Jannah's P.O.V:
Ok. Kaya mo 'to Jannah. In 3. 2. 1.
"Sige ate. Sasabihin ko na sa'yo."
"Hmmmmmm. Ang dahilan ng pagkawala ko ng 1 week ay ang pagpunta ko sa America. Well, kasama ko sina mom at dad na pumunta sa Amerika. Hindi para mag-bakasyon o mag-bonding. Kundi, para magkaroon ako ng surgery. Nalaman kasi namin na may cancer ako. At nagpapasalamat ako kay God dahil 1st stage pa lang yung sa akin. Kaya sinamahan na ako agad nila mom at dad sa Amerika. At thankful naman ako dahil, success naman yung surgery Ate. Hindi naman kasi kumalat agad ng mabilis yung cancer kaya wala ng mga pagkain or anumang pwedeng ipagbawal sa akin." -mahaba kong kwento kay Ate.
Actually, inaasahan ko naman na magulat si ate sa mga sinabi ko. Kaya ayun si Ate. Gulat-na-gulat.
"Woah. May ganung nangyari? So, ok ka lang ba?"
"Ok naman ako Ate."
"Alam ba 'to ng MP3?"
"Um... Hindi ate eh. Na-guiguilty nga ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila yung nangyari sa akin. Ayaw ko silang mag-alala."
"Hayst. Actually, nag-tatanong na talaga sila sa akin eh. Kung ano ba talgang nagyari sa'yo. At alam kong tatanungin ulit nila ako kung may balita na ba sa'yo."
"Hayst. Huwag mo na lang ipaalam sa kanila ate."
"Ok. Sabi mo."
Bigla naman naisip ko na bakit di pa rin nila ako kinakamusta? Bakit hindi nila ako ti-ne-text diba? Dapat tinawagan na nila ako kung bakit ako nawala for a week, right? Kahit di nila alam kung ano nga bang nangyari sa akin, dapat, kinamusta pa rin nila ako. Dapat, inalam pa rin nila. Pero, ba't wala akong natatanggap na pag-aalala?
"Oh. Ba't napatahimik ka naman ata bigla?" -tanong ni Ate Mikaela.
Baka, pwede kong tanungin sa kanya?
"Ate, napaisip kasi ako. Ba't hindi ako tinatawagan o ti-ne-text ng MP3? Ba't hindi nila ako kinakamusta?"
"Well, kinuha kasi muna ang mga Phones nila pansamantala. Kailangan kasi nilang mag-focus sa praktis ngayon. Well, mag-peperform ang MP3 sa isang school. May programme kasi yung school na 'yun."
O.O?! Oh? Ba't kailangan ng kuning yung mga Phones nila? Di naman yun nagiging sagabal ah?!
"Huh? Ba't naman kinuha yung mga phones nila Ate. Sinong kumuha? Wala sa Rules ko ang ganun ah."
"Well, Oo. Wala yun sa rules mo. Pero... wala, eh, kinuha muna ni Mrs. Princi. (Principal). Super importante kasi yung performance ng group nyo. At 2 performances ang dapat nyong ihanda."
Woah! 2 performance ?! Naku! Kailangan nga mag-focus ang MP3! Pero, alam kong umayaw rin ang grupo sa decision ni Mrs. Princi. Hay. Wala naman silang magagawa.
Psh. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Muntik na akong mag-tampo sa kanila ah. Buti naman na-laman ko kaagad.
Pero, wait lang. May kailangan pa akong itanong kay Ate.
"Salamat sa balita ate. Pero, alam ba nila na nandito na ako?"
"Hmmm. I'm not sure. Pero, ang pag-kakaalam ko, Hindi pa nila alam na bumalik ka na sa school."
"Ahhhh. Pero, di ko sila napansin sa classroom kahapon. Absent ba sila?"
"Ah. Hindi sila absent. Naka-excuse na sila for 3 weeks."
"Woah. Ang haba naman."
"Yeah. Ganun talaga. Pero, matatalino at masisipag naman ang MP3. Kaya nila yun."
"Ahh. Nga pala ate. Kailan yung performance?"
"1st week of July daw eh. Kailan ka nga pala babalik sa MP3?"
"Next week na ate."
"Waaaaaaah! Yey! Magkakasama na rin kayo!!! Mabubuo na rin kayo!!! Yes!" -excited na sabi niya.
"Haha! Yes Ate. Mabubuo na rin kami."
Third Person's P.O.V:
Sa hindi inaasahan, may naka-rinig sa usapan nila Jannah at Mikaela.
Dahil sa di malamang dahilan, nasabi na lang nya sa kanyang sarili na...
"Hinding-hindi kayo mabubuo. MP3. *Evil smirk*"
***
Boooooom! Gulat kayo no? Nag-update ka-agad ako?! :) Hahaha!
Naku! May UMEPAL na sa kwentong ito! Sino kaya siya? Hmmmmm, Babae kaya siya o lalaki? Well, ABANGAN nyo na lang!
Comment || Vote ||Be a fan ||Enjoy! ♡♡♡

YOU ARE READING
Sapatos (SLOW UPDATE)
FanficNang dahil sa isang pares ng sapatos, madaming masasaktan, malulungkot, magaaway, magugulat, maiinspire, sasaya at magmamahal. --- Cover by: @lolatheloser_ :)