--Bago ang lahat, humihingi na ako ng paumanhin sa mga typos ko^^ Hehe. Mianhae :D
***
Jannah's P.O.V:
"Huh? Anong mabubuo?"
Nagulat kami ni Ate Mikaela sa nag-salita mula sa likod ng puno na malapit sa aming kinauupuan.
Kaya't napatingin kami sa nag-salita at laking gulat namin ng makita si NERDY na may kausap sa telepono.
--NERDY -slash- Ang Campus Princess ng aming Paaralan.
Haha! Astig no? Nerdy? Tapos, Campus Princess? Saan ka pa?
-- NERDY. She always use nerdy glasses in our school. Mahaba ang kanyang buhok, mahaba ang mga pilik-mata, pinkish ang kanyang mga labi, maganda ang figure ng kanyang katawan, at mala-koreanang mukha. She has a pretty face and has a good character. Hindi siya katulad ng mga Nerds na pinag-chi-chismisan na panget, at kung ano-ano pa. Hindi rin siya katulad ng mga 'BITCH' naming classmates na nang-aaway at palaging gumagawa ng eksena saan man sila mapadpad sa school.
Siya ay naging Campus Princess dahil palagi siyang nanalo sa mga beauty contest dito sa school. Hindi siya actually nerd, dahil sa pangalan niya.
Oo. Nerdy ang pangalan niya. Nerdy Sofia Sentosa.
Siya ay isang mabait na estudyante. Isang valedictorian at nirerespeto ng lahat.
Wala pa siyang naging boyfriend, ngunit madami siyang manliligaw.
May hinihintay daw ata.
"Tss. Ba't siya nandito?"
Nabalik ako sa katinuan ng sinabi ni Ate Mikaela ang mga salitang iyon.
Huh? Ba't siya nandito? Anong klaseng tanong naman yan Ate?
Nagtaka na ako kaagad sa inasal ni Ate Mikaela.
Ate Mikaela? Ba't ka ganyan sa Bestfriend mo?
Oo. Mag-bestfriend sila. Mas matanda lang si ate Mikaela ng isang taon.
Nang napaharap na si Nerdy sa amin (dahil naka-tagilid lang siya kanina at hindi niya pa kami nakikita), bigla na lamang siyang nagulat ng makita na ako at si ate Mikaela.
"Hi Jannah!" - sabi niya at inilagay ang phone sa bag niya. Tas, ayun, umalis na kaagad.
Huh? Ano bang problema nila? Bakit hindi binati ni Nerdy si Ate Mikaela? May problema ba sila? May nangyari ba nung nawala ako ng 1 week?
Hasyt. Imposible na mag-away sila at ganun ang trato nila sa isa't-isa...
This is my first time to see Nerdy act like that.
Hindi niya inirapan si Ate Mikaela. Pero, hindi niya pinansin si Ate.
That's WEIRD. Nakakapanibago yung ginawa nya. Ah, hindi. Ang pag-trato nila sa isa't - isa.
Kung hindi binati ni Nerdy si Ate, hindi ba dapat, si Ate Mikaela ang bumati kay Nerdy? Hindi ba?
Bacause now, I'm super duper already confused, napatingin ako kay Ate Mikaela.
Laking gulat ko nang makita si Ate na nakakunot ang noo at sinundan ng kanyang mga mata ang dinaanan kanina Nerdy.
Parang galit siyang nakatingin sa mga 'yun. Pero hindi eh, parang naiinis? Naguguluhan? Naaawa? Nasasaktan?
Arggh. What's going on?! >,<
"Aish! Jannah, Baka narinig nya."
Huh? Anong narinig nya?
May tenga naman talaga si Nerdy kaya talagang may nariring sya. Hin--
Di ko na naituloy ang aking iniisip dahil bigla na lang nag-salita si Ate at seryosong tumingin sa akin.
"Baka naring lahat ni Nerdy ang na pag-usapan natin."
Eh? Anong problema dun? Hindi naman chismosa si Nerdy eh. Kung narinig nya man ang lahat, (yung tungkol sa sakit ko), I know she'll keep it as a secret. Alam kong mapag-kakatiwalaan siya. Walang dahilan na ikalat nya 'yun at gumawa ng issue.
"Huh? Ate, hindi naman problema kung narinig niya, hindi ba?"
Laking gulat ko na lang na umiling si Ate at...
"Hindi Jannah. Malaking problema 'yun."
Whaaaaaaat?!
Napatulala na lang ako sa sinabi niya.
Ba't ganyan ka mag-salita tungkol sa Bestfriend mo, Ate Mikaela? Bakit?
Third Person's P.O.V
Laking tuwa ng dalaga ang nagyari kinila Mikaela at Nerdy kanina.
Bigla niya na lamang naibulong sa kanyang sarili na...
"Good move, Nerdy. Good move." *evil smirk*
***
Tadaaaaaaaa! Eto na ang update. :) Sorry, medyo natagalan ng konti :'(
Comment || Vote ||Be a fan ||Enjoy! ♡♡♡

YOU ARE READING
Sapatos (SLOW UPDATE)
FanfictionNang dahil sa isang pares ng sapatos, madaming masasaktan, malulungkot, magaaway, magugulat, maiinspire, sasaya at magmamahal. --- Cover by: @lolatheloser_ :)