D E A N N A
“Grabe! Nakakapagod.” Bulalas ko at naupo sa upuan. Init na init ako dahil naglilinis kami ng resto ngayon. Every month nag didisinfect kami para malinis palagi itong resto. Siyempre, kailangan maging malinis tayo lalo na sa panahon ng pandemic diba? Kalat ang virus ngayon.
Nagulat naman ako nang may dumamping towel sa mukha ko at nasa harap ko na si Calista. “Uh, Cali. Okay lang ak–”
“Ayan hindi na po kayo pawis, Boss D.” Pinunasan niya kasi ako ng pawis bigla. “Talikod po kayo.”
Hindi ko nagets ang sinabi niya kaya naman bigla niya akong pinatalikod. Pinunasan niya ang likod ko dahil pawis nga ito. Nilagyan niya pa ng towel at dahan dahang dumausdos ang daliri niya sa likod ko kaya grabeng kilabot ang inabot ko.
Lumayo naman ako sa kaniya. “Salamat, Calista.”.
“No worries, boss!” Kumindat pa ito sa akin. Kitang kita ko naman ang matatalim na tingin ng staff ni Ivy sa kanya kaya lumayo na ako nang tuluyan at lumapit sa kanila.
“Anong problema no’n?” Tanong ko kay Trisha na malapit sa pwesto ko. “Ang weird jusko!”
“Boss, ingat ka sa mga ganyan. Kadalasan sa ganyan, nasa loob ang kulo.” Paalala ni Tots. Napatingin naman ako ulit kay Calista na malagkit na din ang tingin sa akin.
Napangiwi naman ako. Tama nga si kambal, nakakadiri nga.
Kinumpol ko na ang mga staff ko at inaya na silang kumain. May tatlong bakanteng upuan. Dalawa sa pagitan nila Ate Ri at Trisha tapos isa sa tabi ni kambal. Doon ako umupo sa tabi ni kambal. “Kain na tayo!”
Nagsimula na kaming kumain kaya tahimik kami. Sa peripheral view ko, nakikita ko si Cali na naghihimay ng crabs niya.
“Boss D.” Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.
Lahat kami nagtaka nang ilagay niya sa plato ko ang mga hinimay niyang crabs. “Masarap ‘yan! Ako nag luto niyan eh.”
“Ah salamat.” Ramdam ko na matalim ang tingin nilang lahat sa aming dalawa. What? Hindi ko naman ineexpect ‘yang mga gestures ni Calista. Malay ko bang ganyan gagawin niya.
Pinatawag ko si Calista sa office ko after namin maglinis. Kailangan ko siyang masabihan tungkol sa ginagawa niya. “Boss? Tawag niyo daw po ako?”
“Have a seat, Calista.” Sagot ko. Nakaupo ako sa katapat niyang upuan. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, hindi mo kailangang pagsilbihan ako kung hindi naman tungkol sa trabaho, Calista. Hindi kasama ‘yon sa gawain mo bilang assistant ko.”
“S–Sorry, Boss. Hindi ko po kasi alam eh, ngayon lang po kasi ako naging ganito.” Sagot niya.
“Sa susunod, ayoko nang gagawin mo ‘yon ha? Kasama natin ang dating mga staff ng girlfriend ko, nag iiba na ang tingin nila sa ating dalawa. Mamaya kung anong maisip nila.” Pagalit ko pa dito.
Natawa naman siya. “Edi masaya.”
“Ano?” Gulat kong tanong. Mas lalo pa akong nagulat dahil bigla siyang tumayo at kumandong sa akin. “Ano ba! Get off of me!”
“Shh.” Inilagay niya pa ang hintuturo nya sa labi ko at nararamdaman kong kinikiskis niya ang pagkababa niya sa hita ko.
Itutulak ko na sana siya nang biglang kabigin niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi. Tuloy lang sya sa pagkiskis niya at ako naman at nagpupumiglas. Ginamit ko ang buong lakas ko at itinulak siya. Tumalsik naman siya sa lapag dahil sa ginawa ko. “What was that for, Calista?!”
BINABASA MO ANG
Bridge To Eternity
FanficWhen Ivy was at her worst state, she found a bridge above the river after being lost in a forest. Tired of finding the way out, she found comfort being in that bridge. She felt as if she's home and she's safe. Soon after resting, she heard a faint y...