Wahhhh! gusto kong sabihin sayo na! bakit si Paquiao lang ang may free hug at ako wala hahaha lels! please mark your calendar that May 3 is National Hug Day. hahaha...okay lang kahit talo si Paquiao ginawa nya naman yung best nya at may dahilan kung bakit nanalo si Gaywhether este Maywether. . . okay anung pinaglalaban ko?! . . tapos na nga diba?! hahaha
..................................
"Hoy babae! gising na" buset tong lalaking to ah! kung sino ka man lumayas ka dito.
"Hoy aba! gumising kana! tulog mantika to eh -_-" kitang natutulog pa yung tao eh -_-
"Maggagabi na! tulog ka padin! HEAVEN!"
Napabalikwas ako sa sinabi nya..
"Nalintikan na! anung oras na??" tanong ko kay Lane..Tae nga naman! oo -_- bat ang haba kase ng tulog ko,letse patay ako sa amahin ko neto.
"6:22 tulog mantika ka kase!"
"Bat di mo ko ginising malilintikan ako sa tatay ko neto?" Inayos ko na lahat ng gamit ko.
"Anubang ginawa ko? ginising ka nga't lahat lahat kasalanan ko paren! Magpasalamat ka na lang! reklamo ka pa eh" nangatwiran pa! tumingin ako sa labas at madilim na nga.. buset talaga!
"aalis na ko! punasok ka sa Monday ha! bibigwasan kita pagumabsent kapa!"
tas bumaba na ko sa hagdan
"Teka lang! di kaba kakain muna?! Ihahatid na kita! Antayin mo ko!" sabi nya at bumalik sa kwarto..
"Oh heaven! mukhang madali ka ah?" biglang labas ni Mama
"Eh kase Ma gabi na,at tsaka baka masabon ako ng tatay ko alam mo naman yun!"
"Magingat kayo ha! Bumalik ka kapag may problema ka" Ang bait naman ng mama ni Lane .
"Eh Ma puro problema na lang ang dinadala ko sa inyo eh"
"Ano kaba! you're part of the family para ka narin anak ng Daddy mo, always welcome ka sa bahay na to,bukas ang pinto namin sayo" How I wish buhay si Mama
"Thank you very much Ma" Kiniss nya ko sa forehead sabay ng baba ni Lane.
"Anu namang kacornihan na yan huh?" bungad na pagbaba nya
"Che! tara na nga lalo akong ginagabe sayo eh" at lumabas na ng gate.
"Oi bilisan mo Lane!" madaling madali na talaga ako as in.
"Ayan na nga oh! tanaw ko na bahay nyo."sabi nya at mas lalo kung pang binilisan yung lakad ko to the point na matatapilok ako.
"Oh sige na pumasok ka na,baka masigawan ka pa,ingat ka ha!" sabi nya
"para namang mamamatay na ko ah! geh ingat ka ren,text mo na rin ako pag naukauwi na kana! bye!!" sabi ko at pumasok na sa loob, medyo nagtataka nga ko kase ang tahimik, usually pag gantong gabi na ko nakakauwi,nagtatatalak na yung tatay ko,ang weird lang ha!
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo,gusto ko syang tawanan,sino ba namang shunga ang magbabasa ng dyaryo sa gabi??
"Oh ginabi ka pala,san ka nagpunta?" Ang wierd nya talaga,buset naman! Can anyone explain to me what's happening in this country? etchos.
"Ah kela Lane,nakatulog ako kaya ako ginabi"
"Oh Heaven andito ka na pala!" 0.0 nagulat ako,bat andito tong lalaking to! at may payakap yakap pa syang nalalaman -_-
"Bat andito tong lalaking to?!" duro ko kay Ken, tas baling ng tingin sa tatay ko
"Hindi ka ba masaya?? sya uwi na ko" sabi nya at kung anong kaepikan ang ginawa.

BINABASA MO ANG
SEENZONED
Teen FictionSa lahat ng pede nyang gawin. bakit ang seenzoned pa ang napili nya? pede namang.Ano bang pede?! hay! basta, naseenzoned na nya ko sa social accounts ko pati ba naman sa personal?! Syempre masakit yun no?! Umasa ka na, Nagmukha kapang tanga and aw n...