Dedicated: Sa mga taong sinasaktan ang sarili nila.
*sighs* Marami akong masasabi dito. Naranasan ko narin to eh. I'm sure hindi lang ako, marami pa. Pero syempre nagsisi rin ako. Hindi magandang sinasaktan mo ang sarili mo. Kahit gaano pa man kasakit yang nararamdaman mo, hurting yourself won't change anything, hurting yourself won't make the pain go away. Madadagdagan lang yung sakit. It won't ease the pain.
I know life isn't easy. Alam kong bawat tao ay may nararanasan ring hindi maganda. Mga sitwasyong takot kang mangyari, o maulit.
Mga pangyayari na mahirap iwasan o iovercome. Lahat tayo may kahinaan rin. Pero cutting yourself isn't the answer.
You don't have the right to say na 'buhay ko to!' or 'akin tong katawan ko! Wala ka ng pakiealam!' o kung ano ano pang rason. I don't care kung magalit ka dahil sa sinasabi ko. It's true. Who gave you that body? God did. Who gave you life? God did. Nahiya naman ang Diyos pag sinabi mong nabuhay ka nalang bigla.
Meron rin akong kaibigan na naglaslas dahil sa mga pinagsasabi ng mom niya sa kanya. Kwento niya na sabi ng mom niya na 'Kung meron akong pagkakataon na pumili ng anak, hindi ikaw ang pipiliin ko' Ouch diba? Pero hindi yun galing mula sa puso, sa bibig lang yan. God knows what's really in our hearts, He knows everything. Kahit magtago ka pa sa ilalim ng kama mo, kitang kita ka parin ng Diyos. =_= XD God gave you that body, alangan na mang soul lang tayo diba? Aba matinde, ano yan? Pag gutom ka sasabihin mo, 'Gutom na soul ko' 'pagod na soul ko' Galing ah?
Hindi mo ba alam? Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Pati narin ang Diyos :'( Pag umiiyak ka, umiiyak rin ang Diyos. Iisa tayo sa Diyos, anak niya tayo. Wag mong saktan ang sarili mo. Humingi ka ng tulong sa kanya, at ibibigay niya sayo yun. He'll comfort you. He'll hug you. He'll wipe your tears away so you won't have to cry, ever.
Kaya wag mo ng saktan ang sarili, people may say na ginagawa mo yan dahil you're being weak. But I don't think so, dumating lang sa punto na dahil sa tiniis mo lahat, may oras ring nagbreak down ka. Ilabas mo lang yan, ikabubuti mo na rin yan eh. Don't try to keep it for yourself. Nandyan ang Diyos eh~ Maasahan mo ang Diyos.
The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.
- Psalm 34:18
BINABASA MO ANG
Seek God and Save The Lost
No FicciónSeek God and Save the Lost. What comes to mind when you hear that? It sounds mysterious for me though. I'm sure na marami rin o baka medyo....Makakarelate dito. Probably?? Yeah. ^^