Dedicated: To Envious and Jealous People (English, Pft. Bahala na XD)
Gurave yung mga ganito eh~ XD HAHA! Yung mga taong nagpapainggit o sobrang naiinggit eh hindi naman sa kanila.
Well, Nagb-bible study rin kasi kami sa school. Eto yung sabi nang future pastora namin, "Magkaiba ang Envy at Jealousy, Ang Envy ay pag may gusto ka pero hindi o wala naman sayo na ikinaiinggit mo at ang Jealousy naman ay meron ka na nga maiinggit ka pa at mas gugustuhin mo pa kung ano yung nasa iba."
Ganyan talaga tayo. Naiinggit tayo sa kung ano man ang wala sa atin. Sa sobrang inggit mo, diyan ka na nakakagawa ng masama o kasalanan. Dahil sa inggit, ninanakaw mo. You like things to go your way. Kumbaga, dahil nga sa pagkainggit mo gusto mo lahat nakukuha mo.
Pag merong magandang bagay ang isa, gusto mo na rin. Pag meron siyang wala ka, gusto mo meron ka na rin. It's not good to be jealous or envious. Kasi diyan rin nagsisimula ang kasalanan.
Ganito talaga ang buhay, hindi lahat nakukuha mo. Hindi lahat sayo maibibigay. Don't act like a spoiled child. Kung gadgets o mamahaling bagay pa ang gusto mo, paano pa kaya ang salita ng Diyos? Ang salita ng Diyos laging nandyan. Nandyan yan para turuan ka ng magandang bagay, hindi yung turuan kang maging spoiled o gusto lahat nakukuha.
Makuntento ka sa kung ano man ang meron ka. Bakit nung unang panahon ba, ang Diyos may gadget? Ang Diyos ba natutong mainggit? Nang-inggit ba siya? Hindi. Kasi ang salita ng Diyos ang meron siya, yun lang kuntento na siya, ikaw pa kaya tong may Ipad na nga, may cellphone na nga, marami pang gusto dahil sa meron lang siyang nakitang mas maganda na meron ang kaibigan niya at wala siya. Imbes, mainggit ka o makipaginggitan, magbasa ng salita ng Diyos, hindi yung kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo, na gusto mo to, gusto yan. Don't be selfish.
Ang Diyos naman ang gustuhin mo, hindi yang bagay mundo (Worldly things, I call it like that). Kaya wag kang mainggit, wala lang rin yang maidudulot na maganda sayo.
Baka dumating pa sa panahon na, imbes na ikainggit mo sila sa mga gadgets o kung ano pa yan, mainggit ka dahil nandyan ang Diyos para sa kanila.
Kaya itatak mo ang salita ng Diyos sa utak, puso at iapply sa buhay mo. For God is always there.
If we live by the Spirit, let us also keep in step with the Spirit. Let us not become conceited, provoking one another, envying one another.
- Galatians 5:25-26
Have a blessed and wonderful day~ ^^
BINABASA MO ANG
Seek God and Save The Lost
Non-FictionSeek God and Save the Lost. What comes to mind when you hear that? It sounds mysterious for me though. I'm sure na marami rin o baka medyo....Makakarelate dito. Probably?? Yeah. ^^