Chapter Sixteen - Last Trip

2.2K 45 7
                                    













I V Y

Nagising ako sa malalambing na halik na naramdaman ko sa mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita si Deanna na hinahalikan ang mukha ko. Napangiti ako at hinawakan ang mukha niya. “Good morning, Mommy ni Ollie.”

Dahan dahan niya akong tinulungan umupo. Masakit kasi ang hita at katawan ko. Napagod nang sobra kagabi.

“How are you feeling, Adi?” Malambing na tanong ni Deanna. “May masakit ba sa'yo?”

Tumango naman ako at pinat ang hita ko, “Aww, I'm sorry baby. Am I too rough last night?” at umiling naman ako.

“Mawawala din ‘to mamaya, Adi. Anong oras ba flight natin?” Tanong ko.

Uuwi na kasi kami mamaya pero bago kami umuwi, mamimili na muna kami ng mga pasalubong sa mga nasa Manila. Gusto ko din bumili ng souvenirs eh.

“5 PM pa naman, Adi. We can still buy souvenirs.” Sagot niya, tumango na lang ako. “Come, I'll help you stand. Let's eat na sa baba para makabili na din tayo ng souvenirs.”

Tinulungan naman niya akong makatayo, kaya ko naman maglakad.

Lumabas na nga kami at dumeretso sa dining. Nagseserve sila ng breakfast dito eh, sarap pa naman ng mga foods nila.

“Just sit here and I'll get us food, Adi.” Hinalikan niya ako sa noo pagkaupo ko saka nagpunta sa buffet para kumuha ng food. Inilabas ko naman ang phone ko at inoff na ang airplane mode. Dagsaan naman ang mga notifications ko pero hindi ko na pinansin ‘yon. Agad kong pinuntahan ang messenger at saktong online si Ishy. Pinindot ko ang video call at hinintay na sagutin niya.

“Ateeeeeee! Mama si Ate, nandito na!” Bungad niya pagka sagot niya sa akin.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Nakita ko si Mama na tumakbo papunta kay Ishy, may hawak pang sandok. “Kumusta kayo diyan?”

“Ikaw ang kumusta diyan, anak, nasa’n ka ba nagpunta ha? Nag-alala kami ng kapatid mo sa'yo.” Sagot ni Mama, patango tango lang si Ishy sa tabi.

“Nasa Bohol lang kami ni Deanna, Ma. Nag pahangin lang. Nakaka suffocate diyan sa Manila eh. Pero pauwi na din kami mamayang gabi.” Sagot ko.

Bigla namang sumingit si Ishy. “Ate, pasalubong!”

“Ako anak kahit damit lang o keychain diyan o kaya ref magnet.” Dagdag ni Mama.

“Pwede tarsier sa akin?”

Nagulat ako nang sumulpot si Deanne sa video. Nasa bahay pala siya? “Uy, Deanne! Nandiyan ka pala?”

“Namimiss ko na luto ni Mommy Herns kaya dumalaw ako dito. Busy naman kayo ni kambal diyan eh.” Natatawa niyang sagot. “Nasa'n pala ‘yon?”

“Nandito ako, kambal.” Sagot ng kakadating lang na si Deanna. Nilapag niya ang tray na dala niya bago nagpakita sa video. “Nangangapit bahay ka diyan, Deanne Izabelle, ha?”

“Bakit ba eh sa namiss ko luto ni Mommy Herns eh. Inggit ka lang.” At bumelat pa si Deanne sa video na ikinatawa naming lahat. “Uwi na kayo dito, Ibyang. Malapit ko nang ipagpalit unit ko sa bahay niyo. Araw-araw na ako nandito simula nu’ng umalis kayong dalawa.”

“Bakit hindi ka pa maghakot kinapalan mo na nga mukha mong makikain diyan eh?” Pang-aasar ni Deanna habang nagpipiga ng calamansi sa sawsawan namin.

Umirap naman si Deanne. “Atleast ako nakikikain lang, ikaw nga inaangkin na panganay ni Mommy Herns eh. Oh sabihin mong hindi?”

“Oo na, panget mo talaga ka bonding.” Sagot ni Deanna. Bumelat lang ulit si Deanne sa kaniya.

Bridge To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon