Chapter Eight

1.9K 46 11
                                    







I V Y 

"Ate, umuwi na siya." Sabi ni Ishy sa akin. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pag-inom ng tubig. "Ate naman. Hanggang kailan mo ba gagawin 'to sa sarili mo? Tignan mo nga 'yang hitsura mo. Pinabayaan mo na sarili mo, dahil ano? Dahil lang kay Ate Deanna? Ano ka ba naman."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Malalim na ang mata ko, maputla na din ako, kung payat ako noon, mas payat ako ngayon. Tama si Ishy, napabayaan ko nga ang sarili ko.

Isang buwan na simula nung umuwi ako sa bahay ni Deanna. Simula no'n ay iniwasan ko na siya, silang magkapatid. Isang buwan na din akong hindi pumapasok sa shop, hindi ko naman ito napapabayaan dahil tumatawag tawag ako kay Breeze at Cal. Nandon na si Breeze nakabalik na kaya sila muna ang pinag mamanage ko ng shop. Hindi naman talaga mapapabayaan 'yon dahil nandon pa rin si Deanne na tinutulungan silang mag manage.

Wala siyang kaalam alam kung bakit pati siya ay iniiwasan ko. Nakekwento na lang sa akin ni Cal na matamlay na daw si Deanne simula nang marealize nitong iniiwasan ko nga din siya. Pati si Deanna ay panay ang punta dito sa bahay at sa shop. Lagi ko namang inuutusan si Ishy o kaya si Mama na paalisin siya dahil hindi ko pa siya kayang makita.

Tama nga si Margarette. Tinamaan na 'ko ng lintek.

Hindi ko din alam kung bakit ganito ang naging reaction ko. OA ba ako masyado?

"Hi, love! I just arrived here at the airport, can you fetch me here? I missed you!"

Natigilan ako bigla nang magsalita itong tumawag. Love? 

"Hello? Sorry po nasa cr kasi si Deanna. Sabihin ko na lang po na tumawag kayo. Sino po ulit sila?" Mahinang tanong ko.

"Ay okay. Pakisabi naman tumawag si Mitch, 'yung girlfriend niya. Pakisabi din na sunduin ako dito sa airport, it's very malamok na kasi here eh. Thank you ha? Sino din pala 'to? Ano ka ni Deanna?" Tanong niya.

Sino nga ba ako sa buhay ni Deanna? Isa lang akong babaeng muntik nang bumigay nang buo sa kaniya. "Ah si Ivy po ito, kaibigan ni Deanna. Sige po, Miss Mitch po ano? Sabihin ko na lang po kay Deanna na tumawag kayo at nagpapasundo."

"Okay tha-" Hindi ko na hinintay na makasagot siya dahil pinatay ko na ang tawag. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang damit ko at ang bag ko. Hindi na ako nakapag bihis pa dahil nanginginig ang mga kamay ko. Umupo ako sa kama at pilit kinalma ang aking sarili. "Kalma, Ibyang. Wala lang 'yan. Wala 'yan. Hindi ka naman kasi dapat nag expect simula pa lang eh. Hayst! Ang tanga mo talaga kahit kailan."

"Baby? Anong ginagawa mo? Why are you hitting your head? Magkakabukol ka niyan, stop please." Hininto ko naman ang ginagawa ko at tumayo na. Masama ang tingin ko sa kaniya kaya naman nagtaka siya. "What? What did I do, baby? Bakit parang galit ka? Did I do something wrong?"

"Ewan ko. Itanong mo sa girlfriend mo." Sabi ko at nilagpasan na siya. Agad naman niyang hinawakan ang braso ko. "Bitawan mo 'ko, Deanna please. Gusto ko nang umuwi."

"No. Walang uuwi. Hindi kita maintindihan, Ivy. Anong girlfriend ang sinasabi mo?" Nakasalubong na ang kilay nitong tanong sa akin. Sakto namang nag vibrate ang phone niya at umilaw. Kinuha ko ito sa lamesa at binuksan. 

From: Mitchy

Don't fetch me na pala. Papunta na ako sa condo mo. Wait for me, my love! I can't wait to see you 😘

Bridge To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon