Chapter One: Encounter

358 32 19
                                    

Author's NOTE: Hindi ako magaling gumawa sinasabi ko na sa inyo. Kung hanap niyo ay mabilis ang update at perfect ang gawa ay pasensya na po hindi po ako yun. (:


:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::


Miller


"Hi guys! We're the gods of playboys and we are here to help you guys. Visit out YouTube account and like our page so you can always be updated. We're not here to hurt you guys, nandito ako-kami para makabawi ka sa ex mo na nang loko sayo o ng iwan sayo."


Para makabawi ka sa ex mo na nang loko sayo..


"Hi guys! I'm Casper isa rin ako sa inyo dati. Remember DATI. Buti na lang nabuo ang grupo na ito, right guys."


"Of course!"


"Oo naman!"


"Hindi siguro halata na sinaktan kami right? Pero ako na nagsasabi sa inyo na dinanas din namin yan. Mas masakit."


"Masakit maloko hindi ba? Masakit magmukhang tanga hindi ba? Tao rin naman tayo may puso at nasasaktan din. Ang pinagkaiba lang natin lalaki tayo at babae sila. At ang nararapat sa kanila binabawian."


"Wag kang matakot kay karma dahil tayo-ikaw ang magiging karma nila. Bakit mo pa hihintayin ang karma kung pwedeng ikaw na mismo ang gumawa ng karma niya."


"Wag kang matakot kay karma kung bumawi ka sa kanila. Tandaan mo ikaw ang sinaktan at hindi sila."


"Tama na yan kahit kailan talaga ang daldal mo, Casper. By the way I'm Jiro kung gusto niyo bumawi sa kanila puntahan niyo na lang our accounts and page kung gusto niyo naman mas maganda kung puntahan niyo kami, personaly. Bye-"


"Teka lang naman Jiro! Sa mga nanloko sa amin nakikita niyo ba itong mukhang ito? Itong guwapong mukhang ito? *smirk* Maglaway kayo ngayon mga p*utang*na! T-teka lang ano ba hindi pa ako tapos magsalita eh!"


Pigil sa kanya ng dalawa habang siya naman hawak na yung camera kaya sobrang lapit tuloy ng mukha niya-nila. At ang masasabi ko lang ang guwapo talaga nila. Hindi ko sinasabing bading ako o malapit na mabading.


Ang gusto ko lang sabihin na sila, sila na guwapo nasaktan pano pa kaya ang tulad ko? Ni wala pa ako sa kalahati nila.


Ilang saglit ay natapos na yung video nila. GP's? Naririnig ko na rin yung pangalan ng grupo nila sa school namin, actually sikat sila wala lang talaga akong pake alam sa kanila.


Hindi kasi ako nabibilang sa tulad nila kaya bakit pa ako makikialam sa kanila? Umiikot din naman kasi yung mundo ko nung panahon 'yon sa iisang babae na akala ko bubuo sa akin.


Pero may alam ako tungkol sa kanila.


10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon