I V Y
"Ate, baon mo!" Agad naman akong napalingon kay Ishy, kapatid ko. Tumakbo ito palapit sa akin at inabot ang lunch box ko. "Papasok ka nang hindi ka nanaman mag lalunch break, ate ha."
Natawa naman ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Opo, Mama. Kakain po ako."
"Ate naman eh! Umalis ka na nga at baka ma late ka pa! Shoo!" Inis nitong baling sa akin. Tumawa lang ako sa kakulitan niya at tuluyan nang umalis.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula nu'ng nakabalik ako galing sa Bohol. Dalawang buwan ko na din pinag-iisipan kung paano ko makikita ulit si Deanna. Masyado akong nawili sa pakikipag kwentuhan sa kaniya no'n kaya hindi ko na naitanong kung anong number or facebook account niya. Hindi ko tuloy alam paano kami magkikita ulit o magkikita pa ba kami ulit. Nalulungkot tuloy ako.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Isa akong Café Manager/Owner. Dati barista lang ako sa isang coffee shop na pinagtrabahuhan ko noon pero dala na din ng pagsisikap ay nakapag patayo ako ng sarili kong coffee shop.
"Breeze, natawagan mo na ba 'yung supplier natin ng pastries? Need kasi natin ng 500 pieces for this month." Paalala ko kay Breeze, assistant ko dito and barista din. Siya kasi ang pinapatawag ko sa mga supplier namin dahil madami din akong inaasikaso dito sa shop.
"Yes, Miss Ivy. Natawagan ko na po si Ma'am Autumn kanina. Idedeliver daw po nila mamayang hapon." Tumango naman ako sa kaniya at chineck ang inventory. "Saka ano pa pala, Miss Ivy. May tumawag po pala kahapon. Owner po siya ng isang restaurant dito din sa Manila. Nag tatanong po kung pwede ba kayong makipag meet sa kaniya, may ipopropose daw po kasing mga pasta and salad na pwede nating isama sa menu natin para hindi po puro pastries."
Pasta and salad, hmm. Pwede naman. "Sige, Breeze. Sabihin mo punta na lang sila dito mamayang hapon, wala naman akong gagawin."
"Okay, Miss Ivy. Tatawagan ko lang po sila ulit." Nagpunta na nga si Breeze palapit sa telephone at tinawagan na ang nakausap niya.
Lumapit naman ako kay Shaira, isa din sa mga barista namin. "Shai, pagawa naman ako ng usual ko tapos padala doon sa table ko ha?"
"Sige po, Miss Ivy." Nginitian ko naman siya at bumalik na sa table ko. Chinecheck ko kasi ang time card nilang lahat kung pumapasok ba sila sa tamang oras. Malaki naman ang tiwala ko sa mga staff ko dito kaya hindi ko na din pinagtuunan pa ng pansin.
Napunta ako sa facebook at naisipan kong hanapin ang account ni Deanna. Kung bakit ba naman kasi hindi ko tinanong ang buong pangalan niya, Deanna lang tuloy ang alam ko.
"Miss Ivy, ito na po ang drink niyo." Nilapag nya sa gilid ang baso at nagpasalamat naman ako sa kaniya. Hinihintay ko lang din ang applicant na naka schedule for interview ngayon. Hindi ko na tinignan ang resume, tatanungin ko din naman siya mamaya.
"Miss Ivy, nandito na po 'yung applicant." Rinig kong sabi ni Breeze.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa laptop ko dahil sa mga tinatype ko, "Sige, Breeze. Paupuin mo na dito." at naramdaman ko nga na may umupo sa tapat ko.
Sinave ko na ang tinatype ko at nag-angat ng tingin sa applicant. Nanlaki naman ang mata ko at napangiti ng malaki. "Deanna?!"
Mukha naman siyang nagulat nang mapasigaw ako. Napatingin din sa amin ang mga customer kaya naman humingi ako ng paumanhin sa kanila. "Kumusta ka na? Hala hindi ko ineexpect na magkikita tayo ngayon. Akala ko di na tayo magkikita ulit. Grabe nagpakulay ka na pala ng hair mo? Bagay sa'yo ah."
BINABASA MO ANG
Bridge To Eternity
FanfictionWhen Ivy was at her worst state, she found a bridge above the river after being lost in a forest. Tired of finding the way out, she found comfort being in that bridge. She felt as if she's home and she's safe. Soon after resting, she heard a faint y...