Bryan's P.O.V:
"Hayst! Tch!" -sabi ko sa sarili ko.
Nandito ako sa hallway na mag-isang naglalakad papunta sa classroom namin.
Ngunit hindi ko maiwasang hawakan ko ang ulo ko at alog-alugin ito.
Hindi ko rin maiwasan na ma-pa Face Palm.
Hindi ko maiwasan ang sarili ko na isipin ang lahat ng nangyari kahapon!!!
Hay. Akala ko kasi si Nerdy eh.
Akala ko kasi si Jannah, si Nerdy!
Arggh. Huling text kasi ni Nerdy, nandun na siya sa meeting place. Sakato namang nakatalikod si jannah kaya akala ko, siya yun.
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. Ang WEIRD ko lang kahapon.
Parang may sariling isip ang katawan ko kahapon.
Parang animo'y may nag-cocontrol sa akin habang ginagawa ko ang mga bagay na iyon kay Jannah.
Hindi ko alam kung ano ba yung mga nararamdaman ko nung mga oras na nakasama ko siya.
Aish! 2nd time ko na yung naramdaman eh.
Oo. 2nd time.
Hindi, 1st time.
Nako, huwag kayong mag-isip ng kung ano-ano. Lilinawin ko lang na wala pa akong Girlfriend. But, I'm planning to court someone.
Aaminin ko sa inyo na 1st time ko lang siyang makita sa school.
Nalaman ko lang naman yung pangalan niya, because of her I.D.
Pero, madalas ko ng marinig ang kanyang pangalan. Aaminin kong madami na akong narinig sa kanya. Well, she's popular. Ang pag-kakaalam ko, MP3 yung grupo na kinakabilangan niya. Siya pa nga ata yung leader eh.
At---
"Dude! Nadyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap ah!" -sabay akbay ni Ark.
---Si Ark. Ang co-basketball player ko at matuturing kong matalik na kaibigan. Siya ang aking Parthner in Crime :D
Kung maka-sulpot naman siya, wagas!
Naalala ko tuloy ulit yung kahapon.
Nung inakbay ko si Jannah, Tapos---
Arggh. Tama na nga. Napag-kamalan ko lang siya.
"Dre? Hindi ka na ba sasagot dyan? Naririnig mo ba ako? Kung hindi, halika pa check-up tayo. Dun kay Ms. M! :D Hahahaha!" -sabay taas-baba pa ng kilay nya na parang may pinapahiwatig pa!
Nakakainis talaga 'to! Tsk! Ang akala niya may gusto ako kay Ms. M!
--- Si Ms. M. Isang student na tumutulong sa mini clinic dito sa school. Na-meet na namin siya nun eh. Pero hindi kami madalas na mag-usap o magkita.
"Haha! Hindi ko makalimutan yun Bryan! Nung, nag-bigay ka ng Love letter at Flowers sa harapan ng clinic! Hahaha! Pahiya ka nun Dude!!!!"
"Arggh. Pwede ba? Tigilan mo nga ako kay Ms. M?! May boyfriend yun ok? Saka, alam mo namang hindi ko gusto ang ginawa ko nun eh!" -pangangatwiran ko.
"Ah! Hahaha! Oo nga pala! Dare lang pala yun last year! Hahahaha!"
Oo. Tama siya. DARE lang yun, at wala akong balak na ligawan siya nun. Hindi ko po siya type. Nirereto lang po ako ng aking mga kaibigan
-____-
"Nga pala, May nakita nga pala akong babae na kasama mo kahapon ah. Siya na ba yung pumalit kay 'The 1st'?"
Arggh. Alam ko kung sino yung tinutukoy nyang babae na kasama ko kahapon at si 'The 1st'.
"Arggh! Seriously Ark? Tsss. Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng balikan 'yan, hindi ba? At huwag kang chismoso."
"Kung mag-sungit ka wagas, Dre! Tss! Chill. Nga pala, balik tayo dun sa chicks na kasama mo kahapon. Anong pangalan niya? Ligawan ko kaya." -taas noong tanong ni Ark.
"Tssss! Anong ligaw, ligaw? Tss. Wala daw sa dictionary niya ang pagkakaroon ng 'RELATIONSHIP'."
-sabi ko kay Ark at Inemphasize ko talaga ang 'Relationship'."Kung maka-wala sa dictionary niya! Bakit, close kayo? Jannah yung pangalan ng kasama mong babae, hindi ba?"
Aba! Nag-tanong pa kanina. Psh. Alam niya pala yung pangalan niya eh.
"Tss! Basta, sabi niya yun sa akin kahapon. Alam mo namang hindi kita papayagang man-ligaw, Hindi ba?" -sagot ko sa kanya.
"Tsk! Hindi ko alam yang pinag-sasabi mo!" -clueless niyang sagot.
"Huh. Alam mo naman ang ibig kong sabihin diba?" -sabi ko sa kanya at makahulugan ko siyang tinignan.
"Ano nga ba?" -tanong niya at makahulugan niya rin akong tinignan.
"Hayst. Huwag mo akong tignan ng ganyan. Kakakilala pa lang namin Dre. Kahapon ko lang siyang nakita."
"Pero, noon ka pa niya tinitignan." -seryosong sabi niya.
Huh? Matagal na tinitignan ? Ano bang pinag-sasabi niya? Ang clueless niya mag-salita!
"Ano bang pinag-sasabi mo dyan?" -tanong ko sa kanya.
"Wala." -sarcastic niyang sagot.
"Tsss, Wala daw?" -bulong na sambit ko.
"Haha! Basta, wala yun. Sige ha, una na ako. Bye!"
At ayun, iniwan niya akong mag-isa.
Hay. Naalala ko na naman yung kahapon! Lalo na yung:
"Nakita ko nga kasi yung puso ko na~na sayo!"
"Nakita ko nga kasi yung puso ko na~na sayo!"
"Nakita ko nga kasi yung puso ko na~na sayo!"
Aish?! Ano ba Bryan? Pa-ulit-ulit? Arggh. Wala namang REPLAY ang isip ko diba?
Halata namang pinagtripan niya lang ako kaya niya ginawa yun. Kaya, pinagtripan ko rin.
Hayst. Dahil nakasama ko si Jannah kahapon, hindi ko tuloy nasabi yung importante kong sasabihin kay Nerdy.
***
Guys! Abangan niyo yung mga susunod na chapters kasi it will be a BLAST! ^,^
Comment || Vote ||Be a fan ||Enjoy! ♡♡♡

YOU ARE READING
Sapatos (SLOW UPDATE)
Fiksi PenggemarNang dahil sa isang pares ng sapatos, madaming masasaktan, malulungkot, magaaway, magugulat, maiinspire, sasaya at magmamahal. --- Cover by: @lolatheloser_ :)