Chapter 24

745 25 0
                                    

It's been 5 days since Sancho texted me, and since then, we exchange messages. Nagtatanong lang siya kung kumain na kami ng anak ko at kung ano-ano pa. Pinapadalhan niya rin kami ng anak ko ng bulaklak araw-araw. Sabi niya rin na hintayin namin siya. Hala siya, 6 years na kaming naghihintay ng anak ko.

Nandito ako sa isa sa Flower shop namin, sa Magtaod, this is just next to La Esperanza kaya hindi malayo sa bahay namin. Naiwan sa bahay si Elaine kasama ang mga kapatid ko.

I was just arranging flowers and I don't find it boring for I grow up loving flowers, especially sunflowers.

May kasama rin naman ako, si Isadora ta's natutuwa ako sa kan'ya. Same age, same vibes, same situation kasi kami. She's pretty. She has a typical beauty of a Filipina, morena siya. She's a mother and the same with me, she is a single mom. I don't know about her story though. Ayaw ko rin namang magtanong baka sabihin niya sobrang Feeling close ko.

“Athens, alam mo ba?” dadaldal na naman 'to.

“Hindi, Isadora,” I retorted. Eh, hindi ko naman talaga alam. Binato niya ako ng hawak niyang bulaklak kaya tinawanan ko siya.

“Seryoso kasi,” sabi niya at sumimangot.

“Sorry,” sabi ko habang pinilit ang sariling maging seryoso.

“20 ako no'n at nag-aaral pa. Marami akong kaibigan kaya party doon, gala dito. One time, birthday ng kaibigan ko at nalasing ako at doon nabuo ang anak ko, sa isang one night stand. Nang malaman ng pamilya ko na buntis ako, pinalayas nila ako...” tumawa siya ng mapakla.

“Wala akong malipatan sa mga kaibigan ko dahil nahihiya ako. At ngayon, naghahanap na ang anak kung saan ang Papa niya pero wala akong masagot kasi ayaw kong masaktan siya. Kilala ko kung sino ang Papa niya pero ayaw kong lapitan baka kasi hindi siya maniniwala.” She smiled sadly habang nag a-arrange pa rin siya ng bulaklak.

It's been 7 years since she work here, habang ako ay mahigit isang taon pa lang. And within those days, ngayon lang nag open up sa'kin.

“You should tell him, hindi mo naman malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi mo susubukan. And if he doesn't believe you, I'm here. Tutulungan kitang ipabarang siya,” I said trying to cheer her up.

“Salamat, Athens. Susubukan kong sabihan siya at kung ayaw niyang maniwala, aasahan ko ang pagbarang mo sa kaniya,” she said trying to lift her mood.

“Dadalhin ko bukas ang anak ko dito kung ayos lang,” pagpaalam niya pa.

“Walang anuman, Isadora! Sige, I would love to meet your son! Dadalhin ko rin si Elaine bukas!” I excitedly said at tumawa siya.

Dumating ang hapon at sinarado na namin ni Isadora ang Flower Shop.

“Hatid ka na namin sa inyo, Isa?” I offer her. Sinundo kasi ako ni Kuya Zeus. Well, siya talaga ang taga kuha ko at ewan ko kung ba't hindi siya lumalabas ng kotse pag sinusundo niya ako.

“'Wag na, Athens. Malapit lang rin naman ang tinitirhan namin ng anak ko,” sabi niya.

“I insist, Isadora,” I said trying to convince her.

“'Wag na nga, Athens. May dadaanan din ako,” she said declining my offer.

“Sige nalang. See you tomorrow, Isadora!” pagpapaalam ko sa kan'ya and she only wave at me.

Sumakay na ako sa sasakyan. I smiled at Zeus as I kissed his cheeks.

“Si Elaine?” I asked him.

“Sa bahay.” He shortly answered. Parang may malalim siyang iniisip kaya hindi nalang ako nagtanong.

Nang makarating kami sa bahay, hinanap ko agad ang anak ko. Hindi ko naman matanong si Zeus kasi umalis siya agad pagka baba ko, hindi man lang nagpaalam. Tsk! Problema no'n?

Walang tao sa sala kaya pumunta ako sa kwarto namin pero wala. I goes to the kitchen pero sila Ate lang nando'n.

“Ate Fatima, nakita niyo po si Elaine?” tanong ko sa isa katulong namin.

“Nasa likod po sila, ma'am.” She answered.

“Salamat, Ate.” She nodded and smiled.

Umalis na ako para puntahan ang anak ko. I found her in the backyard with his ninong Yve... and Sancho. Nandoon sila sa lamesa, kumakain ng meryenda. Hindi naman nasabi ni Zeus na nandito sila! I tried to focus my attention on my daughter.

“Mommy!” she shouted in glee when she saw me. Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan ang kanyang noo.

“Hi, baby!” I greeted her and I look Yve never minding Sancho's stare.

“Kanina pa kayo?” I asked Yve.

“Ah, hindi naman, Goddess Athens,” he replied at tumango ako.

“Goddess Hera, do you want to watch a movie?” Yve asked my daughter.

“Yes po, Ninong!” Ellis excitedly responded. Tumayo na sila at nagba-bye sa'kin si Ellis and I wave at her too.

Umupo ako sa isa sa upuan. Magkaharap kami ngayon ni Sancho. He was looking at me with tired dark eyes.

Himinga siya ng malalim bago magsalita. “How are you?” he asked.

“I'm fine...” I answered and smiled.

“I don't know where to start. Ah... I still love you, County. I never stopped loving you. Please give me another chance, babawi ako, County. Babawi ako sa inyong dalawa ng anak natin,” he nervously confessed. His dark eyes are pleading for a second chance.

“Bakit ngayon lang, Sancho? It's been 6 years, why now when I'm already healed?” I honestly responded. I saw how his dark eyes showed that he is in pain. But I can't do anything about it, I'm already healed.

Hera Elaine healed me. She fixed the broken pieces that her father formulated. She's the reason that I never wished my past undone.

Faultlessly Captivated  [Completed]Where stories live. Discover now