Chapter 2

72 3 1
                                    

Chapter 2

Enzo's POV

"Patawarin mo sana ako Jane. Nahuli ako. Bumalik ako pero wala ka na. Sana nasabi ko sa'yo yung totoo para di na tayo humantong sa ganito..." umiiyak kong pakiusap sa kanya. Pilit ko siyang inaabot pero sa bawat hakbang ko palapit sa kanya ay lalo siyang lumalayo

"Alam ko Enzo. Alam ko. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Wag mo sana sirain ang buhay mo. Please. Para sa'kin, maging matatag ka. Magsimula ka muli. Wag mo sayangin ang buhay mo. Ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo. Para sa'kin."  habang sinasabi niya ang mga katagang yan ay unti-unti siyang dumidilim at naglalaho sa'king paningin

"Sandali lang babe. Wag kang umalis . . . Waaaaaaag!"

Isa na namang panaginip. Bakit mahal ko? Bakit kailangan mangyari sa'tin ang ganito?

Bumangon ako sa kama at nagpasyang maligo. Naisip kong kailangan ko na rin bumalik sa school. Anim na buwan na ang nakalipas. Anim na buwan na kong nagkukulong dito sa kwarto at pilit tinatakasan ang mundong naging napakalupit sa'kin.

Tama si Jane. Dapat akong maging matatag. Alam kong hindi niya magugustuhan kung magiging miserable ako. Magsisimula ako muli. Hindi para sa sarili ko. Gagawin ko 'to para sa kanya. Ito na lang ang pwede kong gawin para makabawi sa pagkakamaling nagmumulto pa rin sa'kin hanggang ngayon.

Pagtapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang polo shirt na itim at maong  na pantalon at inihanda ang mga gamit ko. Humarap ako sa salamin at napansin kong mahaba na pala ang buhok ko. Ito ang tanda ng pagkakulong ko sa mapait kong nakaraan. Masaya kaya si Dad na makita kung gaano ako naging miserable sa buhay na pilit niyang ginugusto para sa akin?

Mabubuhay ako para kay Jane. Wala nang iba pang dahilan. Ang muli kong paglabas sa kwartong ito ang paglabas rin ng isang bagong Enzo.

Pag baba ko ay halatang gulat at nagtataka ang tingin sa'kin ng mga kasambahay namin. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Matapos ang anim na buwan kong pagkukulong sa kwarto, ngayon lang nila ako nakitang lumabas muli.

"Good morning po senyorito." nag-aalangang bati sa'kin ni Maria, ang aming kasambahay.

"Aba hijo, Salamat naman sa Diyos at naisipan mo nang lumabas ng iyong kwarto. Buong akala ko ay wala nang pag-asang bumalik ka sa dati.."

Naluluhang salubong sa'kin ni Yaya Pasing. Niyakap niya ko. Bahagya akong nakadama ng pagkamiss sa kanya. Siya na kasi ang tumayong pangalawang ina ko dahil lagi naman wala sila mommy dito sa bahay. Puro business trip na lang lagi ang inaatupag nila.

"Pasenya na Yaya kung nag-alala ka sa'kin."  sagot ko sa kanya

"Wala yun hijo. Mahalaga, mukhang okay ka na ulit. Halika, umupo ka dito at ipaghahanda kita ng almusal." aya niya sa'kin patungong dining area

"Maria, dalhan mo ng makakain dito si senyorito Enzo mo." sigaw niya sa kusina

"Ibig bang sabihin nyan ay babalik ka na sa school? Naku, dapat 'tong malaman ni Senyora Beatriz." muling baling niya sa akin habang inilalatag ang pinggan sa lamesa.

"Yes yaya. Papasok na ko ulit. Gaya ng gusto ni Jane, at para kay Jane. But please, don't tell Mom. She won't care anyway."  seryoso kong sagot sa kanya

"Pero anak . . . " hindi ko alam kung bakit bigla siyang huminto sa pagsasalita. Marahil ay tinatantiya niya muna ang mga sasabihin niya sa'kin

"Bakit yaya?"

"Galit ka rin ba sa Mommy mo, anak? Naaawa lang rin ako sa kanya dahil labis rin siyang nalungkot sa pagkakaganyan mo. Kaya nga dun na muna sya sa resthouse nyo sa Batangas nag-stay. Hindi daw sya babalik dito hangga't hindi ka okay."

"Dapat lang siyang malungkot. Pasensya na yaya pero hindi ko pa rin sila napapatawad sa lahat ng naging desisyon nila." hinigop ko lang ang kapeng iniabot niya sa'kin kanina at lumabas na ko ng bahay namin. Baka kung saan pa mauwi ang usapan namin.

Nagtungo ako sa kotse ko sa may garahe. Nakakatuwa at napanatili ni Mang Teban ang linis nito kahit di ko ginagamit. Inilabas ko na mula sa garahe ang kotse.

"Hijo!" narinig ko pang sigaw ni yaya sa may gate. Hindi ko na siya pinansin at pinaharurot ko na ang kotse ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pinaandar ko lang nang pinaandar ang kotse ko. Namalayan ko na lang na patungo na pala ako sa lugar kung nasaan ni Jane.

"Babe. Sorry talaga. Sana mapatawad mo ko." nakatitig ako sa kanya pero hindi siya sumasagot.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Kung ako lang ang tatanungin, ayoko nang mabuhay. Pero gaya nga ng sabi mo kaninang umaga, kailangan kong magpatuloy. Pero may dahilan pa ba babe? Ano pa bang dahilan para mabuhay pa ko? Ikaw na lang ang nag-iisa kong dahilan para bumangon pang muli. Sabi mo wala akong kasalanan. Mali ka. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung bakit ka nandiyan at kung bakit ganito ako ngayon. Naging mahina ako. Naging duwag. Kaya sana patawarin mo ko. Pangako, para sa'yo, magsisimula akong muli. Alam kong iyon din ang gusto mo." di ko na napigilang pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Alam kong nakikinig ka Jane. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumagot. Sige Babe, magpapalam na ko. Mahal kita, wag mong kalilimutan yan." di ko inantay pa ang sagot ni Jane. Naglakad na ko patungo sa kotse at umalis.

(to be continued...)

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon