Chapter 4

54 2 0
                                    

Chapter 4

Jean's POV

First Day of School namin ngayon ni Gabbi sa University of St. Anthony, dito sa Quezon City. Medyo malapit naman sa school yung bahay namin. 20 minutes away siguro. Mabilis naman ang byahe namin dahil hindi namin kailangan magcommute. Hiniling kasi ni Gabbi sa parents niya na kapalit ng pagpayag niya na mag-aaral siya dito sa Pinas ay ang bilhan siya ng kotse na gagamitin namin. Bilang nag-iisang anak ay agad namang pinagbigyan siya ng Dad niya basta daw magpakatino na siya.

Gaya nga ng sabi ko, 20 minutes lang ay nasa campus na kami. Humanap muna kami ng pwedeng paradahan. Pinili naming pumarada malapit sa isang puno sa main building. Nakakapagtaka lang dahil halos karamahin ng mga nakaparadang sasakyan ay nasa kabilang bahagi ng parking area.

"Wait Gab, hindi kaya bawal dito magpark?" pigil ko sa braso niya.

"Bakit naman magiging bawal eh parking lot 'to? Saka may kotse dun oh. So hindi bawal sa side na to."  turo niya sa puting kotse sa left side niya.

"Eh hindi mo ba napansin? bukod tanging dito lang sa area na to walang nagpark tapos sila, siksikan dun." pangungulit ko sa kanya.

"Nu ka ba naman Jean. Baka naman wala pa kasing dumarating kaya wala pang nagpark dito. Oh,  dumating na tayo, kaya meron na nakapark dito ngayon." sagot niya.

"Sabagay, baka nga ganun."  sang-ayon ko.

"Tara na, baka ma-late tayo. 8:30 na rin oh.  Hahanapin pa natin yung room." aya niya sa'kin habang kinukuha ang bags namin sa back seat

"Ready ka na ba?" kinuha ko ang bag ko sa kamay niya.

"Ako dapat ang magtanong sa'yo nyan. Ready ka na ba? Ito na yun. Andito na tayo. Wala na 'tong atrasan." hinawakan niya ko sa braso bilang pagpapalakas ng loob ko.

"Yeah. Of course i'm ready. This is it! Tara na?"  binuksan ko ang pinto ng kotse pero nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Muli akong hinatak ni Gabbi at nahatak ko rin pasara ang pinto.

"Jean! Are you okay? What was that?" pag-aalala niya. Bigla kasing may rumaragasang kotse na nagpark sa tabi namin. Kung hindi ako nahila ni Gab, malamang ay natanggal ang pinto ng kotse namin o baka napisak ako nung kotse na yun. Magkahalong nerbiyos at inis ang nadama ko nung oras na yun.

"Sino ba yung maangas na yun? Balak pa yatang sirain yung kotse natin. Kung nagkataon na lumabas ka, baka patay ka na Jean."

"Okay lang ako Bestie. Teka nga at bababain ko, nang malaman natin kung sino ang naghahari-harian na yun!" naiinis kong sabi.

Bumaba ako ng kotse at kinatok ang bintana sa driver's side nung kotseng pula na yun. Maya-maya pa ay unti-unting bumaba ang salamin nito.

"Hoy hambog! Problema mo ba? Balak mo bang pumatay ng tao?" sigaw ko sa kanya.

"Problema ko? Ikaw. Hindi mo ba alam na parking area ko 'to? Walang ibang pwedeng magpark dito kundi ako lang."  akmang itataas na niya muli yung bintana ng kotse pero napigilan ko siya.

"Sandali, hindi pa tayo tapos mag-usap." muli kong singhal sa kanya.

Hinubad niya ang suot niyang shades at nagsalita, "Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Ang kailangan mong gawin ay intindihin yun at umalis diyan sa pwesto ng kotse ko."

Parang pamilyar ang lalaking ito. San ko ba siya nakita?

Pero hindi ko na masyadong inintindi kung saan ko siya nakita dahil mas na-focus ako sa sinabi niya.

"Paano naman naging sa'yo ang parking area na 'to? Nabili mo? Marami pa naman dun sa kabila ah. Sino ka ba, ha?" talagang ginagalit ako ng maangas na to.

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon