Sabi nila, hindi ka raw totoong magiging masaya kung puro galit, sama ng loob at paghihiganti ang nasa puso mo.
Kaya ako, hindi ako masaya.
Alam ko yun. Aminado ako.
Magiging masaya lang ako kapag nakapaghiganti na ko sa pagkawala ng napakaimportanteng tao sa buhay ko. Ipararanas ko muna sa mga taong naging malupit sa kanya ang hirap na pinagdaanan ng puso niya.
Pag nangyari yun, dun lang ako magiging tuluyang masaya. Doon lang gagaan ang bigat ng kalooban ko na ilang taon ko rin namang kinimkim.
Kaya kailangan ko na talaga syang mahanap.
BINABASA MO ANG
GANTI
General FictionAng pagkakaroon ng pagkakamali sa buhay ay bahagi ng pagiging tao natin. Pero, hanggang kailan nga ba tayo dapat singilin sa pagkakamaling matagal na nating pinagsisihan at pinagbayaran? Kailan patatahimik ng multo ng nakaraan ang kasalukuyan? May...