Chapter Six: Bar

72 16 17
                                    

Miller


Hindi ko alam kung nakailang palit na ako ng damit dito sa department store. Hindi ko rin alam kung may kataposan pa ba 'to o baka masasaradohan kami hays. Dinaig ko pa babae sa kakapalit ng damit, psh.


"Oy labas na!" sabay katok niya sa pintuan ng dressing room.


"Sandali lang!" sabay sarado ko ng huling butones.


Hindi ko maintindihan bakit kailangan pang magpalit ng damit eh i-inum lang naman kami. May sira ba ito sa ulo? Pagbukas ko ng pinto nakita ko naman ang itsura ni Morris na parang na lantang gulay ng makita ako.


"Bakit ganyan ang.. mukha mo?"


"Argh! Nakakaasar na ah, kanina ka pa palit ng palit wala pa ring bumabagay sayong damit!" gigil na gigil na sabi siya, gulo-gulo na rin ang buhok niya sa kakagulo ne'to.


"Mag ga-gabi na pero heto nandito pa rin tayo sa mall. Sa susunod nga mag gym ka. Tsk, mag si-six na. Kunin mo na gamit mo aalis na tayo."


"Teka magpapalit muna ako!-"


"Halika na sabi!" sabay hila niya sa akin.


Bakit ba ang hilig nito mang hila? Nakaka pangduda na ah. Hindi kaya...


"Bakla ka ba?"


Dahan dahan naman niyang binababa yung kamay niya at humarap sa akin.


"Sa tingin mo ba talaga bakla ako? Hindi mo narinig yung sinabi ni Casper na pervert ako?!" sigaw niya sa akin kaya hindi naiwasan napatingin ang mga tao dito sa loob ng department store sa amin.


"Pervert daw siya?"


"Sayang ang gwapo naman niya tapos bastos pala siya? Nakakahiya tapos ipagsisigawa pa hindi na hiya."


"O'di inamin mo rin na pervert ka?"


"Argh ewan ko sayo! Ito pera bayadan mo yan sa counter bwisit!" sabay walk out niya.


"Oy kuya 'diba si Morris yun? pervert ba talaga siya?" tanong sa akin ng babae.


Tumingin naman ako kay Morris na naglalakad. At ngumiti ako sa babae nasa harap ko.


"Mabait yun." sabay pat ko sa balikat niya at naglakad na ako papuntang counter.


"Bakit ang tagal mo magbabayad lang inabot pa ng five minutes. Hindi na talaga ito mauulit pa, tsk." sabi ni Morris habang naglalakad kami papalabas ng mall.


"Sinabi ko sa kanila na hindi ka pervert."


10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon