Chapter Four: Operation stop

106 21 26
                                    

Miller


Hanggang sa loob ng bahay pinigilan ako nung buto-butong babae yun. Ayaw patinag nakakainis kung umasta pa akala mo lalaki, dinaig pa ako. Damit pa nga lang niya mukha na siyang lalaki. Imagine naka t-shirt na nga na malaki ang size tapos naka jersey pa.


Yung totoo saan yung laban?


"Bawal ka ngang pumasok!"


"Bakit ba ang kulit mong buto-buto ka? Kakauspin ko lang kuya mo!"


"Ayoko nga!"


"Maki, sinong kausap mo d'yan?- Oh ikaw pala. Bakit ka napabalik?"


Para akong nawalan ng hangin nung makita ko kuya niya. Isa siyang anghel dahil iniligtas niya ako mula sa demonyong buto-buto!


"Gusto ko sanang kausapin kayo about sa mga videos na ginawa niyo."


Ilang saglit natigil ang kuya ni buto-buto at bigla na lang natawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?


"Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"


"Akala ko kasi good boy ka tapos ngayon, tignan mo nga naman."


"Dati yun. Lahat nagbabago."


"Anong kadramahan na naman yan pangit?"


Sabi ni buto-buto. Kadramahan? Sana nga drama lang na may katapusan, na kapag sinabing cut matatapos na ang drama. Na may fast forward at stop para puro masasayang bagay na lang lagi.


*ding*dong*ding*dong*


"Maki tignan mo nga kung sino yun."


"Bakit ako?"


"Siguro. Kasi sinabi ko? Hala sige na tignan mo na."


Nakuha pang umirap ni buto-buto at hindi pa sa akin nakaligtas yung masama niyang tigtig.


Bigla naman akong inakbayan ng kuya ni buto-buto. Bigla tuloy akong napalunok. Ang tigas ng katawan niya. Napatingin ako sa braso ko mas matigas pa ata tinapay kaysa braso ko.


"What do you like? coffee, juice, or tubig na lang? anyway alam ko naman na mas gusto mo ang tubig right? Kaya nga mas pinili mong magpakamatay sa tulay.. joke"


Ngumiti na lang ako. Pilit na ngiti.


"Hi bro!" sabi ng bagong dating at kung tama ako, siya si Casper.


"At bakit hindi ka pa bihis? Wag mong sabihing hindi ka pa naliligo?!" sabi nito habang tumitingin sa kusina. Habang si Jiro naman kakasarado lang ng refrigerator. At naglakad papalapit sa akin.

10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon