Chapter Three: Pangit vs Buto-Buto

188 25 26
                                    

Miller


Minsan ko hindi ko talaga maintindihan ang mga nang yayari. Bakit kailan pa natin masaktan bago tayo matuto? Bakit kailangan pa nating magkamali bago natin mai-tama?


Ganun ba talaga? Sadya bang kailangan muna natin magkamali bago natin marealize?


Bakit kailangan saktan nila tayo kung wala naman tayong ginawa kung hindi ang mahalin sila? Dapat ba akong matuwa kasi sabi nila the more you get hurt mas magiging matatag ka?


Kung ganun bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nahihirapan?


Fvcking life! Gusto ko lang naman na mahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero bakit ito pa ang igaganti niya?


"Gago ka. Bakit hindi ka tumingin sa dinadaanan mo huh?!"

Natigil ako sa paglalakad ko ng biglang may humawak ng balikat ko. Ano bang ng yayari?


"Ano bang problema mo?"


"Ang kapal mo ring gago ka ah! Ano mag mamaang-maangan ka pa diyan." Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at tinulak yung balikat ko.


"Akala mo kung sino ka, bakit papalag ka?" sabay suntok niya sa akin agad naman ako natumba.


"Wala ka pa lang kwenta ,mahina ka. Ang dapat sayo tinatapon sa basurahan. Pwe!"


Babanatan ulit niya sana ako nang biglang may sumigaw. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman. Dapat matuwa ako kung hindi dahil sa pagsigaw niya masusuntok ulit sana ako.


Pero..


Bakit inis ang nararamdaman ko? Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko. Sarili ko hindi ko man lang maipagtanggol. Sarili ko, sarili ko fvck!


"Hindi sayo ang daan, dude."


Napatingin ako sa lalaking nakangiting nakatingin sa akin habang inaabot niya ang kamay sa akin.


"Kaya kong tumayo, tch."


Ewan ko ba, bigla na lang akong lalong nainis. Yung ngiti niya urgh! Sarap punitin.


"Bakit mo ba ako sinusundan?" inis kong sabi sa kanya.


"Wala kasi akong magawa, pwede bang sumama?"


Iniinis ba ako nitong mokong na 'to? "Hoy ikaw!"


Tumingin naman siya sa gilid niya pero ng marealize niya tinuro niya na ang sarili niya. Tanga lang? "Ako? Ako ba tinutukoy mo?"


"Oo ikaw! Iniinis mo ba talaga ako? Kung wala kang magawa pwes ako may gagawin pa. Kaya pwede lumayas ka na?"

10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon