Chapter Five: The reasons

94 18 18
                                    

Author's note: Medyo napaaga ang update imbes na sa susunod pa, may gagawin kasi ako kaya medyo magiging busy kaya gumawa na rin ako. Ginanahan din kasi ako sa mga bagong nabasa kong one-shot na ginawa ni ateBebangLoves. Sana magustohan niyo <3


'*~*'



Miller


Hindi ko akalaing lumipas na ang ilang linggo mula ng magbreak kami at kami ang pinagusap-usapan sa buong linggo. Hindi ko inakala na kakalat agad yun. Ni wala nga kaming official break up. Asa ka naman na totoong naging kayo, tsk.


Basta ang alam ko lang niloko niya ako. At masakit pa rin.


Ikaw kaya na magmukhang tanga sa kakaisip kung paano mo siya mapapasaya araw-araw. Habang siya tuwang-tuwang nakikipaglaro sayo. Ang sweet no? Sobra.


Pinagiisipan ko pa rin hanggang ngayon yung mga sinabi nila. Sabi ng utak ko gawin ko, sinisigaw na bumawi ka, wag kang tanga. Pero sabi ng puso ko wag, sinisigaw na mahal ko pa rin siya.


Bago ako matulog paulit-ulit ko pa rin naririnig ang boses niya. Kung dati tuwang-tuwa ako tuwing naririnig ko nakangiti pa ako bago matulog pero ngayon para akong bina-bangungot na gising.


Sa ngayon na detention ako. Pinagbabayaran ang mga kasalanan. Tulad ng vandalism, shouting, at yung ng yari lang kanina may nakasuntukan ako. Sobra nga akong nalamog, urgh.


"Mister Alcoran, pag tapos mo burahin ang mga sinulat mo diyan tsaka ka lang makakapasok sa klase mo. Dalian mo na diyan."


Ewan ko ba bakit ko naisipang sumigaw at magvandalism. Sa sobrang taranta ko nasuntok ko yung nakakita sa akin. Minalas lang ako kasi ang nasuntok ko may ipapalag pala. Kainis buti na lang walang masisira sa mukha ko matagal na kasing sira. Harhar.


Natapos ako bago mag klase ulit ng hapon. Gusto ko sanang pumasok pero naisipan kong wag na muna minsan lang naman eh, sulitin ko na lahat ng first time ngayon para minsanan ang sermon lang.


"S-sorry! Ayos ka lang ba?"


"Ikaw na naman?!"


"Ohh ikaw pala buts, nice to see you again. Huh?" ngumiti ako sa kanya at inabot sa kanya ang mga librong napulot ko matapos ko siyang mabungo.


"Hindi nakakatuwa. Umalis ka nga sa harap ko bakit ba kasi nakita pa kita!" sabay irap niya sa akin at nilagpasan ako.


"Siguro kasi destiny tayo?" biro ko sa kanya kahit alam kong malabo na niyang marinig kasi magkatalikuran na kami.


"Anong sabi mo?"


Humarap ako sa likod ko ta hindi nga ako nagkamali nakaharap na din siya sa akin ngayon. Yung kilay niya iisa na lang, sa sobrang dikit hahaha.

10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon