Chapter Twenty - Conflict?

1.7K 50 7
                                    









I V Y

“Sa wakas, uwian na din.” Pag-iinat ni Harley sabay kinalabig ako. “Uy, te ha? Mamaya talaga ginugood time mo kaming lahat.”

Natawa naman ako. “Hindi nga oh eto.”

Nagpakita ako ng picture namin ni Deanna pero hindi pa rin sila naniwala. Baka daw magaling lang akong mag edit mga baliw talaga.

Nag tipa na lang ako sa phone ko ng text para kay Deanna.

To: Adi 🤍

Hello, Adi! Super busy ikaw po? Out na namin. Susunduin mo ba ako or mag grab na lang ako? I love you! 😚

“Aray ang sweet nemen.” Pang-aasar ni Carly kaya nagtawanan kami. Sabay sabay na kaming sumakay sa elevator pababa sa ground floor.

Bigla namang nag vibrate ang phone ko.

From: Adi 🤍

Dito na ako sa baba.

Napakunot naman ang noo ko. ‘Yun lang? Wala man lang I love you too? May problema kaya ‘to?

Inignore ko na lang ang mga naiisip ko at bumaling sa tatlo. “Oh, nasa baba na daw si Deanna ha.”

“Totohanin mo ‘yan girl ha? Mamaya umasa kami huhu.” Kunwaring iyak pa ni Des kaya nagtawanan nanaman kami.

Pagdating sa ground floor ay bumukas na ang elevator. Hinanap ng mata ko si Deanna at nakita ko siya sa lobby nakaupo at nakakunot ang noo na nakatingin sa malayo. Sabi na may problema talaga ‘to eh.

“Tara, girls. Nando’n siya.” Lumapit kami kay Deanna at kinalabit ko siya. Agad naman siyang tumayo at hinalikan ako sa labi, hindi niya ata napansin ang mga kasama ko.

“OMG KA TEH.”
“So totoo nga?!”
“GAGA KA! Hindi pala ‘to joke time!”

Natawa ako sa reaksyon nilang tatlo nang makita nila si Deanna sa harap nila. “Adi, this is Carly, Harley and Des. Mga friends ko dito sa office.”

“Hi, hello. I'm Deanna Wong.” Bati ni Deanna sa kanila at nakipag shake hands. Para naman silang natuod sa mga pwesto nila.

“Huhuhu hello! Sobrang crush at idol kita! Mas gwapo ka pala talaga sa personal.” Tuwang tuwa na sambit ni Carly.

“Hahaha! Thanks, Carly.” Sagot ni Deanna kaya naman pinamulahan ng mukha si Carly.

“Totoo ka ba?” Manghang tanong ni Harley. Pinat naman siya sa balikat ni Deanna kaya bigla siyang umirit. “Hala! Totoo ka nga!”

“Hi, Deanna! Pag pasensyahan mo na ‘tong dalawang ‘to ha? Ngayon lang kasi nakakita ng gwapo.” Paghingi ng paumanhin ni Des.

Napailing naman agad si Deanna, “Grabe sa gwapo, tao pa rin naman ako hehe.” at nagtawanan na nga kaming lahat.

“Ivy, una na kami ha? Malayo pa uuwian naming tatlo eh.” Paalam ni Des.

“Uhm, sabay na lang kayo sa amin. Saan ba kayo?” Tanong ni Deanna.

May tinuro naman si Harley. “Diyan lang sa may sakayan pa Cubao.”

“Tara na, sabay na kayo sa amin madadaanan naman namin ‘yon.” Sumunod na sila sa amin at inalalayan akong sumakay ni Deanna sa front seat. Sumakay na din siya sa kabila at sinuotan ako ng seatbelt. Gano’n ulit, nasa manibela ang kaliwa, nasa hita ko naman ang kanan.

Bridge To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon