Chapter Nine

2.4K 66 11
                                    



I V Y

Nagising ako sa sinag ng araw. Medyo magaan na ang pakiramdam ko. Inalagaan siguro ako ni Ishy kagabi. Mapasalamatan nga ang kapatid kong ‘yon.

Naligo na muna ako dahil gusto ko nang pumasok ngayon. Tama na ang pagmumukmok, baka sa kakamukmok ko eh malugi naman ang shop ko. Narealize ko din na wala namang kasalanan sa akin si Deanne kaya bakit pati siya iiwasan ko?

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako bitbit ang bag ko. Naabutan ko si Ishy na nakikipag kwentuhan kay Mama.

“Ito kasing si Ate napaka pabebe, Mama. Masyadong assuming kasi eh.”

Ano daw? Pabebe ako?

“Sinong pabebe, Ishy?” Taas kilay kong tanong sa kaniya. Tatawa tawa naman si Mama na nakatingin sa amin.

“Yung kaklase ko, Ate. Napaka pabebe!” Sagot niya. Ah yung kaklase naman pala. “Alam mo ‘yun te? Sinusuyo na nga siya ayaw niya pa? Masiyado kasing assuming eh pinahihirapan ang sarili.”

“Ah akala ko ako eh. Ate kasi narinig ko eh.” Sagot ko.

Tumawa naman siya. “Si Azi kasi yon, Ate. Bungol ka talaga. At baket? Relatable ba sinasabi ko?”

“Tigilan mo ko, Ishy ha.” Irap ko dito.

“Bakit, Ate? Totoo naman kasi. Assumera ka din ng taon.” Inirapan din ako napaka walangya! “O nu’ng araw na nag kasagutan kayo ni Ate Deanna, pinatapos mo ba siya sa sinasabi niya ha? Diba hindi naman? Ikaw lang ‘tong nag assume na girlfriend niya ‘yong singkamas na ‘yon eh.”

“Ishy, anak, baka naman hindi lang ‘yon ang dahilan ng Ate mo. Hindi naman gano’n kababaw ang Ate Ivy mo eh. May ibang dahilan kung bakit inassume niya ‘yon. Tama ba ako, nak?” Tumango naman ako.

“Hinalikan kasi siya nung Mitch sa labi, okay? Harap harapan ko pang nasaksihan kaya sigurado akong girlfriend niya ‘yon.” Sagot ko at bumuntong hininga. Naaalala ko nanaman kasi.

“Ate, walang mangyayari sa nararamdaman mo kung hindi kayo mag-uusap ni Ate Deanna. Sige ka, baka magsisi ka din sa huli.” Kibit balikat na sambit niya at kumain na lang.

Napaisip tuloy ako. May point naman si Ishy. Walang mangyayari kung iiwasan ko lang siya nang iiwasan. Mas mabuti nang makapag-usap kami. Isa pa, ang labo labo ng lahat pero isa lang naman ang sigurado ako eh.

“Anak, walang masama kung aaminin natin sa sarili natin ang nararamdaman natin sa isang tao. Mabait na bata si Deanna. Give her a chance to explain herself. Kung tama man ang hinala mo, ang importante nalinawan ka. Kesa habang buhay kang clueless sa lahat.” Makahulugang sabi ni Mama.

Botong boto talaga sila kay Deanna ano? Sino ba talaga kadugo nila sa amin? Nakakaloka ha.

“Okay, sige. Pakikinggan ko kayo. Basta kapag tama ‘yung hinala ko, wag kayong magrereklamo sa ngawa ko ha?” Natatawa kong sagot.

Niyakap naman ako ni Ishy. “Nandito lang naman kami ni Mama para sa'yo, Ate.”

“Salamat pala sa pag-aalaga mo sa akin kahapon, Ish ha? Bawi ako sa'yo sa susunod.” Sagot ko dito na ikinaubo ni Mama.

Umiwas naman ng tingin si Ishy sa akin at umubo din. Nagpilit din sya ng ngiti sa akin. “W–Walang anuman, Ate.”

“Weird niyo. Sige na papasok na ako. Mag iingat kayong dalawa dito ha?” Hinalikan ko silang pareho sa noo at lumabas na. Sinara ko na ang gate at humarap sa kalsada. Mag gagrab na lang ako ulit.

Bridge To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon