Chapter 1: My 1st day?! { Part 1 }

397 55 105
                                    

Jannah Mendoza's P.O.V:

"Ma alis na po ako." Paalam ko. Well, this is my first day. Nga lang 2nd week na ng classes ngayon.

"Hindi ka na ba kakain ng lunch anak?" Tanong naman ni mama.

"Hindi na lang po ma, sa school na lang po ako kakain."

"Sigurado ka ba? Ok ka lang?"

Sobrang nag-aalala talaga si mama.

"Opo ma. Ok lang po ako."

"Oh sige. Magpahatid ka na lang kay mang Bert anak."

"Sige po." at kiniss ko si mama sa pisngi at yinakap.

"Ingat ka anak ah." Bilin niya sa akin.

"Opo."

Kaya naman naglakad na ako palabas ng bahay at nakita ko na si Manong Bert...

"Manong Bert, alis na po tayo." Sabi ko.

"Oh sige. Hintayin lang natin ate mo."

"Oh sige po."

"Pasok na lang po kayo sa kotse ma'am Jannah. Naka-aircon na yan." Pahabol na sabi ni Manong.

"Sige po." Kaya naman pumunta na ako sa loob ng kotse at kinandong ko ang bag ko.

Binuksan ko naman ang phone ko at dali-dali kong in-on at tinignan ito para tignan kung may messanges unread/ missed calls...

Pero pagtingin ko sa phone ko...

O_O

Strange. Bakit wala man lang silang text sa akin? Bakit walang missed calls?

Hindi kaya sila nag-alala sa akin? Kahit ang BFF kong sina Anne at si April hindi man lang ako kinamusta? Anong nangyari sa kanila?  Nakalimutan na ba nila ako? Bakit kaya ganon sila? Baka malimutan rin nila yung b-day ko. Malapit na kaya.

Kaya naman dahil dun sa naisip ko, napa "Sigh" ako.

Nang biglang may kumakatok sa bintana ng kotse.

Tinignan ko naman kung sino yun at nakita kong si ate lang pala yun pero parang pawis na pawis ata si ate Almay?

Habang tinitignan ko si Ate na kumakatok pa rin sa bintana, nagtataka pa rin ako kung bakit patuloy pa rin siya sa pagkatok, bukas naman ang pinto ng kot---.

Di ko na naituloy ang pagtataka ko dahil nung tinuro ni ate na nakalock, dali-dali ko ng binuksan at pumunta na sa left side ng kotse. (dahil kanina nasa gitna ako.)

"Oh, Ate bakit ka pawis na pawis? Ok ka lang ba?" Nag-aalalang sabi ko kay ate habang hinihingal siya.

Isinenyas naman sa akin ni ate ang kamay niya na "mamaya" na lang daw niya sagutin yung tanong ko.

Kaya naman naghintay ako ng sagot niya.

Nang nakahinga na siya ng maayos, binuksan niya na ang bintana ng kotse at nakita kong nag-uusap sina mama at manong Bert.

"Manong Bert, alis na po tayo." nagmamadaling sabi ni ate kay manong.

Kaya naman napalingon si manong kay ate Almay at nagsenyas na "Opo Maam."

Kaya naman bumalik ulit kay mama ang paningin ni Manong at sinabi niyang: "Oh sige na po ma'am mukhang nagmamadali na po si ma'am Almay eh."

"Sige manong." Sabi naman ni mama at nag-paalam na rin kami ni Ate.

Nang ma-isara na ni Ate ang bintana, sakto naman na binuksan na ni Manong ang gate at dali-dali ng pumunta sa driver's seat at nag-maneho na papuntang school.

Habang nasa kotse:

"Ano na Ate? Sagutin mo na yung tinatanong ko."

"Ah, yun ba? Pinagpawisan na kasi ako sa kamamadali at idadag mo pa ang ulan kanina! Galing kasi ako sa probinsya at nag-bus na lang ako ng hindi aircon kasi mas mabilis daw yun kaysa sa aircon busses. Syempre naka bukas yung mga bintana at dun pa nagkaroon ng malakas na ulan! Hindi pa naman maisara yung nasa side ko na bintana.Tapos, nagkaroon naman ng traffic! Mahuhuli na kasi ako ngayon Jannah, dapat nakahabol ako sa morning class ko, pero di ko namalayan na 12:00 na pala. Sigurado akong mapapagalitan ako ni Ms. Shebalung." Sagot ni ate.

Ohh? What gave of name is that? Haha! XD Anyway, kumalma ka nga ate.

"Ate huwag ka na lang kabahan. Sabihin mo na lang kung ano yung dahilan kung bakit ka nalate."

"Sige. Gagawin ko yan Janmah but..."

Napatigil si Ate at matagal siyang nag-isip kung anong pang sasabihin niya.

"Are you okay now? kaya mo na bang pumasok sa School?" Nag-aalalang sabi ni Ate.

"Kaya ko naman Ate eh... at okay na ako."

"Ma'am Jannah, nandito na po tayo sa school nyo." Biglang sabi ni manong Bert.

"Gusto mo bang samahan pa kita? Sa kabilang side lang naman ang building ko." Sabi ni Ate.

"No need na ate. Ok lang talaga ako."

"Oh sige na, Jannah.. Basta ingat ka ah..." bilin ni Ate.

"Yes, Ate. Masusunod po." at bumaba na nga ako ng kotse at nagwave kay Ate.

Alam niyo ba, napakabait ni Ate. 4th year Highschool lang siya, pero napakamatured na. Actually, she's not my true ate. Anak siya sa unang asawa ni daddy. Pero, namatay siya because of an accident. Ngunit, hindi alam ni ate na ampon siya. Kinailangan naming itago sa kanya dahil alam naming magiging mahirap ang sitwasyon niya. Tinanggap at minahal namim siya ng totoo. Tsaka, madami na rin siyang napagdaanan sa buhay. Nabully siya, niloko, prinank, at nathreaten na rin siya. Lahat yun, kagagawan ng mga best friends niya. Kung sasabihin pa namin ang katotohanan, baka hindi niya matanggap at masaktan pang muli siya...

---

Pumunta na ako sa loob ng school at dumiretso na sa Canteen para kumain ng pananghalian.

Habang naglalakad ako sa canteen, tinignan ko ang phone ko.

Wala pa namang bell. 1:00 pa lang at 2:00 pa naman ang klase ko... kaya may time pa akong kumain.

Nang papalapit na ako sa canteen...

May biglang...

***

Hello sa inyong lahat!:)

Ok po ba yung chapter 1? Sana po huwag kayong mag-expect na ganon po ka-ganda yung story. Newbie pa lang po kasi ako sa paggawa ng isang kwento.

So, abangan nyo ang aking Chapter 2! Salamat po sa pag-babasa!

ABOUT THE STORY:

Bakit kaya nila tinatanong si Jannah kung ok lang ba siya?

May nangyari ba kay Jannah na di alam ng kanyang mga bestfriends?

Makakalimutan kaya nila ang b-day ni Jannah?

At ano kayang nangyari kay Jannah habang siya ay papunta sa kanilang canteen?

***

Credits to : @erasingboundaries for my 1st ever book cover for my Sapatos :D

Comment || Vote ||Be a fan ||Enjoy! ♡♡♡

Sapatos (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now