[Pakinggan niyo 'tong video sa taas habang nagbabasa. I-repeat niyo habang binabasa buong chapter ;))]
I V Y
"Ma, madami pa natira sa kaldero ha? Kayo na bahala ni Ishy. Puntahan ko lang si Deanna. May hang over kasi." Sambit ko kay Mama habang isinasara ang lid ng ulam. Nagluto kasi ako ng bulalo para makahigop ng sabaw si Deanna pagdating ko doon.
Kagabi kasi ay nagsabi siya sa akin na puntahan ko siya bukas dahil naparami inom niya kaya malamang may hang over 'yun.
"Alis na ako, Ma." Paalam ko kay Mama at nakipag beso sa kaniya.
Lumabas na ako dahil nasa labas na 'yung Grab. Sumakay na ako at ilang minuto lang ay nandito na ako sa building. Dumeretso ako sa elevator at napatingin sa babaeng nakatayo sa harap. "Deanne?"
Lumingon naman siya sa akin. "Uy, Ibyang. Papunta ka kay kambal?"
"Oo eh. Naparami daw inom niya kahapon kaya baka may hang over 'yon. Nag-inom sila kahapon kasama 'yung mga nasa resto, cinelebrate 'yung about sa sales niyo." Sagot ko naman.
"Ang duga, hindi man lang ako sinama." Natawa naman ako.
"Masyado ka kasing busy kay tukayo HAHAHAHAHA!" Pang-aasar ko dito. Pinamulahan naman siya ng pisngi. "Nako, nako, nako! Iba na 'yan, Deanne ha. Wag mo na ideny, alam na naming lahat."
Napatakip naman siya ng mukha niya. "Akin na nga 'yan tulungan na kita."
"Ikaw? Punta ka din doon?" Tanong ko sa kanya pagkaabot ko ng ulam.
Tumango naman siya. "Oo, kukunin ko 'yung bag na naiwan ko don nu'ng nakaraan eh."
Sakto namang bumukas ang elevator at pumasok na kami. Nasa 41st floor kasi ang unit ni Deanne Habang paakyat kami ay biglang nanikip ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong kinabahan bigla, napahawak tulot ako kay Deanne. "Uy, byang. Anyare?"
"Parang hindi ako makahinga, Deanne. Bigla akong kinabahan." Sagot ko.
Tumingin naman siya sa paligid. "Baka dahil sa closed space, byang. Malapit naman na tayo, inom ka agad ng tubig pag dating natin sa taas."
Nakarating din kami sa taas at parang mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla akong kinakabahan? Napapraning na ata ako.
Binuksan ko ang pinto at dumeretso kami sa kusina. Uminom ako agad ng tubig pag dating ko. "Okay ka na?"
"Oo, medyo nawala na." Pero ang totoo ay ang lakas pa rin ng kabog nito.
"Sige na, gising mo na si Kambal. Asikasuhin ko lang itong ulam." Sagot niya. Kumuha ako ng gamot sa cabinet at isang basong tubig, baka masakit ang ulo ni Deanna pag gising niya eh.
Dinala ko na ito at naglakad papuntang kwarto. Sinalubong ako ni Ollie kaya binaba ko muna sa lamesa ang baso at gamot saka binuhat si Ollie. "I miss you more, anak namin ng Dada."
Dinilaan niya ako kaya binaba ko na din siya. Kinuha ko na ulit ang baso at gamot saka nagpunta sa kwarto. Pinihit ko ang doorknob.
"Adi, may dala akong gamot. Inom ka mu-"
at nabitawan ko ang basong hawak ko kaya naman nagkapira piraso ito.
Nakatingin lang ako sa dalawang taong natutulog at parehong walang saplot na kahit ano, maski kumot wala.
"Byang, ano 'yon? Anong nangyari? Hala bakit nabas- kambal?!" Gulat na sigaw ni Deanne habang nakatingin sa dalawa.
Unti unting tumulo ang mga luha ko at para bang napako ang mga paa ko't hindi ako makagalaw. Ano 'to? Bakit gan'to? Paano nangyari 'to?
BINABASA MO ANG
Bridge To Eternity
FanfictionWhen Ivy was at her worst state, she found a bridge above the river after being lost in a forest. Tired of finding the way out, she found comfort being in that bridge. She felt as if she's home and she's safe. Soon after resting, she heard a faint y...