here?" Agad kaming lumingon lahat sa labas ng nakabukas na pintuan upang makita kung sino ang bago lang nagsalita. Nakita kong nagkunot ang noo ni Zed, waring nadagdagan ang init ng kanyang ulo ng makita kung sino ang naghahanap sa akin.
Mabilis akong tumayo upang makita ni King. May hawak itong mga libro ko, nakalimutan ko yata kaninang dalhin sa sobrang pagmamadali. Ngumiti siya sa akin ng makita niya ako.
"Baby, thanks god, natagpuan ko na rin ang room mo. Yung libro mo na iwanan mo kanina sa kotse sa sobrang pagmamadali."
Mabilis akong nagtungo sa pintuan at kinuha ang mga libro ko sa kamay ni King. Ngunit habang kinuha ko ang nga libro, hinila niya ang kamay ko upang mapalapit pa ako sa kanya, sabay bulong sa aking tenga.
"God, Blaze, how can you forget him, if your stupid ex is your professor? Kaya mo pa ba?" Nag-aalala na tanong niya sa akin. Tipid lang akong tumango ngunit nahahalata pa rin niya ang nagbabadyang luha sa sulok ng aking mga mata. He held me in the chin and gently rubbed my lips with his thumb. "Hihintayin kita sa labas ng gate mamaya. Sabay na tayong mag lunch. Okay?"
"Okay. Thank you." Matamlay kong sagot atsaka bumalik na sa aking upuan. Mabilis na rin siyang umalis ng makitang nakaupo na ulit ako. Ngunit bago pa man siya tumalikod nakita kong tinapunan muna niya ng matalim na tingin si Zed. Na ngayon ay namumula na rin ang mukha sa sobrang pagpipigil ng kanyang galit.
"Everyone, get out! Class is over! Make this your assignment!'' Sabay turo ni Zed sa kanyang sinulat sa whiteboard kanina."And you, Blaze, stay in this room!"
Napatulala kaming lahat ng mga kaklase ko dahil sa agarang pagtatapos ng aming first subject. Kahit ako nagtataka bakit bigla niyang dinismiss ang kanyang klase samantalang 30 minutes pa lang naman siyang nag-umpisa.
Bam!
Lahat ng estudyante sa buong silid ay namutla dahil sa biglaang paghampas ni Zed ng kanyang kamay sa ibabaw ng mesa, dahil wala pa ring kahit isa na gumagalaw. "Out!" Natatarantang nagsilabasan lahat ng mga kaklase ko dahil sa sobrang kaba ng marinig muli ang kasunod na sigaw nito. Ngayon lang nila nakita ang may-ari ng St. Ford University kung paano magalit. Ngayon ako lang mag-isa ang naiwang nakaupo sa loob ng room habang matalim na nakikipag titigan kay Zed. Hindi dapat ako kabahan, galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin.
Ngunit hindi ko na mapigilan ang malakas na tambol ng aking dibdib ng nararamdaman kung nakatayo na siya sa aking harapan. Umiwas ako ng tingin at binaling ang aking ulo sa kabila. Gayunpaman hinawakan niya ang aking baba at binaling ang aking ulo upang tumingin sa kanya. Napasinghap ako at napapikit ng ma amoy ko ang preskong hininga niya. Sobrang lapit ng mga labi namin sa isa't-isa, at parang hindi ko na makaya pa dahil inaamin kong nadadarang ako kapag lumalapit siya. Hinila niya ako patayo at sinandal sa wall.
"Do you think you can do whatever you want right in front of me?"
"I don't know what you mean." Mahina kong sagot sa kanya pilit tinatago ang kaba sa aking dibdib.
"Really Blaze? Kailangan mo pa ang harap-harapang makipag landian sa boyfriend mo kahit sa kalagitnaan ng klase ko?"
"Correction sir. Naghatid lang po siya ng libro ko at hindi ako nakikipag landian sa kanya."
"So, hatid sundo ka na rin pala ngayon ng boyfriend mo? At kahit sa lunch bantay sarado ka." Sarkastiko niyang tanong sa akin. Hindi ko alam narinig pala niya ang pag aaya ni King na hintayin ako for lunch.
"Wala na po kayong pakialam don sir. Personal na buhay ko po ito. At kahit mag motel man kami ng boyfriend ko mamaya, labas na po kayo don." Sarkastikong sagot ko rin sa kanya. Agad na naningkit ang mga mata niya at hindi ako nakapag handa nang bigla niyang nilamukos ng halik ang aking labi. Mapag parusa ang paraan ng paghalik niya sa akin. Pakiramdam ko namamaga ang labi ko kaya ko kinagat ang ibabang bahagi ng labi niya dahilan upang tumigil siya sa marahas niyang paghalik sa akin. He lightly licked the lower part of his lip that I bit. I know it hurts because my bite left a mark on his lips.
Mapakla siyang ngumiti. "So, magmomotel pala kayo mamaya, huh? Hindi ko alam two timer ka rin pala. Nakipag relasyon ka kay Zed, samantalang may boyfriend ka na palang iba."
"Bakit, ikaw ba si Zed? Bakit pag nagsasalita ka pakiramdam ko siguradong-sigurado ka sa pwedeng maramdaman ni Zed. Wala kang karapatan na sabihin sa akin yan dahil hindi kita boyfriend, maliban na lang kung gusto mo ring sumabay sa kanila?"
Nakita ko siyang saglit na natigilan dahil sa aking sinabi.
"Hmmm, hindi ko alam may pagka mahilig ka rin pala sa lalaki Blaze. Karapat dapat lang pala na pinagpalit ka ni Deo sa ibang babae, dahil hindi ka rin mapagkakatiwalaan."
SLAP!
Nasapo ni Zed ang kanyang namumulang pisngi dahil sa lakas ng aking pagkakasampal. Alam kong nagulat siya sa aking ginawa. Mapakla akong ngumiti habang mapait na nakatitig sa kanya.
"Bago mo sabihin sa akin yan, tanungin mo muna ang sarili mo kung mapagkakatiwalaan ka rin o hindi. Bakit, gaano ba kalinis ang budhi mo para sabihin sa akin ang ganyan? Kaya pala ang lakas ng loob mo na lokohin ako, dahil ganyan ang tingin mo sa akin? Ang katulad ko ba'y isang langgam lang sa paningin mo?"
"What you mean by that?" Nagtataka na tanong niya sa akin.
"Bakit Zed, sinadya mo bang maging isang baliw para lang paibigin ako? Sinadya mo bang maging Dr. Zane para mas lalong mapalapit ako sayo? Sinadya mo bang maging Zion, para maramdaman mo kung gaano ako kabaliw sayo sa tuwing kumakanta ka sa entablado? O baka naman, may balak ka pang magpakilala bilang Zairo, upang mas lalo akong mabaliw sa pagpipinta mo? Sige nga, sabihin mo sa akin Zed, alin doon sa mga binanggit ko ang totoo mong pagkatao!?"
"Blaze, le..let me explain."
"Tangina! Sabihin mo! Yun ba lahat ang dahilan kaya mo ako niloko? I'm fucking In love sayo Zed, kahit pa na baliw ang pagkakakilala ko sayo! Pero, tangina, hindi ko inaasahan na ako pala ang gawin mong baliw dahil sa dami ng identity mo." Naghi Hysterical kong sagot sa kanya.
"Peanut, please, let me explain first."
"Explain? Sige nga Zed, paano mo ipapaliwanag sa akin ang lahat ng kasinungalingan mo? Hindi lang isa, Zed, hindi lang dalawa, ang dami mong identity na ginamit mo para lokohin lang ako. Tangina sobrang dami ng pagkakataon para sa sabihin mo sa akin ang totoo. Humingi ka pa ng advice sa akin, tangina ako lang din pala ang babaeng tinutukoy mo na niloloko ng kaibigan mo!" Naiiyak kong wika sa kanya.
Nakita ko siyang tahimik na rin na umiiyak habang nakayuko.
"Blaze," tangin sambit niya at ramdam kong nahihirapan siyang magpaliwanag sa akin.
"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag Zed. Tapos na rin sa atin ang lahat. Alam kong ikakasal ka na kay Lexie, kaya simula ngayon, wala nang tayo." Pagkatapos sabihin ay mabilis akong tumalikod sa kanya, kinuha ko ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng pintuan.
"Blaze, Sandali!"
Narinig kong sigaw ni Zed sa pangalan ko ngunit patuloy pa rin ako sa aking mabilis na paghakbang.
"Blaze!" Mas lalo kong pinabilisan ang aking paglalakad ng maramdaman kong hinahabol ako ni Zed.
Nakalabas na ako ng gate ng university ng makita ko ang sasakyan ni King. Agad siyang lumabas ng kanyang sasakyan at mabilis na sinalubong ako.
"Baby, are you okay? Bakit ka umiiyak? Akmang hahawakan na ni King ang aking kamay ng bigla itong tinabig ni Zed.
"Pare, problema namin to, huwag kang makialam!" Singhal ni Zed kay King. "Blaze, peanut, please let me explain. Maniwala ka minahal kita, yun ang totoo." Akmang yayakapin ako ni Zed ng bigla siyang sinuntok ni King.
"Tangina, gago ka anong ginawa mo kay Blaze!?"
Muntik nang ma out balance si Zed dahil sa pagsuntok ni King sa kanyang pisngi.
"Bakit ba masyado kang pakialamero, huh!? Nanlilisik ang mga mata ni Zed na gumanti din ng suntok kay King.
"Tama na! Zed, King! Ano ba kayo?" Natataranta akong pumagitna sa dalawang lalaki na nagsusuntukan. Siguro sa paningin ng iba, ang haba na ng hair ko, dahil pinag-aawayan ako ng dalawang gwapo at mayamang lalaki, pero para sa akin, ang sama-sama ng loob ko, dahil nagawa pa talaga nilang magsuntukan sa harapan ko. Mas lalo lang nilang dinagdagan ang problema ko.
Nakita kong wala pa ring balak na tumigil ang dalawa sa pag susuntukan.
"Ayaw nyo makinig? Sige! Ito, para mas mabilis, magpatayan kayong dalawa! Sabay kuha ko ng patalim sa aking bag at isa-isang pinahawak yun sa kamay nila. Agad naman silang tumigil sa pag suntukan at gulat na lumingon sa akin, nagtataka kung saan ko kinuha ang dalawang patalim. "Ayan na, patunayan ninyo ngayon kung sino ang mas karapat- dapat sa inyong dalawa na mahalin!, sige na, ituloy nyo na! Mag saksakan kayong dalawa! Kalimutan nyong nandito ako sa harapan ninyo! Yan naman ang tingin nyong dalawa sa akin di ba!? Para lang akong langgam sa paningin ninyo! Hindi nyo nga napansin na nandito ako oh! Salamat ah, ang laking tulong nyo sa akin!" Pagkasabi ay agad na akong tumalikod sa kanilang dalawa. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit. Malamang pinagchichismisan na ako ng mga estudyanteng nakasaksi sa aming tatlo.
"Blaze!" Narinig kong nagkasabay pa silang tawagin ang pangalan ko, ngunit hindi ko sila pinansin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Sorry Blaze, pero kailangan kong gawin to, upang makapag-usap tayo ng maayos." Wika ni Zed ng maabutan niya ako. Akmang lilingon ako ng bigla akong binuhat ni Zed.
"Zed, ibaba mo ako!" Naghi Hysterical na sigaw ko kay Zed, nang mapagtantong binuhat niya ako papunta sa kanyang sasakyan.
"Pare, ibaba mo si Blaze! Tangina ako ang makakalaban mo kapag ginalaw mo siya!" Narinig kong sigaw ni King habang papalapit sa sasakyan ni Zed.
"Diyan ka lang! Huwag mo ng subukan na lumapit, kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo!" Singhal ni Zed kay King. Nakita ko siyang sumenyas sa mga tauhan niya na nakabantay sa labas ng university. Akala ko dati mga civilian guards lang ito, yun pala mga tauhan niya. Agad naman nilang nilapitan at ginapos ang mga kamay ni King sa kanyang likuran, upang hindi makalapit sa akin. "Zed, kahit anong gawin mo tapos na tayo! Huwag mong idamay dito si King! Saan mo ba ako dadalhin!?" Sigaw ko kay Zed ng makita ko ang ginawa ng mga tauhan niya kay King.
"Blaze, hahanapin kita!" Narinig kong sigaw ni King habang nakikipaglaban sa mga tauhan ni Zed.
"Zed! Tuluyan ka na bang nabaliw? Sabihin mo sa mga tauhan mo na pakawalan si King. Tangina bababa ako!"
Hindi ako sinagot ni Zed, bagkus kinuha niya ang seatbelt at mabilis na ikinabit yun sa aking katawan. Malamlam ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "Just this time, Blaze. Just this time. Bigyan mo muna ako ng pagkakataon upang maipaliwanag kung bakit ko ginawa ito sayo, please... Pagkatapos nito, hindi mo na ako makikita pa." naluluha niyang pagsusumamo sa akin.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin.
Tahimik ang buong biyahe namin ni Zed. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng aming pagbiyahe.
Bigla akong naalimpungatan, ng maramdaman kong umakyat ang aming sasakyan sa RoRo, isang barko patungong probinsya. Kinakabahan na tiningnan ko si Zed.
"Anong ibig sabihin nito Zed? Gusto mo lang naman akong kausapin di ba? Bakit kailangan pa nating lumayo?"
"Sinisigurado ko lang na hindi tayo madidisturbo ng boyfriend mo. Gusto kitang ma solo para makapag paliwanag ako ng maayos."
"Zed, nababaliw ka na ba? Ibalik mo ang kotse, kung hindi, ako ang babalik mag-isa."
Akmang bababa na ako ng kotse upang takbuhin ang nakahanda ng umusad na barko, ngunit hindi ko na lang tinuloy ng makita na malayo na ang distansya nito sa pier. Binalingan ko ng matalim na tingin si Zed na lihim lang nakamasid sa akin.
"Kung may binabalak kang gawin, na hindi ko magugustuhan Zed, pakiusap, huwag mo ng ituloy. Huwag mo ng dagdagan pa ang kasalanan na ginawa mo sa akin!"
"Huwag kang mag-alala, mag-uusap lang tayo. Wala akong ibang binabalak na gawing masama sayo."
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, at tahimik na tiningnan ang orasan sa aking cellphone. Alas dos y medya na ng hapon.
Maya-maya pa'y nag pop up sa screen ang pangalan ni King na tumatawag sa akin. Agad ko naman itong sinagot.
"Baby, sabihin mo kung saan ka dinala ng gagong yan, pupuntahan kita. Ano okay ka lang ba? Nagpadala na ako ng mga tauhan ko upang tulungan akong hanapin ka. Don't worry, ililigtas kita."
"Salamat sa pag-alala King, Don't worry ok lang ako. Huwag mo na akong hanapin, uuwi na rin ako kaagad. Kailangan lang naming mag-usap."
Biglang tumahimik si King sa kabilang linya. Alam kong nasasaktan siya dahil nagawa ko pa ring piliin si Zed kaysa sa kanya.
"King, sana maunawaan mo ako."
"Yeah, sure, naintindihan ko, kung yan ang gusto mo. Mag-ingat ka." Agad na nitong pinatay ang tawag.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Kung sana natuturuan lang ang puso ko na umibig kay King, ginawa ko na. Pero isa lang ang puso ko, at isa lang din ang pinipintig nito.
"Mahal mo siya?" Agad akong nakabawi ng marinig ang tanong ni Zed.
"Wala ka ng pakialam kung minahal ko siya o hindi." Mataray kong sagot kay Zed.
"Minahal mo na rin ba ako Blaze, kahit minsan lang?"
"Huh, hindi ko na kailangan pang sabihin sayo yan Zed, dahil ikaw lang ang makakasagot niyan. Tanungin mo ang sarili mo. Sa tingin mo ba normal sa isang babae na umibig sa isang baliw? Ako lang ang gumawa non Zed. Dahil baliw lang na babae ang kayang umibig sa isa ring baliw. At ako lang yung nag-iisang babae na handang magpaka baliw para lang maabot ka."
"Peanut," Akmang kukunin niya ang aking kamay ngunit hindi natuloy dahil agad ko iyong iniwas na mahawakan niya.
"Magpapa hangin lang ako." Pagkasabi ay agad na akong lumabas ng kotse niya at umakyat sa itaas, sa deck part ng barko, kung saan lahat ng mga pasahero at driver ng mga sasakyan na naka park sa ibaba ay dito umaakyat upang makita ang magandang view. Pinili kong tumayo sa pinakadulong part ng deck at isinandal ang aking dibdib sa railings ng barko. Lalo ko lang naramdaman ang lungkot sa aking puso, habang nakatunghay sa mga alon sa dagat. Natanaw ko ang ang parang malapit lang na mga bundok , na nakapaligid sa lawak ng karagatan. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha habang malayong nakamasid ang aking mga tingin sa mga bundok na yun.
Ilang sandali pay nararamdaman kung may malaking kamay na mainit na yumakap sa akin mula sa aking likuran, at hinayaan niyang humilig ako sa kanyang matitipunong dibdib. Gustong magreklamo ng aking isip, ngunit tumututol ang aking puso. Napapikit ako at dinadama ang init ng mga yakap niya, inaamin kong na miss ko siya ng sobra. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na lumilipad sa bawat pagdampi ng hangin at sinabit iyon sa likod ng aking tenga.
"Peanut, Im, sorry." Muli na namang nag landas ang mga luha sa aking mga mata ng marinig ko ang pag sorry ni Zed.
"Zed, nakikita mo ba ang mga bundok na yan? Kung titingnan mo sila, parang nasa malapit lang at feeling mo kaya mong abutin, ngunit kapag sinubukan mo nang puntahan, hindi mo pa rin maabot dahil ang layo pala. Katulad ka rin ng mga bundok na yan Zed. Alam mo bang sobrang saya ko noon ng maging tayo, dahil akala ko naabot ko na ang lalaking pinapangarap kong mahalin at mahalin ako, ngunit ang reyalidad, hanggang tanaw lang pala kita. Ang hirap mong abutin Zed. Sobrang napakalayo mo upang abutin ko."
"Hindi totoo yan Peanut, dahil nandito ako at pilit ring lumalapit sayo upang maabot mo. Huwag mo lang akong itulak na lumayo sayo, dahil sa pagkakataong ito, nahihirapan na akong e-reach out ka. Pakiramdam ko ang layo mo na, at natatakot ako na darating ang araw na sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal."
"Wow, mommy para silang si Rose at si Jack sa titanic."
"Jusko na bata ka, huwag nga kung sino-sino ang tinuturo mo."
"Totoo ang sinasabi ko mommy napanood ko si Rose at Jack sa movie, di ba ganun din ginagawa ni Jack, nakayakap kay Rose sa likuran?"
Pareho kaming napalingon ni Zed, ng marinig ang sinabi ng 10 years old na bata. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumingin ulit sa nanay ng bata.
"Ah, hehe pasensya na po kayo ma'am, sir, talagang madaldal lang ho itong anak ko."
"Ikaw na bata ka, bumaba na nga tayo, kung ano-ano na lang ang nakikita mo." Sabay karga ng ina sa kanyang anak pababa ng deck.
Nahihiya namang kinalas ko ang dalawang kamay ni Zed na nakayakap sa aking baywang at mabilis na bumaba na rin ng deck. Di nagtagal narinig na namin ang malakas na ugong ng barko na nagpapahiwatig na dadaong na ito sa pier. Mabilis namang sumunod sa akin si Zed at sabay kaming pumasok sa kanyang kotse.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Zed.
"Sa Guimaras Island." Nakangiti niyang sagot sa akin, dahilan para magsi-unahan ang mga paru-paro sa paglipad sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
NABALIW AKO SA ISANG BALIW
Storie d'amoreIsa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford? Hindi ko naman kasi akalain na ang isang tinaguriang Bad Girl ng University na tulad ko ay sangkot...