Chapter Eight: Move on

94 11 3
                                    

Author'snote: Maraming salamat po sa mga nagustohan ang gawa ko po maraming salamat po! :) WARNING may mga ilang bad words po kayong mababasa. Sorry din po sa ilang bad words at mga ilang salita na bawal sa 15 years old below tulad ng paglalasing etc. nung mga nakaraan na update. :)

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Miller

Masakit pala makita ang mahal mo na may kasama noh? Yung hanggang tingin lang pwede mong gawin kasi unang-una wala naman kayo. Yung malayo pa lang masakit na sa mata kaya iiwas ka na lang.

Yung wala ka na dapat ikaselos kasi wala ng KAYO. Yung kahit anong sakit nandun pa rin na mahal mo siya. Ang hirap at ang sakit ng makita mo ang mahal mo na masaya na agad samantalang ikaw nagdudusa pa rin sa sakit na iniwan niya sayo. Hindi mo maisip kung paano siya ganun kabilis maka move on sayo. Yung tipong ang unfair lang ikaw ang nagmahal ng tapat walang labis walang kulang pero sa huli ikaw rin pala masasaktan.

Nandito ako sa class room pero dapat mamaya pa ako papasok kasi mamaya pa naman yung klase pero pumasok na ako. Ayoko naman magmukhang tanga sa labas habang nakikita ko ang mahal ko na masaya sa labas.

*beep* *beep*

---------

New message: 0915*******

Sasabay ka sa aming mag recess. Wag ka pa famous pumunta ka!

---------

Teka sino?

"Masyado namang demanding yan sino ba yan?"

"Kaya nga- bakit ka nandito?!!"

"Hindi ikaw bakit ka nandito?"

"Wag mo nga mabalik-balik sa akin yung tanong ko sayo! Malamang dito class room ko eh ikaw hindi naman kita kaklase ah?!"

":)"

Ayan na naman yung ngiti niya. Nakakasar naman itong baklang mokong na 'to. Oo sino pa ba yung katabi ko walang iba kung hindi yung bwisit na mokong na gusto akong maging kaibigan.

"Ano bakit ka nga nandito?!"

"Kasi po mula ngayon magkaklase na tayo ikaw bakit ka nandito mamaya pa klase natin ah?"

"Ha ha umalis ka na bago pa kita masapak. Para sabihin ko sayo hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi nung huli tayong nagkita!"

"I already said sorry na nga sayo eh. :("

Pumapasok na ang ilang studyante at hindi mo maiitanggi na pinagtitinginan itong mokong na katabi ko. Ayoko mang galing sa bibig ko pero aminado ako na may itsura 'tong mokong na 'to. Kaya hanggang maari ayoko tumabi sa kanya mas pumapangit ako.

"Oh saan ka pupunta?"

"Kung saan hindi kita katabi masaya ka na?" sabay upo ko.

Narinig ko naman nagbulong-bulungan yung mga kaklase ko. First time ko lang kasi magsalita sa class room na 'to na hindi tinatawag ng teacher o maliban lang kung may kailangan sila sa akin. Kasi wala naman akong kaibigan dito wala din naman gustong makipagusap sa akin in short invisible ako dito. Pake ko ba sa kanila mabubuhay naman ako kahit hindi nila ako kausapin. Noon. Kasi siya lang sapat na kaya hindi ko naramdam kung ano ang iniisip o sinasabi ng iba kasi siya pa lang sapat na. Kuntento na ako.

"Kuya anong pangalan mo? Bago ka lang ba? I'm-"

Nagulat ako ng tinignan lang niya yung kamay ng babae na kaklase namin at dumating na si Ma'am Parparan.

10 STEPS TO BE A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon