Nerdy's P.O.V:
4 days na yung nakalipas pero wala pa ring explanation si Bryan.
Psh. Nakakinis. -.- Mukha atang napaasa na naman ako nung taong yun.
Ganto kasi yan. Nung lunes, nagtext siya na magkita kami sa hallway. Pero hindi siya dumating on time kaya pumunta na ako sa class ko. Ayokong malate kaya di ko na siya nahintay pa. Tinext ko naman siya pero hindi na rin nakapagreply. Tinawagan ko rin ng ilang beses, di rin sumasagot.
Sakto namang nakita ko si Ark.
"Uy. Ark! Anong nangyari kay Bryan nung lunes?"
"Ohh. Hi, Nerdy. Lunes? Wala na akong maalala. Haha. Bakit?"
"Kasi, hindi siya sumulpot sa hallway nun. Nagtext siya na magkikita kami pero, ni anino niya, di ko nakita."
"Ahh. Ganun ba? Nakapag-explain na ba?"
"Nope."
"Ahh. Tanungin mo na lang siya bukas. Maagang umuwi yun ehh."
At tumango na lamang ako.
Bigla na lamang akong nakatanggap ng text kaya naman agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ito.
From: Ate Cleng
Nerdy, punta ka dito sa JE coffee shop. I need to talk to you, pls :(Hay.
"Ohh, bakit? Sino yung nag-text?"
"Hmmm. Wala." Sabi ko ata agad ko ng ibinalik sa bag yung phone ko.
Bigla naman siyang nag-isip kung sinong maaaring nag-text sa akin.
"Yung ate mo?"
Nagulat naman ako nung sinabi yun ni Ark.
"A-ahh. Oo ehh. Kilala mo nga talaga ako no?"
"Haha. Yup. Naging mag-seatmates tayo nila Bry last year diba?"
"Haha. Oo nga ehh." Sabi ko at ngumiti naman siya.
"Sige. I'll have to go. Bye." Tumango naman siya bilang tugon.
Habang naka-sakay ako sa taxi, inalala ko ang mga nangyari noon.
Tama si Ark. Siya, ako at si Bryan ay magkakatabi sa section 3A last year. Talagang nakilala na namin ang isa't-isa. Mabilis na magkaintindihan kaya sobrang close talaga. Gets na rin namin kung may problema ang isa sa amin. I'm so grateful to have those two. Sila ang supporters ko noong nagsisimula pa lamang akong sumali sa mga contest dito sa school.
Nang nakarating ako sa JE coffee shop, nadatnan ko na naman si ateng umiiyak habang nakatuon ang atensyon sa cellphone.
Aish. Nag-baback read na naman. Tsk. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka move-on?
Bryan's P.O.V
Kakauwi ko lang galing sa school. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit na ako ng pambahay.

YOU ARE READING
Sapatos (SLOW UPDATE)
FanfictionNang dahil sa isang pares ng sapatos, madaming masasaktan, malulungkot, magaaway, magugulat, maiinspire, sasaya at magmamahal. --- Cover by: @lolatheloser_ :)