Dedicated: Sa mga taong may kapatid/kahit wala XD
ASDFGHJKL!!!! OHMYGULAY. XD *ahem* Eto na. Syempre sa magkakapatid, hindi mo talaga maiiwasang hindi magaway. Laging may bangayan, sagutan, agawan. Ikaw? bunso ka ba? panganay? gitna? only child?
Masarap magkaroon ng kapatid diba? Kahit wala okay lang. Sabihin man ng iba na hindi kayo magkakapatid, sa paningin ng Diyos, lahat tayo magkakapatid at tayo ang mga anak niya.
Paminsan, nakakalungkot pag wala ka ring kapatid kasi wala kang kalaro o kausap. Paminsan naman, kapag may kapatid ka, naiinis ka kasi lagi kayong nagaaway. Diba?
Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso, kami nung gitna, lagi kaming nagaaway, nagbabangayan, pero paminsan kami ang magkakampi. Yung panganay namin nasa pinas, kami kasi nasa ibang bansa kasi dun nagtratrabaho ang mga magulang namin, eh si panganay nasa pinas. Dun na siya lumaki at may pamilya na siya.
Nung umuwi na si kuya gitna sa pinas, ako nalang ang natira. Tuwing bumibisita kami sa pinas, di na kami ganun kaclose. (kahit di naman talaga kami close) Dati naiingit nga ako eh, pag nagsend ako ng FR sa FB di niya iaaccept, pero sa mga kaibigan ko iaaccept niya. XD Pft. Pero nagkakatuwaan parin naman kami.
Kami naman ng panganay, hindi ganun naguusap. XD TBH, akala ko wala na kami nung parang sa wattpad, yung hindi mo pala kapatid to o hindi mo pala kapatid to sa nanay mo.
Ikakasal na kasi ang kuya panganay ko, ipinapaayos na yung marriage chuchu nila. Eh may napansin ako. Kung sino yung nanay ni kuya panganay, nagulat ako kasi hindi nakasulat dun yung nanay namin ngayon. Iba ang nakasulat. So nagtaka ako, sabi ko "Ma, sino to? Bakit di pangalan mo ang nakasulat?"Tumawa naman siya, napaisip ako, 'Baka hindi talaga niya pangalan yung ngayon..'XD Itatanong ko sana kaso naunahan niya na ako, "Bago pa kami ni daddy, meron siyang iba. Di pa kami nagkikita nun. Pero sinabi niya naman sa akin na may anak siya. Kayo lang ni kuya gitna ang anak ko. Pero kahit di ko siya anak, tinanggap at minahal ko siya bilang anak ko. Kung anong meron kayo, meron rin siya." "So, stepbrother namin siya?"Tumango naman siya. Alam ni kuya gitna, dati pa daw.
I was like, BAKIT AKO LANG HINDI?! XD Pero medyo kamukha niya kasi si mama kaya di ko pinansin. Nung lumabas si papa galing shower sinabi sa kanya ni mama yung tungkol sa mama ni kuya panganay.
"Dati yun, nung wala pa ako kay Lord." "Anong itsura niya? Anong itsura nung nanay ni Kuya panganay?" "Ayan, kamukha niya."Dati pang namatay yung nanay ni kuya panganay. Gusto ko ngang makita kung anong itsura niya eh. As in yung mismong siya talaga.
Kahit hindi kami magkapatid sa parehas na nanay, kapatid pa rin namin siya. Kaya, kahit lagi kayong nagaaway, o kahit hindi kayo nagpapansinan, mahalin parin natin ang mga kapatid natin. Anak tayo ng Diyos, at ang sabi niya ay magmahalan tayo. Natawa nga ako at napaisip,'Magugulat at matatawa nalang ako pag iba rin ang nanay ko.'
Magpatuloy tayong magmahalan at patuloy na sumunod sa Diyos. Kahit wala kang kapatid okay lang, kasi kahit kaibigan mo, kapatid mo narin. Wag kang malungkot. Kung naghahanap ka ng kausap, nandyan ang Diyos. Kung kailangan mo ng kaibigan, nandyan ang Diyos. Kung nasasaktan ka, nandyan ang Diyos. Kailangan mo lang lumapit sa Diyos. Tsaka, ano naman kung hindi kayo magkadugo? Hindi ba't mas importante pa ang relasyon niyo sa isa't-isa kesa sa dugo ninyo?
So we, though many, are one body in Christ, and individually members one of another.
- Romans 12:5
Good Morning. Kakagising ko lang. Ahe. God Bless You~ <3
BINABASA MO ANG
Seek God and Save The Lost
Non-FictionSeek God and Save the Lost. What comes to mind when you hear that? It sounds mysterious for me though. I'm sure na marami rin o baka medyo....Makakarelate dito. Probably?? Yeah. ^^