Chapter Two: Forever

178 28 18
                                    

MIller

"Ano nang yari diyan?"

"Ewan ko balak ata tumalon sa tulay buti na lang na hawakan ko pa yung dulo ng damit niya."

Bakit ang sakit ng ulo ko? Urgh parang may binabaon na tornilyo sa sakit. Oo nga pala nakainom ako kagabi psh.

"Awww.." Daing ko nang biglang may nagsalita kaya agad ako na patingin.

"Gising ka na pala." Sabi ng lalaki naka upo sa upuan pero ang upo niya baliktad, in short nakaharap siya sa sandalan ng upuan.

Bakit parang na kita kona 'tong lalaking ito? Hindi ko lang alam kung saan. Ang weird.

"Na saan ako? Bakit ako nandito?! Wala dapat ako dito!-" bigla naman may humawak ng t-shirt ko malapit sa leeg at mahigpit itong hinawakan.

"At ano hahayaan kitang magpakamatay?!"

"T-Teka na mu-mukhaan kita ah! Ikaw yung babaeng-" bwisit 'tong babae na ito ah! Hindi ko matuloy-tuloy yung gusto kong sabihin!

"Oo ako nga!" Sabay higpit ulit niya pero inalis ko din kahit medyo nahirapan akong alisin yung kamay niya sa may leegan ko.

Ano ba ito parang lalaki sa tigas ng kamay psh.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko.

"Kuya payagan mo ulit akong suntukin ko ito, susuntukin ko talaga ito!" Na papikit naman ako. Akala ko tatamaan na naman niya ako, hindi pala.

"Tama na yan Maki, tumabi ka muna."

"Kausapin mo yan kuya masusuntok ko ulit yan walang utang na loob nakakainis!" Sabay upo niya sa sofa.

"Ikaw ano bang problema mo at gusto mo magpakamatay?"

"Wala ka nang paki alam duon." Sabay tayo ko pero pinigilan niya ako.

"Isipin mo munang mabuti uuwi ka nang ganyan ang itsura mo? Ano na lang kaya iisip ng magulang mo?" Sabi nito sabay patong niya ng baba niya sa braso niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Sigurado paguuwi ako malalagot ako kay mama panigurado masesermonan ako at tatanungin ng tatanungin ng kung ano-ano.

"Dito ka muna pero mas mabuti kung i-text mo sila. Ito cellphone gamitin mo muna." Sabay bato niya sa akin na-catch ko naman.

"Salamat." Bubuksan ko na sana nang biglang may tumawag. "Ahm tumatawag si Christine."

"I-end call mo lang."

"Okay." Sabay end call ko, iswi-swipe ko na sana nang biglang mag ring ulit ito. "Tumatawag ulit siya i-e-end call ko ulit ba?"

"Psh akin na nga muna." Sabi nito kaya inabot ko naman.

"Wag ka nang tumawag, wala na tayo." Sabi nito at binabaan na niya ito. "Oh." Sabay bato ulit niya sa akin ng cellphone muntik muntikan ko pang hindi ma-catch hay.

Tinext ko muna si mama na may gagawin kaming project kahit wala naman. Sana nga lang maniwala. *cross finger*

"Salamat ulit tsaka salamat sa matutuluyan ko sa araw na 'to." Sabay abot ko nang cellphone.

"Kapalit ng makikitira ka muna dito pwede bang sabihin mo kung bakit mo gusto magpakamatay sa tulay?"

"Trip ko lang naman."

"Wow naman grabe yang trip mo rin noh? Magpapakamatay ka na nga lang idadamay mo pa yung kalikasan! Tsk." Sabay hipan ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

"Mapagmahal ka pala sa kalikasan pasensya na." sabi ko pero mas lalo siyang nainis. Pinuri ko na nga siya tapos siya pa galit.

"Duh! Alam mo yung salitang sarcastic?! Nakaka pangiinit ka ng dugong lalaki ka!-aray naman kuya!" Sabay himas nito sa ulo.

10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon