Bryan's P.O.V:
"Jake, nasan si Ark?" sabi ko sa kaklase ko habang palinga-linga pa sa classroom.
"Nasa labas ata. Nagpapahangin daw." Sabi niya kaya agad naman akong lumabas.
Hindi porket tapos niya na yung pinadrawing ni Ma'am Elena, lalabas na lang kaagad. Ako nga kanina ko pa tapos at nanatili lang ako sa room. Tsaka, wala rin kasi si Ma'am dahil nag-meeting daw sila sa 4B section kasama yung mga seniors.
"Ark! Ano bang ginagawa mo dyan, huh?" Sabi ko kay Ark na sumisilip sa Dance room na nasa side ng building.
"Bryan, nakakabilib lang talaga ehh. Ang galing pala talagang sumayaw nung chicks mo!"
Binatukan ko sya agad.
Aaminin kong magaling talaga si Jannah. Paano naman siya magiging leader kung hindi siya magaling, diba?
"Psh. Haha. Ano ba dre?" Reklamo niya.
"Hindi ko nga chics yun. Saka hindi nga ako chickboy diba? Ang kulit naman ehh."
"Haha. Sensya na. Ang totoo, tingtignan ko lamang si Anne. Tahimik pa rin sa akin ehh. Naiilang pa rin." Sabi niya na tutok pa rin sa panonood.
Hindi ko na siya sinagot kaya naman nanood na lang rin ako.
Ang nakakapagtaka lang, masyadong interesado si Ark kay Anne.
Sina Anne at April ay magkapatid. Talagang dancers yang mga yan since elem. pa. Kaklase ko rin kasi sila noon.
"Nga pala, nagtanong nga pala si Nerdy sa akin nung friday. Hindi mo daw siya sinipot nung lunes at hindi ka pa nakapag-explain." Sabi niya.
"Nagkausap na kami nung friday. After, nung sa starbucks, pumunta ako sa bahay nila."
"Ohhhh." sabi niya at ngumisi siya.
"Haha. Bakit?"
"Wala lang. Kaya pala, ngiting-ngiti ka." Nanunuksong sabi niya.
Hmmm. Tama siya. Good mood talaga ako dahil ok lang sa kanya lahat. Saka, sasabihin ko rin mamaya sa kanya yung dapat kong sabihin.
"Nga pala, sasabay ka kinila Eithan, mamaya?" Tanong niya.
"Hindi. Maguusap kami ni Nerdy ehh."
"Ahh. Ok. Hindi rin kasi ako makakasabay ehh."
Tumango na lang ako bilang sagot.
Habang nanonood kami...
"Bryan, tawagin mo na si Ark. Punta na daw lahat sa room." sabi ni Jake kaya hinanap ng mga mata ko si Ark.
Nagulat na lang ako ng hindi ko na siya nakita.
Asan na yun?
Kaya naman napatingin ako sa side ko at nakita ko siyang naglalakad!
"San ka pupunta?" Tanong ko.
Tinuro niya ang Dance room/DR kaya naman napatingin ako.
Nagulat ako dahil nagtama ang paningin namin ni Jannah!
Walang reaksyon yung mukha niya pero halata mong napagod siya sa pagprapraktis. Nagulat rin siya pero iniwas niya rin yung paningin niya.
Habang sinusundan ko ng tingin si Ark, bigla na lang siyang nadulas at BLAG! Hahaha! Tawa ako ng tawa sa nakita ko. Paharap kasi siya na nadapa at kunyari lumalangoy pa ito!
Loko! Nagawa pang mag-acting!
Tumingin naman ako sa D Room at nagtama na naman ang paningin namin ni Jannah.
YOU ARE READING
Sapatos (SLOW UPDATE)
FanfictionNang dahil sa isang pares ng sapatos, madaming masasaktan, malulungkot, magaaway, magugulat, maiinspire, sasaya at magmamahal. --- Cover by: @lolatheloser_ :)